<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 21, 2011

I heart you pare - Week 7 March 21- March 25, 2011

DAY 1

Return of the comeback ang girl na obsessed forever kay Papa Kenneth, it’s Mandy! Assuming pa din ang lola Mandy mo na may gusto sa kanya si Kenneth pero ang catch is magkukrus na ang landas ni Mandy at ni Tony Boy. Makilala kaya niya ang ating bida in her next level diguise as a mhin!?

In lovabo mode din si Auntie Sarsi with Tsong (Arthur Solinap). As we all know, sideline lang ni Tsong ang panghaharbat niya kay Sarsi at isa talaga siyang alagad ni Sonny Boy na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko sa paghahanap kay Tonya. Dahil sobrang inlab ni atcheng sa ombre ay ipapakilala ni Sarsi si Tsong kay Tonya, na hindi man lang iniisip ang panganib na mabukelya ang ating bida!

Patuloy naman ang habulan at taguan nila Kenneth at Mandy. Kahit saan magtago sila Kenneth at Tony Boy ay patuloy silang nahahanap ng obsessed na merlat. Paplanuhin ni Kenneth na umalis sa club, pero magtagumpay kaya siya kung patuloy na nakabuntot si Mandy sa kanila?


DAY 2

Na-julie yap daza na ni Mandy sila Kenneth at Tonette. Wala ng kawala si Kenneth kay Mandy at handang ibigay ni merlat ng ang kaniyang katawan at puri kay Kenneth!

Samantala naiwan ni Tsong ang mga pictures ni Tonya sa parlor. Mabukelya na kaya si Tsong kay Sarsi na ang kanyang one and only prince charming ay alagad pala ng supervillain ng kanyang pumpkin?!

Pinapunta ni Kenneth si Tony Boy sa isang restaurant. Siyempre kinikilig si Tonya assuming na ide-date siya ni Papa Kenneth pero laking gulat niya ng ang merlat na si Mandy ang dumating sa eksena? What’s the meaning of this?

Walang Kenneth na dumating sa restaurant kaya mega bonding na lang si Tony Boy at Mandy. Crayola to the max si Mandy sa shoulders ni Tony Boy pero hindi pa rin nito naibsan ang heartnreak ni merlat. Pupunta si Mandy sa edge ng rooftop, plano na niyang magpakamatay dahil sa kabiguan pero siyempre pipigilan siya ni Tony Boy. Mandy ends up sa ibabaw ni Tony Boy! No way! Can this be lab?


DAY 3

After mailigtas ni Tony Boy ang buhay ni Mandy, maiiba ang tingin ng merlat sa ating bida. Siyempre hindi gusto ni Tony Boy ang ideyang ito. Masterplan pala ni Kenneth ang blind date nila Mandy at Tony Boy para magkahulugan sila ng loob kaya susugurin ni Tony Boy si Kenneth and confront him kung ano nanamang kalokohan ang ginawa ng pare niya sa kanya!

Kahit gaano pa man mainis si Tony Boy kay Kenneth ay hindi niya magawang magalit ditto. Maaabutan ni Tonya na tulog si Kenneth at aaminin niya kay Kenneth ang kanyang sikreto. Biglang didilat si Kenneth! Buking na nga basi Tonya!?

Siyempre hindi! Ang matindi pa nito, Kenneth pushes Tony Boy kay Mandy! Tuturuan ni Kenneth na manligaw si Tony Boy. Pagpapraktisan nila mismo ang mga sarili nila. Kenneth as the boy who proposes to the girl who is played by Tony Boy. Kilig to the bones naman si Tonya!

Samantala love is in the air din sa Club Love with our love square. Polly na head over heels kay Vodka na laglag pantay kay Joel na natotorpe kay Tonya. Matuloy pa kaya ang plano ni Joel na aminin kay Tonya ang feelings niya for his childhood pren Tonya?

Ang mahiwagang picture ni Tonya na pag-aari ni Tsong ay tila may buhay! Is this the moment of truth kay Sarsi ? Malaman na kaya niya na ang tunay na trabaho ni Tsong ay ang hanapin at hulihin si Tonya?



DAY 4

Muling dadalaw si Mandy sa club pero this time around hindi na si Kenneth ang pakay niya. Mukhang may bagong kakaobsesan si Mandy. Kenneth is Yesterday’s news and Tony boy is the new man of the hour sa mga mata ng merlat!

Ligtas pa din ang sikreto ni Tonya at ni Tsong. Hindi pa rin nila maconnect the dots ang lahat pero mas lalo namang napapalapit si Mandy kay Tony Boy. Akalain mong pikutin ang ating bida at ipressure na maging boyfriend niya! What more ay ipapakilala ni Mandy si Tony boy bilang bago niyang boyfriend sa nag-iisa niyang kuya na si Sonny Boy! Niyaks!

Samantala nagging trend na sa mga bading ng Club Love ang pamhin outfit ni Tony Boy. Hindi naman makapayag si Mama Marita na nagmukhang mga ombre ang mga star performer niya lalo na si Vodka!

Isang maitim na balak ang gagawin ni Mandy sa ating Bida. Lalasingin niya si Tony Boy at pagsasamantalahan ang kahinaan nito! Naku eto na ata ang katapusan ni Tonette, este Tony Boy este Tonya!


DAY 5

Mabibigo si Mandy sa kahalayang plano niyang gawin kay Tony Boy. Buti na lang nakita sila ni Sonny Boy! Akalain mong may maganda palang magagawa itong si Sonny Boy kay Tonya?

Hindi pa rin ligtas si Tonya dahil sa pagbabalik niya sa club ay pag-iinitan siya ni Vodka dahil na ka pahmin outfit pa rin siya at inaakala ni Vodka na ginagawa niya ito para akitin si Joel!

Hindi makakapayag si Vodka na maunahan siya ni Tony Boy sa puso ni Joel. Hanggang sa kanilang duet performance ay hindi makakaligtas si Tony Boy sa hagupit ni Vodka!

Samantala si Kenneth naman ay trying to mend his broken heart by dating other girls. Narinig ito nila Mandy at Tony Boy kaya tagteam nilang ige-gate crash ang romantic dinner ni Papa Kenneth!

The night will end with Mandy realizing na si Kenneth pa din talaga ang bet niya at hindi si Tony Boy, well pareho lang naman sila ni Tonya. Ngayong sawa na rin si Tony Boy sa kanyang pagpapanggap ay kukumprontahin niya si Kenneth at hihilingin na magbalik Tonette na siya. Papayag naman si Kenneth at mananatli silang magkaibigan with matching embrace! Ok na sana ang lahat ng biglang bumukas ang door at mahuli sila ni Mandy in an intimate embrace? Malisyosa!

POST