<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.
Showing posts with label Highlights. Show all posts
Showing posts with label Highlights. Show all posts

Feb 11, 2012

Day 1, February 13

Lumaking sweet at lovable si Alice sa ampunan. Pero marunong din siyang lumaban lalo na at kapag nasa tama siya. Kaya lang, may isang bagay na hindi alam ang mga tao tungkol kay Alice at maging si Alice ay hindi rin alam ito…ngayong 16 years old na siya ay mapupukaw na ang “special powers” niya bilang mangggaway. At dahil dito ay muling makakaramdam ng “surge of energy” si Esmeralda at magbabalik na ang ganda niya!

Pero kahit hindi alam ng mga tao na may “special powers” si Alice ay kinaiinggitan pa rin siya dahil sa kanyang kabutihan. Sisirain nina Wendy ang mga tanim ni Alice. Magagalit tuloy si Alice. May mangyayaring masama kina Wendy at ang sisisihin nila ay si Alice. Shocked tuloy si Alice. Maniwala kaya ang mga tao sa bintang kay Alice?



Day 2, February 14

Magi-guilty si Alice. Pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit inatake at naospital si Father Greg. Gusto niyang dalawin ang pari pero hindi siya papayagan ni Doray. Makikiusap si Ipeng kay Doray para pagbigyan na si Alice pero magmamatigas ito. Malulungkot tuloy si Alice.

Kaya lang, sasabihin ni Wendy kay Alice na mamamatay na raw si Father Greg. Mag-aalala tuloy si Alice kaya tatakas siya! Mahuli kaya ni Doray si Alice?! At ano kaya ang mangyayari sa ating bida pag nalaman ni Esmeralda na si Alice pala ang dahilan kaya unti-unti siyang lumalakas?!




Day 3, February 15

Makukulong si Alice dahil sa ginawa niyang pagtakas. Pero ang totoo, niloko lang siya nina Wendy. Ililigtas sana siya nina Gelay pero pipigilan sila nina Wendy. Itutulak ni Wendy si Gelay. Bigla tuloy mawi-wish ni Alice na madapa si Wendy at magkakatotoo nga ito! Ituturo ni Wendy si Alice na ito ang may kasalanan. Magmamakaawa si Alice kay Doray pero tatalian pa rin siya nito at itatapon sa loob ng madilim na bodega.

Samantala, uutusan ni Esmeralda sina Tim at Tom na bumalik sa Sitio Gaway-gaway. Sabik na sabik na siyang bumalik sa dati niyang anyo.



Day 4, February 16

Aawayin ni Ipeng si Doray dahil sa ginawa nito kay Alice. Mag-aalala naman si Alice dahil nagkakatotoo ang mga sinasabi niya – baka nga magkukulam siya! Pero papayuhan siya ni Ipeng na wag maniwala sa mga tao dahil mabuti siyang bata. Mapapahamak ulit si Alice! Makalusot pa kaya siya sa mukhang salbaheng si Ms. Kasimsiman!?

Samantala, mabubuhusan si Wally, walis ng tubig kaya magigising na siya. Hahanapin ni Wally ang ina niyang si Panying pero iba ang makikilala niya, ito ay ang gwapong masungit na si Ace at ang makulit nitong lolo na si Don Zaldy.



Day 5, February 17

Abswelto si Alice kay Ms. Kasimsiman. Maiisip tuloy niya na ipagluto ito kaya mamalengke siya. Pero aksidenteng mahahampas ni Ace ng pinto si Alice. Magagalit tuloy si Alice kaya mag-aaway sila. Madudulas sana si Alice pero tutulungan siya ni Ace. At dahil dito, mababagok ang ulo ni Ace! Matataranta tuloy si Alice!

Samantala, tutulungan ni Wally si Ace na iligtas si Don Zaldy. Muntik na tuloy mabuking ni Ace na talagang gumagalaw si Wally, walis. First time naman ni Esmeralda na makalabas at tuwang-tuwa siya pero masasagasaan naman siya! Ito na ba ang katapusan ng kontrabida ni Alice!?

Related Links

Bea Binene and Jake Vargas in Alice Bungisngis Pictures
Lexi Fernandez in Alice Bungisngis Pictures
Bea Binene Jubilant That Her 'Alice Bungisngis' Is Rating Very High

Continue reading

Day 1, February 6

Excited at masaya ang lahat dahil malapit nang manganak si Matilda. Mangangarap si Hilario na sana ay maging tunay na doktor ang magiging anak nila. Magre-react si Tandang Alicia na manggagamot din naman ang manggagaway. Matatakot tuloy si Hilario kay Tandang Alicia dahil alam niyang may “special powers” ang kanyang biyenan. Tulad na lang nang magkasakit ang anak ni Ipeng, napagaling agad ito ni Tandang Alicia!

Pero nasa panganib pala ang anak ni Matilda dahil kay Esmeralda! Mapapanaginipan kasi ni Tandang Alicia na mapapahamak ang sanggol kaya agad-agad niyang susugurin si Esmeralda at isusumpa ito! Magiging tuod si Esmeralda at mamamatay naman si Tandang Alicia. Akala ng lahat ay ligtas na ang sanggol pero sa pagkapanganak ni Baby Alice ay muling mabubuhay pala si Esmeralda!



Day 2, February 7

Lahat ay tuwang-tuwa sa pagkapanganak ni Baby Alice lalo na at taglay nito ang red birthmark ng kanyang Lola Alicia. Ibig sabihin nito ay magiging magaling din na manggagaway ang bata kapag lumaki na. Pero hindi lang pala sina Matilda at Hilario ang nagdidiwang sa kasiyahan dahil maging si Esmeralda ay masaya rin.

Ibig sabihin kasi nito ay pwedeng maputol ang sumpa sa kanya kaya dudukutin niya si Baby Alice. Lalaban sina Matilda, Wally at Hilario kay Esmeralda pero mabubuhusan sila ng potions. Babalikan ni Matilda si Hilario at iiwanan niya si Alice sa bangka. Pero dahil dito ay mapapahamak tuloy si Baby Alice.



Day 3, February 8

Susugod ang bayan para gumanti kay Esmeralda. Susunugin nila ang bahay nito pero makakatakas si Esmeralda. Mangangako si Esmeralda na gagantihan niya ang lahat.

Buti na lang at maliligtas ni Ipeng si Baby Alice! Iuuwi niya ito sa bahay dahil maalala niya ang anak niyang nawalay sa kanya. Si Baby Alice ang magbibigay ng bagong buhay kay Ipeng pero magtataka siya dahil parang kakaiba si Baby Alice. Matitigilan si Ipeng dahil nag-glow ang balat nito!



Day 4, February 9

Magdadalamhati sina Matilda at Hilario dahil akala nila ay patay na si Baby Alice. Wala silang kamalay-malay na buhay pa pala ito at na kay Ipeng lamang. Aakalain naman nitong si Panying na kampon ni Esmeralda si Wally na ngayon ay walis na. Hindi niya rin alam na ito pala ang anak niyang nabuhusan lamang ng potion.

Pupunta sina Ipeng at Baby Alice sa ampunan. Masakit man kay Ipeng ay parang mas dapat ay ibigay niya ang bata sa ampunan. Magkru-krus tuloy ang landas nina Matilda, Ipeng at Hilario sa bus. Aalis na rin kasi sina Hilario at Matilda papuntang Maynila para makalimot sa masasamang nangyari sa kanila. Hindi nila alam na kasama na pala nila sa bus ang anak nila.



Day 5, February 10

Hindi kayang iwanan ni Ipeng si Baby Alice sa ampunan kaya mamasukan na lang siya dito. At dahil sa ayaw niyang maampon si Alice ng iba at ayaw din namang mapunta ni Alice sa ibang magulang ay gagawa sila ng iba’t ibang tricks para hindi sila magkahiwalay.

Samantala, mananakaw si Hilario mula kay Matilda kaya magkakahiwalay ang mag-asawa. At si Alice naman ay lalaking lovable sa ampunan. At ngayong 16 years old na siya ay mapupukaw ang “special powers” niya bilang manggagaway. At dahil dito ay mabubuhay si Esmeralda!

Related Links

Bea Binene and Jake Vargas in Alice Bungisngis Pictures
Lexi Fernandez in Alice Bungisngis Pictures
Bea Binene Jubilant That Her 'Alice Bungisngis' Is Rating Very High
Continue reading

Sep 7, 2011

DAY 1

Iinsultuhin ni Lamitan ang iba pang mga uripon kaya’t magagalit ang mga ito at kukuyugin siya. Siya naman ang makakaranas kung paano maapi at mangudngod sa lupa.

Hihilingin naman ni Amaya kay Lingayan na tulungan siyang ilayo si Marikit mula kay Datu Mangubat. Isang kahilingang pabor kina Linayan at Banuk, dahil kapwa sila nasasaktan sa pagtatangi ni Mangubat kay Marikit. Kaya papaya si Lingayan sa gustong mangyari ni Amaya.

Kukumprontahin din ni Lamitan si Amaya. Sasabihin niya dito na alam na niya ang sikreto nito. Gulat si Amaya. At balak na siyang isumbong ni Dian Lamitan ngunit pipigilan siya ni Amaya at mauuwi ito sa labanan.


DAY 2


Maaabutan ni Lingayan ang labanan nina Amaya at Lamitan. Ipagtatanggol ni Lingayan si Amaya ngunit tatanungin niya rin ito kung totoo nga ba ang sinasabi ni Lingayan na siya ang may kambal-ahas. Aamin si Amaya, ngunit mangangako na gagawin niya ang lahat upang ilihis ang kanyang kapalaran at upang hindi saktan ang bana ni Lingayan.

Magkakaharap na sina Songil at Bagani. Ipaguutos ni Saghid na dakpin at paslangin si Bagani pero hindi susunod sina Songil. Sasabihin niya kay Saghid na ang datung ito ay ang kanilang ginoo at ang panganay ni Rajah Mangubat. Gulat si Saghid.

Ngunit sa kabila nito, mas pipiliin ni Saghid na kalimutan ang pakikipag-isa kay Mangubat. Dahil nais pa rin niyang parusahan sina Bagani at Binayaan. Magkakaroon ulit ng labanan.

Samantala, pupuntahan ni Paratawag si Lamitan at sasaksakin ito. Katapusan na kaya ni Lpmitan?



DAY 3

Makakatakas si Lamitan at mapupunta sa pangangalaga nina Hilway. Malalaman na nina Hilway na alam na rin pala ni Lamitan ang tungkol sa pagkatao ni Amaya. Itatago nina Hilway si Lamitan sa kanilang kubo upang doon magpagaling.

Mapapaslang ni Bagani si Saghid sa labanan. Ngunit hindi niya gagawing bihag ang mga mandirigma nito. Bagkus, hahayaan niyang maging Malaya ang mga ito basta’t ipangako lamang na hindi na maghihiganti ang mga ito kay Yang Tersayang. Papayag naman ang mga mandirigma.

Magiging malayang babae na si Yang Tersayang at ligtas mula sa kapahamakang maaring idulot ng namayapang bana. Magpapasalamat siya kay Bagani dahil dito.

Walang kaalam-alam si Amaya na may binubuo ng mga plano sina Hilway at Angaway. Pianapalikas na nila ang iba nilang kasapi upang mas mabilis nilang mahahawakan ang puod.

Samantala, babalik naman sina Songil upang ibalita kay Mangubat na ang anak niya ang pinuno ng mga Mangatang. Si Bagani, na dati’y nabahiran ng karuwagan ay naging maisog na pinuno na. Magugulat si Mangubat.

Magkausap naman sina Bagani at Dal’lang tungkol sa pagbabalik ni Bagani sa kanyang puod. Sasabihin pa ni Dal’lang na huwag itong mangamba pagka’t nasa tabi lang ni Bagani ang anak niyang si Yang Tersayang at pati na rin siya. Nais sumama ni Dal’lang sa puod ni Bagani. Papayag kaya si Bagani? Magkikita na kaya sina Amaya at Dal’lang?


DAY 4

Hihimukin ni Dal’lang si Bagani na bumalik sa puod ng ama. Hindi sinasadyang mababanggit ni Dal’lang na taga-roon din ang mga kapatid ni Yang Tersayang. Nang usisain ni Bagani kung ano ang pangalan ng kapatid ni Yang Tersayang doon, magsisinungaling si Dal’lang at sasabihing nalimutan na niya ang kanilang mga pangalan.

Malalaman ni Mangubat kay Songil na ayaw pang bumalik ni Bagani sa kanilang puod. Masaya ang kaponoan na nagbago na ang kanyang panganay na balita’y nagtataglay na ng angking bagsik at katapangan; ang balitang ito’y aabot din kay Lingayan.

Hahanapin ni Asinas si Amaya upang ibalita ang pagtakas ni Lamitan at ang pagkupkop dito ng punong babaylan. Nang harapin nina Amaya at Lingayan si Uray Hilway, itatatwa ng punong babaylan na alam niya ang kinaroroonan ng uripong si Lamitan. Pero nang makaalis na sina Amaya, agad uutusan ni Uray Hilway si Apong na sabihan na si Angaway na maghanda na sa napipintong nilang pag-aklas laban kay Rajah Mangubat.

Magtatapat si Amaya kay Lingayan ukol sa pagkakaroon ng kambal-ahas; nais na rin niyang magtapat kay Mangubat at patunayang wala na siyang balak maghiganti laban dito.

Ipababatid ni Songil kay Bagani na pinasusundo na siya ni Mangubat; papayag na si Bagani na sumama kay Songil at umuwi sa puod ng ama. Hindi magugustuhan ni Binayaan ang kaganapang ito.


DAY 5

Papayag na si Binayaan na magtungo sa puod ni Mangubat kasama sina Dal’lang, Bagani at Songil. Pero lihim niyang isasabotahe ang paglalakbay papunta roon kaya mauudlot ito.

Sasalubungin ni Uray Hilway si Angaway sa gubat; handa na silang nakawin ang kapangyarihan mula kay Mangubat at masakop ang puod nito.

Bagaman nananabik si Hara Lingayan sa pinakaaantay niyang pagbalik ni Bagani sa puod, hindi din mapalagay ang hara dahil sa pagkawala ni Lamitan at pagsabwat dito ni Uray Hilway.

Matapos ang pagpapagaling, handa na rin si Lamitan na ipahamak si Amaya; kaya bago pa man maipagtapat ni Amaya kay Mangubat ang pagkakaroon niya ng kambal-ahas, mauunahan na siya ni Lamitan sa pagbulgar.

Continue reading

Aug 30, 2011

AUGUST 31

Noong una’y hindi maniniwala si Rajah Mangubat dahil nang tanungin niya ang hayohay ni marikat na si kayang ay wala itong napatotohanan. Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay magkakalakas ng loob si Mantal na patotohanan ang mga isinalaysay ni Amay. Aaminin din ni Mantal ang hindi naman talagang nagtaksil noon sa kaponoonan si Datu Bugna.Dahil dito, mapaparusahan si Lamitan ni Mangubat. Gagawin na siyang isang uripon.

Aalis sina Hilway at pupunta sa pulo nina Angaway. Masama ang loob ni Hilway dahil pakiramdam niya’y mas pinapanigan ng rajah ang kanyang biyenang si Dian Lamitan kesa sa kanya, na punong alabay. Dahil wala siya, hindi na niya malalaman na nagdesisyon na pala si Mangubat na ibalik na rin si Amaya sa pagiging Punong Alabay. Hihingi din si Mangubat ng paumanhin sa kanyang pagpaslang sa baba ni Amaya. Magbabago na kaya ang mga pagnanais ni Amaya pagkatapos nito?

Pupunta sina Himema at Silay sa kakahuyan upang alamin kung sino si Uray Digan, kung bakit ito nakakatulong kay Amaya. Pero iba ang makikita nila. Si Alunsina, kausap ang kapid ni Amaya.


Dahil sa paghingi ng tawad ni Mangubat, pati sina Awi at Ahak ay pagsasabihan si Amaya na huwag nang mamuhay sa nakaraan at magsimulang ulit. Ngunit hindi pa rin makapagdesisyon si Amaya kung papatawarin na nga ba niya si Mangubat sa nagawa nitong pagpaslang sa kanyang ama.

Lalapit si Datu Saghid kay Mangubat upang hingin ang tulong nito sa pakikipaglaban kay Datu Bagani. Magugulat si Mangubat pero papayag naman siya na makiisa kay Saghid. Maghahanda na sila para sa kanilang paglalakbay upang labanan ang sinasabing si Datu Bagani.


SEPTEMBER 1

Pupuntahan nina Himema at Silay sa bahay ng mga uripon upang kausapin si Lamitan. Sasabihin nila dito na alam na nila kung sino ang babaeng may tagna. Malalaman na ni Lamitan na si Amaya ito.

Ipaguutos ni Lamitan kina Silay na matyagang mabuti si Amaya. Nais niyang mahuli ng mga ito si Amaya kasama ang kambal-ahas nito, upang mapatunayan niya na ito ang nasa tagna at upang mapalaya niya ang kanyang sarili mula sa pagiging uripon.

Muntik na maghalikan sina Bagani at Binayaan. Senyales kaya ito na nahuhulog na ang loob nila sa isa’t isa? Ngunit mawawalan na ng panahon para pag-usapan pa ito dahil mababalitaan nila na nagkakaroon ng paparating na panganib. Magkakaharap na kayang muli ang mag-amang sina Bagani at Mangubat? At ang mag-asawang sina Binayaan at Saghid?

Magkakausap na sina Amaya at Lingayan. Papatawarin na ni Amaya ang asawa ni Lingayan sa nagawang mga kasalanan sa kanya. Na siya namang ikakabahala nina Bayang at Hilway. Dahil dito, ipapatawag ni Hilway si Amaya at sasabihin ditong panahon na upang paslangin niya si Mangubat.


SEPTEMBER 2 

Kakausapin ni Amaya ang kanyang kapid. Wala siyang kaalam-alam na nakasundo sa kanya sina Silay. Lalong naging malinaw at nakumpirma sa kanila na si Amaya nga ang babaeng may kambal-ahas.

Iinsultuhin ni Lamitan ang iba pang mga uripon kaya’t magagalit ang mga ito at kukuyugin siya. Siya naman ang makakaranas kung paano maapi at mangudngod sa lupa.

Hihilingin naman ni Amaya kay Lingayan na tulungan siyang ilayo si Marikit mula kay Datu Mangubat. Isang kahilingang pabor kina Linayan at Banuk, dahil kapwa sila nasasaktan sa pagtatangi ni Mangubat kay Marikit. Kaya papaya si Lingayan sa gustong mangyari ni Amaya.

Kukumprontahin din ni Lamitan si Amaya. Sasabihin niya dito na alam na niya ang sikreto nitong siya ang baba esa tagna na may kambalahas Gulat si Amaya.

Continue reading

Aug 28, 2011

August 29, 2011 (Monday)

Lalong mararamdaman ni Michelle na hindi siya kabilang sa pamilya ng mga Montereal, at magkakaroon sila ng pagkakataon ni Simeon na makapagkita. Ibibigay ni Simeon ang numero niya kay Michelle, at tatawagan naman siya ng bata. Magkakaroon sila ng usapan na kukunin na ni Simeon ang bata sa mansyon…

Samantala, sa ospital, may dadalaw sa hindi pa rin nagkakamalay na si TJ. Mukhang may balak na tuluyan na siya…


August 30, 2011 (Tuesday)

Hindi magtatagumpay ang nagtatangka kay TJ, may darating na nurse at maililigtas siya. Malalaman din sa mansion ang nangyari, at dali-daling pupunta sina Claire, Desmond and Kyla sa ospital. Aabutan pa ni Desmond na naghihingalo ang inutusan niyang goon na pumatay kay TJ pero tuluyan na itong malalagutan ng hininga bago pa siya maituro.

Tuluyan na ring magigising si TJ sa ospital. Malalaman niya na nakakulong na ang ama niyang si Philip dahil napatay nito si Lynette. Dadalawin siya doon nila Jennifer, Lola Marya, Manny, TonTon, Gemma and Calilla. Hihingi ng tawad si TJ kay Calilla, pero wala nang sama ng loob sa kanya ang bata.

Samantala, taka naman si Sandra sa ikinikilos ni Lola Ana, maghihinala na siya na may hindi ito sinasabi sa kanya. Saka lang aamin si Lola Ana na nakausap na niya si Simeon, at na hindi magawang ipakausap nito si Jacob sa kanya. mahihintakutan si Sandra sa ibig sabihin ni Lola Ana pero hindi niya kayang tanggapin o isipin man lang kung ano ang tunay na nangyari kay Jacob


August 31, 2011 (Wednesday)

Hanggang sa may matatanggap na bagong balita si Lola Ana tungkol kay Jacob. Pupuntahan nila ito sa isang ospital, at sa kabila ng hirap na pinagdaanan nito sa kamay ni Simeon, buhay si Jacob!

Malalaman nila Lola Ana ibinaon nga ni Simeon ng buhay si Jacob at isang matandang basurero ang humukay at nagdala dito sa ospital. Magpapasya si Lola Ana na ilihim muna nila ni Sandra mula sa lahat na natagpuan na nila si Jacob para na rin sa kaligtasan nito. Papayag naman si Sandra.

Habang sina Marya at Manny, gusto na sanang itanong kay TJ kung ano ang nalalaman nito tungkol kay Lynette. Mapipigilan na lang nila ang mga sarili nang maalalang kasama nila sina Calilla at Gemma.

Susubok pa rin si Desmond na tuluyan si TJ, pero malalaman din niya na hindi na banta si TJ sa kanila. Nagpasya na itong mananahimik basta’t tutuparin nin Desmond at Claire na magbabago na sila.


September 1, 2011 (Thursday)

Dahil naiwan sa bahay, naiinip si Michelle at maiisip niyang tawagan ang ama gamit ang phone ni TinTin. Pero mahuhuli siya nito bago pa niya makausap si Simeon. Wala silang kaalam-alam na sinagot na pala ni Simeon ang telepono at naririnig nito ang habulan nila Michelle at TinTin para sa telepono. Iisipin ni Simeon na sinasaktan sa mansion si Michelle.

Sa muling pakikipag-usap ni Michelle kay Simeon, she pleads na kunin na siya ng ama. Wala silang kaalam-alam na nakikinig na pala si Lola Ana sa isang extension sa mansion…

Patuloy na makikinig si Lola Ana pero hindi sinasadyang makakalikha siya ng ingay na mag-aalerto kay Simeon na may ibang nakikinig sa pag-uusap nila ni Michelle. Dali-daling mag-uutos si Lola Ana para masabihan ang village security na nasa paligid lang si Simeon. Magkukunwari pa si Desmond na gusto itong personal na patayin pero drama lang niya yun. Alam nila pareho ni Claire na hindi pwedeng mahuli ng buhay si Simeon dahil ikakanta sila nito.

Concerned naman si Jennifer kay Michelle dahil wala nang kumakaibigan dito at lagi pang napapagalitan sa mansion. Susubukan niyang kumbinsihin sina Calilla at TonTon na makipagbati na kay Michelle pero ayaw ng dalawa. Lalong mararamdaman ni Michelle na nagkakampihan ang lahat laban sa kanya.

Muhing-muhi si Sandra sa ginawa ni Simeon kay Jacob, at para mahuli ito, halos ipain na ni Sandra ang sarili niya pero pipigilan siya ni Lola Ana. Kailangan nilang alagaan ang kanilang mga sarili, lalo ngayong nagbalik si Jacob at patuloy na lumalaban para sa kanya, at sa tunay nilang anak…

Kakausapin ni Sandra si Desmond, gustong malaman kung may nakuha ba itong detalye kay Simeon tungkol sa tunay nilang anak ni Jacob. Saka sasabihin ni Desmond ang narinig niya noon mula kina Lynette at Claire – na hindi heredera ang hinahapan nila, kundi isang heredero…


September 2, 2011 (Friday)

Magtataka si Sandra sa sinabi ni Desmond, pero igigiit nito na sigurado siya sa sinasabi, na lalaki ang anak nina Sandra at Jacob. Kakalat sa mansion na heredero nga ang hinahanap nila, at magfi-feeling naman itong si TonTon na baka siya na nga ang hinahanap na apo ni Lola Ana!

Asang-asa si Lola Ana na gigising na si Jacob, lalo dahil kahit papaano ay kumikilos naman ito. Hanggang sa ipaliwanag sa kanya ng doctor ang gravity ng pinagdaanan ni Jacob, at ang posibilidad na magising man ito ay maging gulay din dahil sa naranasang kawalan ng oxygen sa kanyang utak.

Minamanmanan naman ni Desmond sina Lola Ana at Sandra, pakiramdam niya may tinatago nga ang dalawa mula sa kanilang lahat sa mansion. Pero dahil wala pang makuhang impormasyon, itutuon niya muna ang atensyon sa kumpanya, kung saan may nakakatuklas na sa anomalyang gawa nila, pero sina Lola Ana at Jacob ang nasisisi! Dagdag pa ang pagdating ni CHARLES FONTANILLA, ang anak ni Enrique na tila may interes na magkaroon ng stocks sa Montereal company.

Susubukan ni Enrique na kausapin si Lola Ana, parang may mahalagang siyang sasabihin pero hindi siya mabibigyan ng oras ni Lola Ana. Lalo nang makatanggap ito ng balita tungkol kay Jacob! Nagising na nga si Jacob, pero parang may nagbago sa kanya. Hindi niya nakikilala si Sandra!

Continue reading

Aug 21, 2011

DAY 1, August 22, 2011 (Monday)

Susubukang habulin ni Sig ang inakalang si Eden subalit dadating si Monique at mapipigilan siya. Sa pagbabalik nina Sig at Monique sa engagement ay isang malaking sorpresa ang tatambad sa kanila, dadating si Ramon na kasama si Eden . Labis na maaapektuhan si Sig pagkakita kay Eden sa katauhan ni Pearl dela Vida pero higit lalo na maaapektuhan si Monique. Pagseselosan niya si Pearl lalo na nung asarin pa siya nito tungkol kay Sig. Matapos malaman na asawa ni Ramon ang kalaban nilang si Pearl dela Vida, nanaisin ni Alona na siguraduhin na hindi nga si Eden ito. Samantala, masaya si Eden dahil unti-unti na niyang nagugulo ang buhay nina Sig ngayong nagpakita na siya sa mga ito. Hindi niya inaasahan na makikita rin siya ng kaibigang si Gina at biglang yayakapin nito. Mapaamin kaya si Eden sa totoo niyang katauhan?


DAY 2, August 23, 2011 (Tuesday)


Hindi magagawa ni Eden na umamin kay Gina dahil ikakasira ito ng mga plano nila ni Ramon subalit maniniwala pa rin si Gina na si Pearl dela Vida ay si Eden . Isasama sana ni Ramon si Eden sa meeting nito kay Segismundo subalit makikita ni Ramon na tila mahina pa ang loob ni Eden kung kaya’t mag-isa siyang haharap kay Segismundo. At sa paghaharap nina Segismundo at Ramon ay malalaman ni Segismundo na si Pearl na ang may-ari ng resorts nila. Labis na magngingitnit si Segismundo. Gaganti siya. Malalaman naman nina Sig at Monique na ipinasara na ni Pearl ang resort na dapat sana’y pagdadausan ng kanilang kasal. Maiinis si Monique samantalang nanaisin naman ni Sig na makaharap si Pearl dahil dito. Susugod si Sig kay Pearl at sa kanilang komprontasyon ay maiisip ni Sig na maaaring si Eden nga si Pearl . Aminin na kaya ni Pearl na siya si Eden ?


DAY 3, August 24, 2011 (Wednesday)

Hindi pa rin aaminin ni Pearl kay Sig na siya si Eden pero dahil duda na siya sa katauhan nito ay aalamin niya ang totoong nangyari kay Eden . Malalaman ni Sig mula kay Alona na patay na si Eden . Uumpisahan naman ni Segismundo ang planong paghihiganti kina Ramon at Pearl . Patatambangan niya ang mga ito sa kanyang mga tauhan. Subalit di alam ni Segismundo na nakikinig pala sa kanya si Perla. Maliligtasan nina Eden at Ramon ang pananambang sa kanila. May mabubuhay na tauhan ni Segismundo at dahil dito’y masasampahan nila ng kaso si Segismundo. Dahil sa nalamang patay na si Eden , aakalain ni Sig na magiging maayos na ang lahat. Pero biglang dadating ang mga pulis sa kanilang bahay upang arestuhin si Segismundo.


DAY 4, August 25, 2011 (Thursday)

Dadalhin ng mga pulis si Segismundo at ikukulong. Labis na maaapektuhan si Sig ng nangyari kung kaya’t magkakaroon sila ng pagtatalo ni Monique tungkol sa kanilang kasal. Ayaw pumayag ni Monique na iurong ang kasal. Sa kulungan, may sorpresa namang inihanda si Ramon kay Segismundo, ipapagulpi niya ito. Matapos naman ito ay saka dadalaw si Pearl sa kulungan at magpapakilala na ng tuluyan kay Segismundo na siya si Eden . Magngingitngit sa galit si Segismundo. Maipapaalam nito kay Alona ang tunay na katauhan ni Eden subalit wala na silang ibang pagkukuhanan ng pera para makapagpiyansa si Segismundo. Kaya’t isang paraan na lang ang maiisip ni Segismundo, ang ipakasal si Sig kay Monique sa lalong madaling panahon para magamit nila ang pera ng pamilya ni Monique.



DAY 5, August 26, 2011 (Friday)

Mapipilitan si Sig na magpakasal agad kay Monique upang makalabas na ng kulungan si Segismundo. Malalaman naman ni Eden mula kay Gina ang nalalapit na kasal nina Sig at Monique subalit sa pag-alis ni Eden ay makikita siya ni Sam. Mapipilitan si Gina na aminin kay Sam na si Eden at si Pearl ay iisa. Mula naman kay Sam ay malalaman ni Sig na buhay si Eden at ito si Pearl . At sa mismong araw ng kasal nila ni Monique ay makikita ni Sig si Eden na tila lumuluha. Pipiliting habulin ni Sig si Eden at dahil dito, magagalit si Monique. Hindi na nito itutuloy ang pagpapakasal kay Sig. Susugod naman si Sig kay Eden subalit si Ramon ang haharap sa kanya. Dahil sa pagwawala ni Sig ay mapipilitan si Ramon na maglabas ng baril at papuputukan nito si Sig.

Continue reading

Jul 25, 2011

DAY 1

Hihingi ng tulong si Awi sa mga lalaking paparating.  Hindi niya alam kung sino ang naghagis ng punyal na bumaon sa likod ni Bagani.  Duda si Hilway kung si Silay nga babaeng may kambal-ahas, lalo na’t hindi ito pumasa sa kanyang pagsubok at di nito natagpuan ang lahat ng halamang-gamot.

Nang dumating ang sugatang si Bagani, lulunasan ito ng mga babaylan ng ‘ungwento’ na likha ni Amaya(lingid sa kanyang kaalaman nalagyan na ito ng lason ni Silay -Mia Pangyarihan). Lalala pa ang lahat nang malaman nina Mangubat na nakapagpasama pa ang gamot sa halip na makapagpagaling! At nagmula pa ito kay Amaya!

Pero bago pa madakip at maparusahan ang dalaga, may dala na itong halamang gamot na nakuha niya sa tulong ng kanyang kambal-ahas. Magmamanman si Mangubat habang ginagamot ni Amaya si Bagani.

Pagbabantaan ng Rajah na kung mabibigo si Amaya ay pupugutan niya ito ng ulo!


DAY 2

Malalagay na naman sa panganib ang buhay ni Amaya dahil nagbanta si Rajah Mangubat na papatayin ito sa oras na hindi mapagaling ang kanyang anak na si Bagani.

Magsisimulang magduda si Hilway tungkol sa babaeng may kambal-ahas. Naiisip na rin niya na baka si Amaya ito. Samantala, gusto namang malaman ni Mangubat kung sino ang nangahas na patayin ang kanyang anak.

Dito na natin malalaman kung sino ang salarin.

Ipapatawag ni Bagani si Amaya para magpasalamat sa ginawa nitong pagpapagaling sa kanya.

Ngunit sasabihin din niyang hindi ito nangangahulugang kakalimutan na niya ang iyong lihim. Hindi nila alam na may nakikinig. Mapapatanong ito kung anong lihim ang sinasabi ni Bagani.


DAY 3

Maririnig ni Lumad na nahuli na ang nagtangka sa buhay ni Bagani. Magugulat na lamang siya nang malamang si Bagul ang iniharap ng kanyang ama bilang salarin. Nang paparusahan na ito, magsasalita si Lumad at sasabihing hindi si Agul ang nagtangaka sapagkat magkasama sila noong nakalipas na gabi. Magugulat si Atubang sa ginawa ni Lumad. Siya naman ang maiipit.

Samantala, tatanungin naman ni Hilway si Amaya kung saan nakuha ang halamang gamot na ginamit upang mapagaling si Bagani. Magtuturo si Amaya ng ibang lugar ngunit pagdududahan siya ng Punong Babaylan kaya pasikreto nitong uutusan si Apong na alamin kung saan talaga nakuha ni Amaya ang halamang gamot.

Mahahanap ni Agul ang kakahuyan. At makikita rin niya ang pinagbalatan ng ahas. Ganundin ang ahas ni Amaya. Sasabihin niya ito kay Hilway. Mabubuo na sa isip ni Hilway na si Amaya nga ang may kambal ahas.

Continue reading

Jul 19, 2011

DAY 1

Malalaman ni Bagani na ikinababahala ng kanyang ama ang babae sa tagna kaya’t nangako siya sa kanyang ina na kung sakaling malaman niya ito ay siya na mismo ang papaslang sa babaeng may kambal ahas.

Maikwe-kwento naman ni Dal ‘lang kay Binayaan ang katangi-tanging lihim ni Amaya.

Nais ni Binayaan na matupad ang tadhana ng kanyang kapatid upang maipaghiganti ang kanilang ama at ang kanilang banwa.

May magbababalita kay Bagani na nakita si Amaya sa kakahuyan na nagsasanay sa paghawak ng patalim.


DAY 2

Pinuntahan niya ito sa kakahuyan at patagong pinagmasdan ang nagsasanay si Amaya ng kampilan na binigay ni Lumad.

Ngunit may kakaiba at nakakagulat na nakita si Bagani kay Amaya habang nagsasanay ito. Ano kaya iyon?

Magkakasalubong si Amaya at sina Lamitan, na magdududa kung tunay ngang nakipagkita si Amaya kay Ahak,o nakipagkita lamang kay Bagani.

Daraan si Amaya sa isang pagsubok na iniatang ni Mangubat para malaman kung nagsisinungaling nga ang dalaga.

Kung hindi pumasa sa pagsubok si Amaya, matatanggal daw si Amaya bilang alabay at magbabalik kay Lamitan bilang uripon nito habang buhay.


DAY 3

Sa tabing ilog, nais ni Rajah Mangubat na ilubog si Amaya sa tubig para malaman kung nagsasabi ito ng totoo! Kung makakatagal daw ang dalaga sa ilalim ng tubig, makaliligtas si Amaya sa parusa.

Subalit hindi pumasa sa pagsubok si Amaya! At nang hahatulan na ito ng parusa, hihilingin ni Amaya na idaan din sa pagsubok si Lamitan para patas ang laban. Sasang-ayon si Hilway at sususugan ang hiling ni Amaya sa Rajah, bagaman mahigpit itong tututulan ni Lamitan. Dahil naiipit ang Rajah, uutusan niya si Hilway na magpatawag ng pagpupulong ng lupon ng mga nakakatanda sa pamumuno ni Rajah Matanda upang magpasya sa magiging kapalaran nina Amaya at Lamitan.

Susuhulan ni Lamitan si Silay para gawin ang lahat upang maipahamak si Amaya. Sasang-ayon si Silay.


DAY 4

Upang mailayo kay Lamitan, hihingi ng tulong si Lumad kay Atubang para doon na manirahan si Amaya.

Pagseselosan ni Bagani si Lumad.

Patuloy ang pag-aakala ni Hilway na si Silay ang may kambal-ahas.

Balak nilang gamitin ang babaeng ito sa tangka nilang tanggalin si Bagani bilang tagapagmana.

Magkakakutob sina Atubang, Angaway at Hilway na may alam na si Bagani.

Hindi lamang nila alam kung ano ang nalalaman nito,

Ipapabatid ni Amaya kay Bayang na alam na ni Bagani ang ukol sa sikreto.

Sasabihan naman ni Bayang si Bagani na huwag pipigilan si Amaya at hayaang maganap ang tagna pagkat iyon ang nakatadhana. Galit na sasabihin ni Bagani na ayaw niyang mamatay ang kanyang ama o naising kasuklaman si Amaya dahil dito!

Pagsasabihan naman ni Awi si Amaya na kailangang patahimikin si Bagani upang hindi maipahamak si Amaya.

Continue reading

Jul 13, 2011

Monday (July 11)

Maaawat ni Marya ang bangayan nila Sandra at Lynette, pero hindi na kakayanin ni Sandra ang sitwasyon sa mansyon, lalo dahil nadadamay ang mga bata. Magpapasya siyang magpaalam na kay Lola Ana pero magsasakit-sakitan na naman ito para mapigilan sila ni Michelle na umalis. Iiwas na lang si Sandra kay Jacob para hindi na sila magkagulo ni Lynette, at ganun din ang ginawang payo ni Manny kay Jennifer – iwasan sina Michelle at Calilla para hindi na siya madamay pa sa gulo.

Susundin ni Jennifer ang payo ng ama. Pero dahil sa mga pagkakataong magkalapit sila ni Sandra, hindi maaalis ang galit ni Michelle sa kanya. Aaway-awayin siya nito kahit hindi siya lumalaban at si Calilla pa ang magtatanggol kay Jennifer. Hanggang sa papipiliin na nila Calilla at Michelle si Jennifer kung kanino ba siya talagang kakampi? Hindi alam ni Jennifer ang sasabihin.

Ramdam naman ni Lynette na hindi kampi sa kanya ang matatanda sa mansion, pero dahil sa pagkakatuklas ni Calilla sa mga gamot na hindi iniinom ni Lola Ana, titindi ang hinala ni Lynette na may pakana lang ito. Lalapit siyang muli kay Philip, this time, handa na siyang magbayad kapalit ng impormasyon. Agad namang mabubuko ni Philip si Dr. Meneses, at iba-blackmail pa niya ang doctor pero magbibitiw na ito kay Lola Ana para hindi na mahuthutan muli ni Philip. Mukhang si Lynette na lang talaga ang mapeperahan ni Philip.


Tuesday (July 12)

Ang hindi alam ni Lynette, natunugan na ni Lola Ana na may ginagawa siyang kalokohan kasama ang doctor na si Philip dahil na rin kina Jennifer at TonTon. Pinasusundan ng matanda si Lynette, pero bago pa nila matuklasan ang modus nito, mabibigyan na siya ni Claire ng babala na huwag makipagkita kay Philip!

Hindi matutuloy ang pagkikita ni Lynette at Philip. Si Gemma na lang ang uutusan ni Lynette na kumuha ng pera at makipagkita dito, pero hindi aabutan ni Gemma si Philip. Dinukot ito ng mga goons at binugbog! May utang pala sa isang Chinese loanshark si Philip, halagang tatlong milyong piso, at kapag hindi siya nakabayad ay papatayin siya ng mga ito!

Taka naman sina Lynette, Claire at Desmond kung bakit bigla siyang pinapasundan ni Lola Ana. Si Jennifer lang at ang mga nalalaman nito ang nakikita nilang rason – kaya kukumprontahin na naman siya ni Lynette. Malalaman na nga ni Lynette na nakarating kina Lola Ana ang ginawa nila ni Philip sa ospital, kaya mapipilitan siyang magbait-baitan sa mansion. Makikipag-bati na siya kay Sandra, hindi man sila maging magkaibigan, ang mahalaga, hindi na sila magkaaway.

Ikatutuwa ni Michelle ang tulutang paglayo ni Jennifer kay Sandra, pero hindi niya gusto ang pag-iwas nilang mag-ina kay Jacob. Igigiit niya sa ama na iwan na sina Lynette kung mahal pa nito si Sandra, at hindi naman maitanggi ni Jacob ang nararamdaman niya para dito. Pilit na umiiwas si Sandra kay Jacob, pero binabalikan niya pa rin ang masasayang alaala nila. Napapansin ito ni Lola Ana at tila hinihintay niya na bumigay si Sandra sa silakbo ng damdamin niya.


Wednesday (July 13)

Gusto pa rin ni Lynette na alamin ang sikreto ni Lola Ana mula kay Philip, at si Gemma ang kinakasangkapan niya dahil hindi na niya pwedeng kitain ito. Nang matunton ni Gemma si Philip, bugbog-sarado ito at nanghihingi pa ng dagdag na pera kay Lynette! Limang milyong piso na ang presyo niya, at magbabantang kung hindi magbibigay si Lynette ay ibebente niya kina Lola Ana at Jacob ang impormasyon tungkol kay Calilla!

Hindi na makatanggi si Lynette kay Philip, pero tatawad ito sa presyo ng lalaki. Ibababa ni Philip sa tatlong milyon ang hinihingi, at bibigyan si Lynette ng isang linggo para ihanda ang pera. Sa kumpanya ng mga Montereal balak nakawin nila Lynette, Claire at Desmond ang pera, pero kailangan muna nilang malinlang si Jacob na pirmahan ang tseke para mabayaran si Philip.


Thursday (July 14)


Patuloy lang ang arteng bait-baitan ni Lynette. Tila nakikipagkaibigan na rin siya kay Sandra, at hinahayaan pa niyang magkausap sila ni Jacob. Ngunit kahit pinaglalapit sila maging ni Lynette, nagpipigil pa rin ng damdamin ang dalawa dahil alam nilang mali ito. At para bang pati sina Lynette at Claire ay naghihintay sa pagkakataong makakalimot ang dalawa at bibigay na sa kanilang mga damdamin…

Sa school man o sa mansion, tuloy ang iwas nila Jennifer at TonTon kina Michelle at Calilla pero ayaw pa rin silang tantanan ng mga ito. Hindi na lang nagrereklamo at nagsusumbong si Jennifer, iniisip niyang magsasawa rin si Michelle kung hindi nila papatulan. Mula sa kanilang dalawa rin malalaman ni Lola Ana na arte lang ni Lynette ang biglaang kabaitan nito sa lahat – at gustong makita ni Lola Ana kung anong kahihinatnan ng drama ni Lynette.

At mukhang malapit na ngang dumating ang inaasahan ni Lola Ana, dahil desperado na si Philip at hindi na siya makakapaghintay sa pera na ibabayad sa kanya ni Lynette. Pupunta na si Philip sa mansion ng mga Montereal. Ilalantad na ba niya na pekeng heredera si Calilla?


Friday (July 15)

Nagmamadali si Lynette na pigilan si Philip sa balak nito, at pati sina Claire at Desmond ay minamadali din niyang ayusin ang perang ibabayad nila dito. Magtuturuan pa ang dalawa kung sino ang magpapapirma kay Jacob, at makakakita si Claire ng pagkakataon nang dumating si Sandra para magsimula sa bago niyang trabaho sa mall. Gagamitin ni Claire si Sandra para mawalan ng focus si Jacob, at tagumpay siyang papirmahan kay Jacob ang tseke!

Makakapasok si Philip sa loob ng mansion, idadahilan niyang siya ang inirekomenda ni Dr. Meneses na kapalit na doctor para kay Lola Ana. Pero walang tiwala si Lola Ana sa kanya, lalo na nang biglang dumating si Lynette at napansin niya ang tinginan ng dalawa. Itatabi nila ang contact number ni Philip, at sasabihing hindi na kailangang pasundan pa si Lynette.

Babayaran na ni Lynette si Philip kahit galit siya sa ginawa nito, pero malalaman niyang hindi doon natatapos ang blackmail nito sa kanya. Ngayong madali para kay Philip na bumalik sa mansion at makalapit kay Lola Ana, lalong hihigpit ang hawak niya kay Lynette at tataas ang kanyang demands – patuloy na huhuthutan niya ito!

Lalong iigting ang pagnanasa nila Lynette, Claire at Desmond na tapusin na ang paghihirap nila sa poder ng mga Montereal. Papangakuan ni Lynette si Philip ng parte ng yaman ni Lola Ana kung tutulungan sila nito. Plano nilang lasunin si Lola Ana – papalitan nila ang gamot na iniinom nito para matuluyan na siya! Pero nang pinapalitan ni Desmond ang mga gamot, parating naman si Marya…

Samantala, pinapalampas naman ni Jennifer ang mga pang-aapi ni Michelle sa kanya at kay TonTon sa school. Hindi na sila makakain tuwing recess, pero hinahayaan na lang niya. Umaasa si Jennifer na magsasawa din si Michelle pero hindi naman ito tumitigil. Hanggang sa lagyan nila Michelle ng palaka ang pagkain ni Jennifer at ma-trauma si TonTon dahil dito – hindi na mapalampas ni Jennifer ang pagiging salbahe sa kanila ni Michelle, lalaban na siya!

Continue reading

DAY 1

Alalang-alala si Amaya na batid na ng paslit na si Alunsina ang kanyang lihim at muntik pa itong mabanggit sa Rajah.

Nang puntahan niya si Alunsina sa kanyang balay, may naghihintay kay Amaya na isa na namang kapahamakan.

Nalaman ni Amaya ang dahilan ni Alunsina kung bakit nais niyang ipabatid sa Rajah ang kanyang lihim.

Samantala, sa ibang pulo, napa-unlakan ni Dal ‘lang si Binayaan (na inakala niyang si Amaya) na umawit. Na siyang ipinagtataka niya na tila iba ang boses ni Amaya sa kanyang narinig noon.

May ibang nilapitan si Alunsina upang idulog ang nalaman niya tungkol kay Amaya. Sino kaya ito?


DAY 2

Hindi tuluyang nabanggit ni Alunsina kung sino ang babaeng may kapid ahas.

Ngunit nagkaroon ng kutob si Hilway na malapit na niya ito makilala kaya nag-isip siya ng kakaibang bitag.

Lalong lumayo ang loob ni Amaya kay Bagani nang nalaman niyang nangayaw ito sa ibang banwa at pumatay ng maraming tao.

Patuloy pa rin ang aralin ni Amaya sa pag-bababaylan,

ang sumunod nilang dapat matutunan ay ang pagtukoy ng sakit gamit ang pamumulso.

Nilapitan pa rin ni Amaya si Alunsina at nalaman niyang may ibang taong pinagsabihan si Alunsina ng kanyang lihim.


DAY 3

Hindi binanggit ni Alunsina kay Amaya kung sino ang pinagsabihan niya kung kaya’t lalong nabahala si Amaya.

Sinamahan ni Lumad si Amaya umuwi sa kanila na siyang naabutan ni Bagani. Kita ang pagseselos ni Bagani kay Lumad kaya’t gumawa ng paraan si Amaya upang lalong lubayan siya ni Bagani.

Samantala, dumulog sa mga busaw (engkanto) si Hilway upang malaman kung sino ang babaeng may kapid ahas.

Continue reading

Jun 27, 2011

DAY 1

Kumausap sila Hilway ng umalagad upang alamin kung ang ahas na laging nagpupunta sa puod nila Lamitan ay siyang kambal ahas na tinutukoy sa propesiya noon. Hindi sumagot ang umalagad kaya’t lalong lumakas ang kutob nila na marahil ay totoo nga na ang kambal ahas ay nandito sa puod ni Mangubat.

Sumugod si Amaya sa balay ni Mangubat kasama ang kanyang ahas. Nadatnan niyang natutulog si Mangubat kaya nakita niyang pagkakataon ito upang patayin ang Rajah. Mapapatay na kaya ni Amaya si Mangubat?

Dinala ni Bayang si Amaya sa balay ni Lamitan para magsilbi muli bilang uripon. Doon din nagpunta ang grupo ng babaylan na nagsabing maaring nandoon sa balay nila Lamitan ang babaeng may kakambal na ahas.


DAY 2

Inisa-isa ni Nana Sala na basahin ang nakaraan ng bawat taong nasa balay ni Lamitan upang matukoy kung sino sa kanila ang ipinanganak na may kambal ahas. Kabado si Amaya.

Pero lalong nadagdagan ang kaba ni Amaya dahil dumating din si Mangubat upang malaman niya at patayin agad kung sino man ang matukoy na babaeng may kambal-ahas.

Nang si Amaya na ang natirang uripon na basahan ni Nana Sala, sumugod ang mga ahas sa balay at natuklaw si Amaya at si Nana Sala.

Naitanong ni Banuk kay Lingayan ang kwento ni Magwayen.

Ang diwata na sumusunod sa mga kaluluwa ng mga namatay na tao.

Nagkataong hindi nagamot ni Hilway si Nana Sala at si Amaya. Tuluyan na bang mamatay si Amaya?


DAY 3

Tuwang tuwa si Lamitan at Marikit sa nangyari kay Amaya.

Nakita ni Amaya ang sarili niya sa baroto ni Magwayen kasama si Nana Sala. Dadalhin ni Magwayen ang dalawa sa pinto ng Sulad (purgatoryo). Pero bago mangyari iyon ay kukunin ni Pandaki (isang diwata) si Amaya kay Magwayen dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Ibabalik niya ito sa katawang tao niya.

Naglaban si Pandaki at Magwayen.


DAY 4

Tumanggi si Amaya maging babaylan at bumalik sa bahay nila Lamitan.

Nagulat sila Mangubat sa pagdating ni Amaya.

Maaring siya nga ang kambal ahas kaya’t naisip ni Mangubat na paslangin si Amaya.

Napigilan si Mangubat ng kanyang asawa. Marahil kaya siya nakabalik ay kinasihan si Amaya ng mga diwata upang maging babaylan at hindi ang iniisip niyang dahil may kambal ahas ito. Pinatotohahanan naman ni Hilway ang sinabi ni Lingayan kaya’t nailigtas si Amaya. Pero ayaw pa rin ni Amaya maging babaylan.

Kinumbinsi ni Bayang si Amaya na maging babaylan. Inilahad niya ang kapangyarihgan ng isang babaylan sa isang pungsod. Sinabi niya na kung maging babaylan si Amaya ay madali niyang magagawa ang kanyang paghihiganti laban kay Mangubat. Mapapa-isip na si Amaya. Tila nakumbinsi siya ni Bayang.


DAY 5

Pinuntahan ni Amaya ang balay ni Hilway upang ipahayag sa kanila na nais na niyang maging alabay upang maging ganap na babaylan. Dahil dito ay nawala na sa pag ka-uripon si Amaya. Isa na siyang alabay.

Samantala, nasaksihan ni Amaya ng pamamanhikan ni Bagani kay Marikit. Masakit para kay Amaya na malaman na nakatakdang ipakasal na si Bagani kay Marikit.

Nagalit si Lamitan kay Amaya dahil tinanggap niya ang pagiging alabay nito.

Ibig sabihin hindi na niya maaring basta saktan si Amaya dahil hindi na siya uripon.

Natunghayan ni Amaya na naging ganap nang mag-asawa si Bagani at Marikit.

Continue reading

DAY 1, June 27, 2011 (Monday)

Naglalaban naman ang loob ni Sandra kung hahanapin at haharapin pa niya si Jacob, pero papayuhan siya ni Manny na gawin ito para kay Michelle. May karapatan ang bata sa tunay niyang pagkatao, bilang isang Montereal. Hinahanap na rin sila ni Desmond, pero dahil sa maling dahilan. Balak nila Desmond na isahan si Lola Ana at siguraduhing hindi na sila magkikita ni Sandra. Pero dahil na rin kay Manny, matunton ni Lola Ana si Sandra, at magkakaharap sila…

Hindi makikilala ni Sandra si Lola Ana, pero maiintindihan siya nito. Nasabi na ni Manny ang tungkol sa amnesia ni Sandra. Makikilala din ni Lola Ana si Michelle, at may bahid siya ng panghihinayang na hindi niya agad nakilala ang dalawa, bago pa ikinasal si Jacob kay Lynette. Mangangako siyang hindi pababayaan ang mag-ina, at hahanap ng paraan para masabi kay Jacob ang tungkol sa kanila, pero sa tamang panahon. Sa ngayon, ililihim muna kay Jacob na buhay si Sandra.

Umaasa si Michelle na makikilala niya ang tunay na ama niyang sinasabi ni Sandra na si Jacob. Pinaglalabanan naman ni Sandra ang lungkot na nararamdaman sa pagpapakasal ni Jacob sa ibang babae. Nasasaktan siyang isipin na nakalimutan na siya nito, at may iba nang minamahal. Hindi niya alam na hindi man lang magawang mag-enjoy ni Jacob at Lynette sa honeymoon nila dahil si Sandra pa rin ang iniisip ng lalaki. Hindi na alam ni Lynette ang gagawin, at sa sobrang frustration sa asawa, hahayaan niyang si Philip ang magpuno sa pagkukulang nito sa kanya.

Matutuklasan na rin sa mansyon na doon nga nagtatago si Jennifer, hindi ito ikatutuwa nila Claire pero wala silang magagawa nang sabihin ni Lola Ana na siya mismo ang nagpatira sa bata doon. Matutuwa si Calilla at lihim na makikipagkaibigan muli kay Jennifer, hindi lang sila pwedeng maging close kapag nandyan si Lynette. Kinalimutan na din ni Lola Ana ang pagkakamali noon ni Manny kaya magkikita na ang mag-ama! Pero hindi pa maaaring magsama ang dalawa dahil may trabaho si Manny na hindi niya pwedeng iwan.


 

DAY 2, June 28, 2011 (Tuesday)

Uuwi na sina Lynette at Jacob mula sa kanilang honeymoon, nagkukunwari ang dalawa na maayos ang kanilang relasyon. Pinagbawalan na din ni Lola Ana ang lahat na banggitin si Sandra sa loob ng mansyon, pero nang ipakita ni Jacob ang litrato ni Sandra kay Jennifer, hindi nito mapipigilan ang sarili, matatawag niyang ‘Aling Susan’ ang babae sa litrato!

Pero magpapalusot na lang si Jennifer para hindi na malaman pa ni Jacob na si Sandra nga ang tinatawag niyang ‘Susan’. Sa mga pag-uusap nila ni Manny, masasabi ni Jennifer na alam niyang mahal pa rin ng dalawa ang isa’t-isa at gusto sana nilang mag-ama na magkabalikan pa ang mga ito pero huli na ang lahat dahil kasal na si Jacob.

Pilit namang kinakalimutan ni Sandra si Jacob, ni ayaw sanang tumanggap pa ng tulong mula kay Lola Ana pero mahihirapan siyang tustusan ang buhay nila ni Michelle dahil wala pa siyang trabaho. Bibigyan siya ni Lola Ana ng lugar na matitirhan, isang condo unit na pag-aari ng mga Montereal.

Bigo sina Claire at Desmond na pigilan na magkita pang muli sina Lola Ana at Sandra, pero tagumpay naman sila sa paninira kay Jacob dito. Ipapaalala sa kanya si Lynette, ang babaeng nabuntis ni Jacob noon, at sasabihing babaero si Jacob at manginginom pa. Maapektuhan nito ang tingin ni Sandra kay Jacob.

Hindi naman kumportable si Jacob sa buhay niya bilang bagong-kasal. Ramdam na ramdam niya ang pressure from Lynette na laging nagpapa-sexy at seductive sa kanyang harapan. Imbis na maakit dito, lalo lang siyang gustong iwasan ni Jacob, kaya maiisipan niyang imbis na umuwi sa mansion ay sa condo muna siya matutulog…

Sa pagdating ni Jacob sa condo, aakalain niyang may nakapasok na kung sino dahil sa mga gamit na nakakalat – hindi niya inaasahan na dito niya makikita ang babaeng matagal nang laman ng isip niya – si SANDRA!


DAY 3, June 29, 2011 (Wednesday)


Magugulat si Jacob na makitang buhay si Sandra at ang anak nilang si Michelle. Ipapaliwanag ni Sandra ang lahat ng nangyari sa kanya, pero ang importante lang kay Jacob ay buhay ang babaeng pinakamamahal niya. Pero kasal na si Jacob, isang hadlang na hindi maalis sa isip ni at hindi siya papayag na makakasira siya ng pamilya kaya papaalisin ito ni Sandra, at sasabihing nag-asawa na rin siya nang iba, hindi na niya mahal si Jacob.

Magagalit si Jacob kay Lola Ana pero maiintindihan din niya kung bakit ganun ang ginawa nito. Hindi na siya maaaring manatiling kasal kay Lynette, at sasabihin naman niya agad ito sa babae. Hindi matanggap ni Lynette na basta na lang mawawala ang pinaghirapan niya kasama sina Claire at Desmond.

Samantala, pati ang mga bata ay apektado ng gulo sa mansion. Sa pagpasok ni Michelle, mararamdaman ni Calilla na hindi na siya mahal ni Jacob at ikalulungkot niya ito. Aaluin siya nila Jennifer at TonTon, pero aawayin silang tatlo ni Michelle. Papalayasin na daw ang mga ito dahil siya lang ang mahal ni Jacob! Maitutulak tuloy ni TonTon si Michelle sa pool, at palalabasin ni Michelle kay Jacob na pinagtutulungan siya ng tatlo.

Pero si Sandra pa rin ang nasa isip ni Jacob, at matapos malaman kay Jennifer na nagsisinungaling si Sandra tungkol kay Simeon, papaaminin niya ito sa tunay na nararamdaman pa nito para sa kanya. Mangangako si Jacob na aayusin ang lahat sa kanila ni Lynette para balikan si Sandra, pero heto na si Lynette, sumusugod sa condo at ineeskandalo si Sandra!

 

DAY 4, June 30, 2011 (Thursday)

Lynette warns Sandra na layuan si Jacob at huwag nang magpaloko pa muli dito. Tila matatauhan naman si Sandra at titindi ang resolve niya na iwasan na ito. Balak niyang maghanap ng trabaho at kapag sapat na ang pera, iiwan nila ang condo ni Lola Ana para hindi na malaman pa ni Jacob kung saan siya nakatira.

Naghahanap naman ng paraan si Jacob para mapawalang bisa ang kasal nila ni Lynette pero walang makitang grounds for annulment. Alam ito ni Lynette at ipaglalaban niya na siya ang asawa ni Jacob, hindi lang dahil sa pero kundi dahil mahal na rin niya si Jacob. Pareho nilang hihingin ang tulong ni Lola Ana pero tila ayaw makialam nito sa gulo ng dalawa.

Pati ang mga bata ay apektado sa nangyayari. Patuloy na nagmamaldita si Michelle kina Jennifer at Calilla, na mauuwi sa isang malaking away at sakitan sa eskwelahan. Madadamay si Jennifer kahit na umaawat lang naman ito sa dalawa.

Dahil dito, isang dinner ang ipapahanda ni Lola Ana para magkaharap-harap na silang lahat. Pero dahil sa paghaharap na ito, maglalabasan ng totoong emosyon sina Jacob, Sandra at Lynette. Magkakagulo sa mansion, at mauuwi ito sa isang atake sa puso ni Lola Ana!


DAY 5, July 1, 2011 (Friday)

Isinugod nila Jacob, Desmond at Lola Marya sa ospital si Lola Ana. Sinisisi niya ang sarili at ipagdadasal ang pag-galing ng matanda, ganun din sina Sandra at Jennifer. Samantala, tuwang-tuwa naman sina Claire at Lynette at pinagdarasal naman nilang matuluyan na ito. Hindi nila alam na iniisahan lang pala sila ni Lola Ana, nagkukunwaring maysakit ito para tigilan na ang bangayan at mapilitan ang lahat na sundin lang ang gusto niya.

Patuloy na na iniiwasan ni Sandra si Jacob, at maaalala ni Jacob ang dasal niya noon sa Diyos na matatanggap niya kung hindi na sila magkasama ni Sandra basta iligtas lang niya ito. Magdedesisyon si Jacob na pilitin na lang na ayusin ang marriage nila ni Lynette.

Pero distracted si Lynette sa presence ni Philip sa ospital bilang isa sa mga doctor ni Lola Ana. Kahit pilit niyang iniiwasan ito, bibigay din siya sa pamimilit ni Philip at may mangyayari na naman sa kanila. Makikita nila Jennifer at TonTon ang dalawa na lumabas mula sa broom closet at nag-aayos ng damit. Makakarating kay Lola Ana ang impormasyon na ito.

Hihiling si Lola Ana na iuwi na siya sa mansyon kung saan niya gustong hintayin ang mga huling araw niya sa mundo. Karagdagang hiling niya na makita ang mga apo niya, at maging personal nurse si Sandra. Kasama ang pagsisiguro na hindi na guguluhin ni Jacob si Sandra, papayag siya kaya kasama na siyang uuwi ni Lola Ana sa mansyon…

Continue reading

DAY 1, June 27, 2011 (Monday)

Tuluyan nang palalayasin ni Alicia si Eden . Nais na ni Eden na bumalik ng Maynila para balikan si Sig subalit pipigilan siya ni Ahmed, nais nito na makasal na sila ni Eden. Matuloy kaya ni Ahmed ang balak niya?

Dahil hindi naman siya hinahanap ni Sig, nawawalan na ng pag-asa si Eden na muli silang magkikita. Susuko na ba si Eden sa pag-ibig niya para kay Sig?

Habang nagpapagaling sa ospital, nais ni Sig na makatakas at mahanap si Eden. Magawa kaya niyang tuluyang makatakas o mahuli siya ni ALona?



DAY 2, June 28, 2011 (Tuesday)

Makakatakas si Sig at hahanapin nito si Eden . Subalit mahihirapan si Sig na hanapin si Eden. Malalaman ni Sig ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Hamil at sisisihin ni Sig ang kanyang mga magulang habang si Eden nama’y unti-unti nang nababalutan ng sakit ang damdamin sa kadahilanang ang magulang ni Sig ang dahilan ng pagkamatay ni Hamil at unti-unti na rin siyang naniniwala na hindi siya hinanap ni Sig dahil ayaw na nito sa kanya. Ano ang mangyayari kapag muling nagtagpo ang landas nila? May pag-asa pa kayang magkabalikan ang dalawa?




 

DAY 3, June 29, 2011 (Wednesday)

Muling magkikita sina Sig at Eden . Gusto ni Sig na magkabalikan sila ni Eden pero masakit para kay Eden ang naging pagkamatay ng ama niya dahil sa pamilya ni Sig. Muling susuyuin ni Sig si Eden pero paano kung muli siyang hadlangan ng kanyang mga magulang? May pag-asa pa kaya na magkabalikan sina Sig at Eden?

Sa isla, patuloy ang pagdating ng mga sulat ni Eden para kay Alicia pero ni ayaw itong buksan ni Alicia. Hanggang kailan matitiis ni Alicia ang sariling anak?


DAY 4, June 30, 2011 (Thursday)


Bubukod sina Eden at Sig sa condo nito pero palalayasin sila ni Alona. Mapipilitan sina Sig at Eden na mangupahan subalit sadyang papahirapan nina Alona sina Sig. Aalisan nila si Sig ng access sa pera nito.

Manaig pa kaya ang pagmamahalan nina Sig at Eden sa kabila ng paghihirap nila? Paano kung maging ang mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Sig ay alipustahin si Eden?

Sa isla, patuloy na umaasa si Ahmed na babalik si Eden habang si Alicia nama’y makakatanggap ng pang-aapi mula kay Perla ng dahil na rin kay Eden. Magawa kayang ipaglaban ni Alicia ang anak na itinakwil niya?


 

July 1, 2011 (Friday)

Patuloy na makakaranas ng paghihirap sina Sig at Eden habang namumuhay sila bilang mag-asawa. May nagiging madalas ang kanilang pagtatalo. Nais ni Eden na tulungan si Sig sa pagtatrabaho pero gustong pangatawan ni Sig ang pagiging lalaki niya. Paano kapag nalaman ni Sig ang lihim ni Eden na nagtatrabaho ito? Dito na ba matatapos ang pag-iibigan nila?

Continue reading

Jun 22, 2011

DAY 1, June 20, 2011 (Monday)

Ikakasal sina Eden at Sig dahil sa kahilingan ni Sig. Makakarating sila ng Maynila subalit naghihintay sa kanila ang mga tauhan nina Alona. Matakasan kaya nila ang mga ito? Paano kung malagay sa panganib ang buhay ni Sig dahil sa tinamong pinsala sa katawan? Kanino hihingi ng tulong si Eden ?

Sa isla, sugatan ang mga taga-isla na nagtangkang lumaban sa grupo ni Segismundo lalung-lalo na si Ahmed. Samantalang nagtagumpay naman si Perla na manakaw ang mapa ng perlante. Paano kapag nadiskubre ni Hamil na nawawala ang mapa, ang tanging paraan nila para mabawi ang isla? Ano na ang gagawin nila?


DAY 2, June 21, 2011 (Tuesday)

Hihingi ng tulong si Eden sa kaibigan ni Sig na si Dexter subalit ito ang magiging daan para matagpuan sila ni Alona. Pilit na ihihiwalay ni Alona si Eden kay Sig subalit mananaig ang pagmamahal ni Eden kay Sig. Pero paano kapag buhay na ni Hamil ang malagay sa panganib? Magagawa pa rin kaya ni Eden na manatili sa tabi ni Sig?

Sa isla, unti-unti nang nag-aalisan ang mga taga-isla. Suko na sila sa grupo ni Segimundo pero mananatili sina Hamil at Alicia maging si Ahmed sa pag-asang babalik sa kanila si Eden . Samantala, kahit nasa kanya na ang mapa ay di pa rin matagpuan ni Segismundo ang Perlante. Isang hakbang ang gagawin niya na ikalalagay sa panganib ng buhay ni Hamil.


DAY 3, June 22, 2011 (Wednesday)

Sasabihin ni ALona kay Eden na may masamang nangyari kay Hamil. Walang magagawa si Eden kundi iwan ang nasa ospital na si Sig. Maabutan pa kaya ni Eden na buhay ang kanyang ama? Paano kapag nalaman ni Sig na iniwanan siya ni Eden at palabasin ni Alona na ginawa ito ni Eden dahil hindi na nito mahal si Sig?


DAY 4, June 23, 2011 (Thursday)

Mamamatay si Hamil at malalaman ni Eden na kagagawan ito ni Segismundo. Susugurin ni Eden si Segismundo pero babaligtarin nito ang kwento. Maguguluhan si Eden , hindi alam kung sino ang papaniwalaan habang si Alicia nama’y unti-unting magkakaroon ng galit kay Eden dahil sa pagkamatay ni Hamil. Matatanggap pa ba ni Alicia ang anak na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang asawa?

Samantala, malalaman naman ni Sig na pakana ni Alona kung bakit biglang nawala si Eden . Pero ililihim pa rin nina Alona ang tunay na nangyari kay Hamil. gugustuhin ni Sig na puntahan si Eden subalit madidiskubre niya na hindi niya magawang makalakad. Muli pa kayang magkita sina Eden at Sig?


DAY 5, June 24, 2011 (Friday)

Dahil sa nangyari kay Hamil, mawawalan na ng ganang mabuhay si Alicia. Tatangkain nitong magpakamatay at ililigtas siya ni Eden. Subalit malalaman ni Alicia na hindi pa rin magawang makalimutan ni Eden si Sig. Ipagtatabuyan ni Alicia si Eden .

Nais naman ni Sig na muling makita at makausap si Eden . Subalit hahadlangan ni Alona ang lahat ng nais gawin ni Sig hanggang sa ilipat ni Alona si Sig ng ospital kung saan hindi na siya maaaring balikan ni Eden. May pag-asa pa kayang muling magkasama sina Eden at Sig?

Continue reading

Jun 20, 2011

DAY 1

Hindi pumayag si Mangubat (Gardo Versoza) na bilhin ni Bagani (Sid Lucero) si Amaya (Marian Rivera) kay Lamitan (Gina Alajar) . Dinala na ni Lamitan si Amaya sa kanilang balay upang magsilbing uripon.

Kinusap ni Mangubat ang anak at sinabihang tigilan si Amaya kungdi ay siya na mismo ang papatay nito.

Makikilala ni Ahak (Sheena Halili) at Kuling (Dion Ignacio) si Lumad (Mikael Daez) —isang uripon na tagapanday

ni Atubang (Daniel Fernando) . Tinulungan ni Lumad si Ahak at Kuling na makita si Amaya.

Nalaman ni Marikit (Rochelle Pangilinan) mula kay Amaya mismo na umiibig si Bagani kay Amaya at matagal na silang nagkakilala . Sa galit at selos si Marikit kay Amaya pinalabas niya ito ng balay nila at hindi papakainin. Dito dumating si Ahak at Kuling kaya’t unang pagkikita ito ni Lumad at Amaya.

Samantala, nagpadala ng pagkain si Bagani kay Bayang (Ana Feleo) . Nakilala ni Bayang si Amaya at nalaman niya sa pamamagitan ng pagbasa ng palad na si Amaya nga ang babaeng may kambal ahas.


DAY 2

Itinanggi ni Amaya kay Bayang na siya’y may kambal ahas ngunit naalala ni Amaya noon ang ahas na ilang beses na binanggit sa kanya ng kanyang ama. Nagtataka siya kung totoo nga kayang may kakambal siyang ahas.

Napansin ni Marikit na lumalapit si Bagani kay Amaya, kaya’t sinumbong niya ito kay Lamitan (Gina Alajar).

Nagtangka si Lamitan na sunugin ang mukha ni Amaya pero biglang lumitaw ang ahas na muntik nang manuklaw kay Lamitan noon.


DAY 3
Natakot ang mga uripon sa pagpapakita ng ahas kaya’t naisip ni Amaya na tumakbo palabas ng balay ni Lamitan. Pinahabol siya ni Lamitan sa mga uripon.

Sa pagtakas ni Amaya, nakasalubong niya si Angaway na gusto siyang angkinin pero sa tulong ni Lumad nakatakas muli si Amaya.

Nalaman ni Bagani na ipinagkasundo na siyang magpakasal kay Marikit ng kanyang ama.

Nakita ni Amaya si na Awi (Roy Alvarez) , Kuling (Dion Ignacio) at Ahak (Sheena Halili) . Nais siyang itakas nito sa mula sa puod ni Mangubat. Naitanong ni Amaya kay Awi kung totoo bang ipinanganak siya na may kambal ahas at itinakdang magliligtas sa lahat. Umamin si Awi na sa nalalaman niya kaya' t nagdesisyon si Amaya na huwag umalis sa puod na iyon upang tuparin ang kanyang tadhana.

Nahuli si Amaya nila Songil bago pa sila tuluyang makatakas.


DAY 4

Dinala si Amaya sa balay ni Lamitan. Agad namang nagtungo si Lumad kay Bagani upang ipaalam ang kalagayan ni Amaya. Puputulan ng paa si Amaya bilang parusa sa pagtakas ngunit napigilan ito ni Bagani. May utang na loob si Amaya kay Bagani ngunit hindi pa rin niya matanggap ito dahil sa anak si Bagani ng pumatay sa kanyang ama.

Tinanggap na ni Amaya na tunay ngang may umalagad siya na ahas. Naka-usap niya ito at ginawan pa ng sarili niyang silid sa ilalim ng balay ni Lamitan.

Nalaman ni Hilway (Angie Ferro) mula kay Atubang (Daniel Fernando) na may pagtingin si Bagani sa isang uripon. Naisip niya na hindi karapat dapat na maging Rajah si Bagani dahil sa pag-ibig niya sa uripon. Si Angaway (na anak ni Atubang sa anak ni Hilway) na kasing lakas ni Mangubat ang mas dapat na magmana ng trono ni Mangubat.

Lumapit si Lamitan kay Mangubat at sinabi ang pagtatanggol ni Bagani sa kanyang uripon na si Amaya.

Tila umiibig nga ang ginoo sa isang uripon.

Pinatawag ni Mangubat si Amaya dahil sa pagsusumbong ni Lamitan. Pinarusahan si Amaya muli sa pamamagitan ng paggupit ng kanyang buhok.


DAY 5


Tuluyang ginupit gupit ang mahabang buhok ni Amaya. Ngunit hindi natinag si Bagani na daluhan at ibigin si Amaya.

Itinaboy siya ni Amaya dahil siya ang dahilan kung bakit siya pinaparusahan ni Mangubat.

Nalaman ni Mangubat na pinuntahan ni Bagani si Amaya kaya’t sa galit nito ay ipinautos niya na patayin na si Amaya.

Upang mapigilan ang nais ng ama, pumayag na siyang lalayo kay Amaya at bukod pa rito'y papayag na siyang ikasal kay Marikit.

Nalaman naman ni Hilway na ang ahas na palaging nagpupunta sa balay nila Lamitan ay maaring ang kambal ahas na pinupuntahan ang kakambal niya sa puod. Sino sa kanila ang kakambal ng ahas?

Samantala, sa galit ni Amaya sa ginawang parusa sa kanya ni Mangubat, kinausap niya ang kanyang ahas at nagbalak na silang patayin ang Rajah.

Continue reading

Jun 12, 2011

DAY 1, June 13, 2011 (Monday)

Ikukulong ng kani-kanilang mga magulang sina Eden at Sig upang hindi na magkita pa ang dalawa. Yayayain ni Sig si Eden na magtanan pero magdadalawang-isip si Eden . Dahil nalaman ni Alicia na nakikipagkita pa si Eden kay Sig, mas lalong nitong mamadaliin ang kasal ni Eden kay Ahmed. Magawa pa kaya ni Eden na makatakas at sumama kay Sig na magtanan?


 

DAY 2, June 14, 2011 (Tuesday)

Matutuloy sina Sig at Eden sa kanilang pagtatanan at madidiskubre ng lahat na nawawala ang dalawa. Hahanapin sila ni Ahmed, maging nina Alona at ng mga tauhang nito subalit matagpuan kaya nila ang dalawa? Sa laot, habang tumatakas ay madadaan sa isang malakas na bagyo sina Sig at Eden. Malagpasan kaya nilang dalawa ang pagsubok na ito sa kanilang pag-iibigan? Paano kung bigla na lamang mawala si Sig sa piling ni Eden?


DAY 3, June 15, 2011 (Wednesday)

Muling magkakasama sina Eden at Sig at maililigtas sila ng isang naglalayag na barko. Dito ay makakakilala sila ng mga bagong kaibigan, maging ng bagong kaaway. Malagpasan kaya nina Eden at Sig ang bagong pagsubok na ito? Mananatili pa rin bang matibay ang kanilang samahan kung magdadalawang-isip na si Eden sa tunay na hangarin sa kanya ni Sig? Sa isla, habang pinoproblema ng iba ang pagkawala ni Eden ay ibubunyag ni Segismundo ang isang katotohanan, na pag-aari na niya ang buong isla? Saan hahantong ito? May pag-asa pa ba sina Hamil na mabawi ang kanilang mga lupain? Ang pag-asa bang ito ay ang perlante?


DAY 4, June 16, 2011 (Thursday)

Muntik nang mapahamak si Sig dahil nabisto niya ang ilegal na gawain ng tauhan sa barko na si Olsen. Pero hindi susuko si Olsen, gaganti ito kay Sig na ikalalagay ng buhay ni Sig sa langanin. At habang naghihingalo, yayayain ni Sig si Eden na magpakasal. Sa isla, tumitindi na ang alitan sa pagitan ng mga taga isla at ng kampo ni Segismundo habang si Perla nama’y kumukuha ng tiyempo para nakawin ang mapa ng Perlante na hawak ni Hamil.Magtagumpay kaya si Perla? Paano kapag nagharap na ang pwersa ni Segismundo at ang mga taga-isla na handang lumaban?


DAY 5, June 17, 2011 (Friday)

Ikakasal sina Eden at Sig dahil sa kahilingan ni Sig. Makakarating sila ng Maynila subalit naghihintay sa kanila ang mga tauhan nina Alona. Matakasan kaya nila ang mga ito? Paano kung malagay sa panganib ang buhay ni Sig dahil sa tinamong pinsala sa katawan? Kanino hihingi ng tulong si Eden? Sa isla, sugatan ang mga taga-isla na nagtangkang lumaban sa grupo ni Segismundo lalung-lalo na si Ahmed. Samantalang nagtagumpay naman si Perla na manakaw ang mapa ng perlante. Paano kapag nadiskubre ni Hamil na nawawala ang mapa, ang tanging paraan nila para mabawi ang isla? Ano na ang gagawin nila?

Continue reading

Jun 8, 2011

DAY 1

Makikilala ng batang Amaya ang batang Bagani, anak ni RajahMangubat.

Bigo si Bagani na paslangin ang alipin, pero nang makita nito angbangkay ni Badu, magkaka-ideya si Bagani: ipapahid niya ang dugo ni Badu sakanyang katawan para makuha ang una niyang batuk (tattoo). Pumayag naman si Amaya na ilihimang ginawa ni Bagani.

Malalaman niDatu Bugna ang pagtangay ni Badu kay Amaya at hahanapin ang mga ito.

Ipapakilala naman ni Bagani si Amaya kayMangubat, na ipahahatid si Amaya pabalik kina Datu Bugna.

Masayanamang sasalubungin ni Bugna ang pagbabalik ni Amaya. Ilalahad ni Amaya kungpaano siya iniligtas ng ahas. Ayaw naman ni Bugna na ipagkalat ni Amaya angtungkol sa ahas.

Ipagdiriwangni Mangubat ang inakalang katapangan ng anak na si Bagani at sa pagpaslang ngtao. Malungkot si Bagani na kailangan niyang linlangin angama.

Ipagdiriwangni Bugna ang kaligtasan ni Amaya samantalang galit naman si Lamitan nanabulilyaso ang plano niyang ipapatay siAmaya.

Habangpatuloy si Mangubat sa pagtugis sa batang may kambal ahas, patuloy din si Bugnasa pagturo ng kampil sa batangAmaya.


DAY 2

Ipinagkait ni Bugna ang dalaga nang si Amaya(MarianRivera)sa datung inihahanap ang sariling anak ngmapapangasawang babae.Ipagtataka ni Lamitan(GinaAlajar)kung ano ang espesyal kay Amaya at ganoonna lang ang pagpapahalaga ni Bugna(RaymundBagatsing)sadalaga.

Magtatanong si Amaya kay Bugna tungkol sa kanyang ina na hindiniya kailanaman nasilayan. Walang sasabihin si Bugna kay Amaya tungkol sa inanitong si Dal’ lang(LaniMercado), na maya-maya’y magbabalik si at magpapakita sagulat na si Bugna!


DAY 3

Itataboy ni Bugna si Dal’ lang. Sasabihin ni Bugna sa kanya na para sa sarilingkaligtasan at para sa kanilang anak na si Amaya, masmabuti kung lumayo ito sa kanila.

Maririnig ni Dal’ lang ang magandang bosesni Amaya pero minarapat niyang lumayo dito.

Pahahanapin na ni Mangubat si Bagani (Sid Lucero)ng mapapangasawa. Kung hindi rawmakakahanap agad si Bagani ay si Mangubat(Gardo Versoza)na mismo ang pipili ngmapapangasawa ni Bagani.

Huhulaan ni Bayang si Bagani na angmakakatuluyan niya ay isang binukot.

Hindi itutuloy ni Bayang ang panghuhula kay Bagani.Matitigilan ito dahil ang binukot na nakita niya sa kapalaran ni Bagani ay siyaring babae na may kambal-ahas. Ito ang magpapabagsak kayMangubat!

Dahil inip na si Amaya bilang binukot, gugustuhinnito na sumama kay Ahak para makalabas.


DAY4

Tatakassila. Isusumbong naman ni Marikit(RochellePangilinan)kay Bugna na nawawala siAmaya!

Samantala, abala si Bagani sa paghahanap ng mapapangasawa.Nais niyan gmagkaroon ng asawang may magandang tinig at mahilig sa musika tulad niya.Habang naglalakbay,sakay ng kani-kanilang baroto, magkakasalubong sina Bagani at Amaya.

Pero magkakahiwalay din sila nglandas.

Mahuhuli ni Bugna sina Ahak at pananagutin dahil itinakasnila si Amaya.


DAY5
Tututyain ni Marikit si Amaya na hindi siya magugustuhan ng ginoongkanyang iniibig dahil may dugong uripon si Amaya.Samantala, muling maglalakbayang ginoong si Bagani para hanapin siAmaya.

Dahil sa pang-aapi niLamitan kay Amaya, masasaktan ni Bugna si Lamitan. Hihingi na sana si Bugna ngpaumanhin kay Lamitan, pero nakapaglakbay na ito papunta kay Mangubat paraipagkanulo si Bugna.

Magsisinungaling si Lamitan kay Rajah Mangubat atsasabihing di tapat si Bugna kay Mangubat.

Maniniwalasi Mangubat dahil asawa na mismo ni Bugna angnagsalita.

Continue reading

Monday (June 6)

Nawalan ng malay si Socorro dahil sa pagsabog na dulot ni Anino. Nakapangko ang katawan ni Socorro sa kanyang anak na si Alden. Sasaklolo naman sina Captain Barbel at ang Liga kay Socorro kaya makakatakas ang grupo ni Gregor sa kanila. Ngunit mamamatay si Socorro habang sinasagip siya ng Liga. Dahil dito, mangangako si Alden na gagantihan niya ang nagpahamak sa kanyang ina.

Samantala, ikakarga ni Nero ang thorium reactor sa isang missile at paliliparin niya ito papunta sa Maynila. Pipigilin naman ito ni Captain Barbel at ibabaling niya ang missile palayo ng lungsod papunta sa Pampanga, kung saan madaming naapektuhan ng radiation dulot ng reactor. Maapektuhan naman si Captain Barbel sa pagkamatay ng mga tao at ni Socorro.

Makokonsyensya naman si Anino sa nangyari kay Socorro. Aaminin ni Anino kay Captain Barbel na siya ang dahilan sa pagkamatay ni Socorro at maririnig ito ni Alden. Aatakihin ni Alden si Anino ngunit pipigilin siya ni Blade. Muling maghaharap sina Blade at Spin.


Tuesday (June 7)

Susubukan ni Captain Barbel na harangin ang labanan nina Spin at Blade. Pero matatamaan ni Spin si Blade at matatalsik siya mula sa helipad ng Liga HQ. Sasagipin ni Captain Barbel si Blade at pipigilin niya ang pag-atake ni Spin kay Anino. Dahil sa insidente, makukulong si Spin habang aalis naman si Anino mula sa Liga.

Ipapahiwatig ni Captain Barbel kay Spin masamang epekto ng paghihiganti para sa minamahal at ikwekwento niya kay Alden ang tungkol kay Leah. Matututunan ni Spin na tanggapin ang pagkamatay ng kanyang ina. Susubukan naman ni Blade na aluin si Spin.

Habang nag-aantay sa plano ni Nero, patuloy sa pagnanakaw sina Gregor at Gaston gamit ang kanilang kapangyarihan.

Magdududa naman si Althea sa intensyon ni Teng sa panliligaw nito sa kanya. Maririnig ito ni Teng at aamin na niya kay Althea ang kanyang tunay na nararamdaman sa dalagita.


Wednesday (June 8)

Ipagtatapat ni Teng ang kanyang pag-ibig kay Althea. Masaya namang tatanggapin ni Althea ang pag-amin ni Teng at sasagutin niya ito. Pero malalaman ni Althea ang tungkol kay Leah mula kay Lita kaya magtataka siya kung bakit hindi nakwento ni Teng ang tungkol sa kanyang asawa.

Malalaman din Teng ang tungkol sa relasyon nina ni Rob at Melanie. Sinagot ni Melanie si Rob dahil isa ito sa kondisyon sa pagtulong ni Rob para makalaya si Teng. Walang magawa si Teng kahit tutol siya kay Rob para kay Melanie. Babalik si Teng sa kumpanya ni Rob para subukan bayaran ang ginastos ni Rob sa pagkakalaya sa kanya..

Samantala, malalaman ni Nero ang tungkol sa Askobar, ang tanging elemento na pangontra kay Captain Barbel, mula sa dating kalaban ni Captain Barbel. Dahil dito, hahanapin niya ang Askobar para talunin si Captain Barbel.


Thursday (June 9)
Malalaman ni Althea mula kay Lelay ang tungkol kay Leah. Aakalain ni Althea na minahal siya ni Teng dahil kinukumpara siya sa dating asawa nito. Lalo pang malulungkot si Althea dahil mauudlot ang pagkkikita nila ni Teng. Ang hindi niya alam, ginagampanan ni Teng ang kanyang responsibilidad bilang Captain Barbel kaya hindi ito nakikipagkita agad sa kanya.

Mababalitaan ni Captain Barbel na dinakip ng pwersa ni Nero si Dr. Dancel at ang paghahanap nila sa Askobar. Dahil dito, uudyukin ni Captain Barbel ang pagsasanay sa mga miyembro ng Liga bilang paghahanda sa susunod na pag-atake ng grupo nina Nero. Mag-eensayo ang lahat ng miyembro ng Liga, maliban kay Spin na apektado pa rin sa pagkamatay ng kanyang ina. Samantala, muling mabibigo si Nero nang malaman niya na wala na ang Askobar.

Tatanungin ni Althea si Teng ang tungkol kay Leah. Aamin ni Teng tungkol sa nasawi niyang asawa ataaluin niya si Althea na mahal niya ang dalaga ngayon. Pero ang totoo, naguguluhan si Teng sa kanyang damdamin.

Malalaman naman ni Althea mula kay Bobby na sa kanya napunta ang puso ni Leah na hinahanap ni Teng. Maguguluhan si Althea tungkol sa pagtingin sa kanya ni Teng kaya hindi niya mapapansin na muntik siya mabangga nina Gregor at Gaston. Maaksidente si Gregor habang iniiwasan niya si Althea kaya magagalit siya sa dalaga.


Friday (June 10)

Maguguguluhan si Althea tungkol sa tunay na pakay sa kanya ni Teng. Magpagtatanto ni Althea na hindi niya kilala ang buong pagkatao ni Teng. Susubukan ni Teng na ipaliwanag kay Althea na mahal niya siya.

Mapapansin ni Misha na laging nagmumukmok si Alden. Dahil dito, gagawin naman ni Blade ang lahat para pasayahin si Spin. Dahil alam niya ang tunay na pagkatao ni Spin, sasamahan niya ito sa labas bilang si Misha.

Hindi makalimutan ni Gregor si Althea mula nang magkita sila, kaya maiisipan nito na hanapin at ligawan ang dalaga. Pabor si Bong kay Gregor dahil sa yaman na meron ito kaya haharangin niya ang relasyon nina Althea at Teng.

Magplaplano naman ng sorpresang picnic si Teng para makuha ang tiwala ni Althea. Pero hindi maakakarating agad sa picnic si Teng dahil may kanyang tungkulin bilang si Captain Barbel. Maiinip si Althea kaya aalis ito agad sa dinner date nila ni Teng. Pero pag-uwi ni Althea sa kanila, agad naman siyang sinalubong ni Bong at pinakilala siya sa kanyang bagong manliligaw: si Gregor!

Continue reading

Jun 6, 2011

Day 1
- Susunugin ni Jong ang bahay ni Beauty
- Makikilala ni Anastacia si Amanda
- Edward presiding over a meeting with drug couriers
- Grace getting close to Philip, Andrew worries
- Philip orders a 20M reward money for Katarina’s capture

Day 2
- Manuel is stabbed
- Grace agrees to meet with Katarina
- Katarina disguises herself for her meeting with Grace
- Philip tells Edward that George and Helena are getting married
- Woodsman approaches Sarah with Harry. Harry begins to doubt Sarah

Day 3
- Nato finds out that Grace is meeting with Katarina
- Katarina and Grace meet
- Nato is rushed to the hospital
- Grace receives training. Philip watches over her

Day 4
- Nato tells Andrew that he won’t accept any help
- Jong sees Harry at the village. He calls Katarina
- Nato declines Grace’s help
- Edward plans to give George and Helena a gift that will shock them for their wedding


Day 5

- Grace tells Andrew that Nato needs her more
- Charles, Redentor and William look for Harry and Diana. Someone recognizes Harry
- Philip talks to someone and asks about the condition of a mysterious person


Continue reading

DAY 1, June 6, 2011 (Monday)

Pilit na palalayasin sa kanilang lupa ang pamilya ni Eden ng mga tauhan ni Alona. Dadating si at ipagtatanggol niya sina Eden. Pero ano ang magiging epekto nito sa pagkakaibigan nina Eden at Sig? Magawa pa kaya ni Eden na pagkatiwalaan ang binata?

Makikita ni Ahmed na hindi pa rin tumitigil si Sig sa panunuyo kay Eden kaya isang maitim na balak ang mabubuo sa kanyang isipan dahil sa panunudyok ng mga kasamahan. Magawa kayang iligtas ni Eden si Sig gayong siya mismo’y inaalipusta ni Frida?


DAY 2, June 7, 2011 (Tuesday)

Pagbabawalan si Eden ng kanyang mga magulang na makipagkita pa kay Sig pero matatagpuan niya itong walang malay sa dagat bunga ng pambubugbog ni Ahmed. Tutulungan ni Eden si Sig subalit ililihim niya ang pagtulong na ito. Magawa kaya ni Eden na ilihim sa lahat ang pag-aalaga niya kay Sig? Ito na nga ba ang pagkakataon para tuluyang maglapit ang loob ng dalawa?


DAY 3, June 8, 2011 (Wednesday)

Matapos silang maghalikan ni Sig, susubukan ni Eden na lumayo kay Sig pero iba ang sinasabi ng kanyang puso. Dahil sa kanilang nararamdaman sa isa’t isa, may mamamagitan kina Eden at Sig sa kanilang muling pagkikita. Hindi nila alam na pinaghahanap na si Sig sa kanila at nakatakdang lumusob sina Alona para kunin si Sig. Ano ang mangyayari kapag nalaman nina Alona na ginulpi si Sig ng grupo ni Ahmed?


DAY 4, June 9, 2011 (Thursday)

Matapos ang nangyari sa kanila, paglalayuin sina Eden at Sig ng kanilang mga magulang. Aakalin ni Eden na balewala na siya kay Sig. itutuloy naman nina Hamil ang pag-aayos ng kasal nina Eden at Ahmed. May pag-asa pa ba ang pag-ibig ni Eden kay Sig? Paano kapag nalaman ni Ahmed na nagkikita pa rin silang dalawa?


DAY 5, June 10, 2011 (Friday)

Ikukulong ng kani-kanilang mga magulang sina Eden at Sig upang hindi na magkita pa ang dalawa. Yayayain ni Sig si Eden na magtanan pero magdadalawang-isip si Eden. Dahil nalaman ni Alicia na nakikipagkita pa si Eden kay Sig, mas lalong nitong mamadaliin ang kasal ni Eden kay Ahmed. Magawa pa kaya ni Eden na makatakas at sumama kay Sig na magtanan?

Continue reading

POST