<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 24, 2011

Koreana Highlights – January 24 to 26

Monday (January 24)

Narinig ni Jenna na sinusumbatan ni Coach Ferdie si Benjo, bakit daw nasa burol si Jenna, alam namang may nakaraan sila ni Benjo, irespeto naman daw ang pagkamatay ng kanyang anak.

Wala si Sandra nang dumating sina Nerissa at Josefina kaya hindi matiyak ni Josefina kung si Sandra ba na may-ari ng casa na galit sa kanila ni Jenna ang tinutuluyan ni Nerissa.

Sa isang apartment na kaibigan ni Jenna pinatitira niya sina Nerissa at Josefina. Nag-confide si Jenna kay Josefina tungkol sa feeling niya na dapat na siyang umiwas kina Benjo at Bebeng dahil si Darlene pa rin ang mahalaga sa mga ito.

Habang nakikitang magkayakap sina Josefina at Jenna, nagseselos naman si Nerissa.

Tanggap na rin ni Benjo na hindi pa panahon para sa kanila ni Jenna ngayon, habang napakabigat pa sa mga nagmamahal kay Darlene ang pagkawala nito.

Tuwa si Chang Hee na umuuwi pa rin si Jenna sa kanya, ina-assure naman ni Jenna ang lolo na hindi niya ito basta iiwan.

Jenna and Joshua are friends again.

Natupad ang gusto ni Nerissa na makikiramay kay Benjo, kasama si Jenna. Nalaman ni Benjo na si Jenna pala ang nawawalang anak ni Nerissa.

Nagpapakuwento si Nerissa kay Josefina tungkol sa mga panahon na na-miss niya sa paglaki ni Jenna. Josefina asks kung okay lang ba na kasama pa rin siya ng mag-ina, kung nakakaistorbo ba siya.

Jenna tries to convince Nerissa na magpatawad na at kalimutan na ang nangyari sa kanila ni Chang Hee.

Dahil magkabati pa rin sina Chang Hee at Jenna, Violeta says na may gagawin siya na sisira na talaga sa pagtitinginan ng maglolo.

May lalaking kumidnap kay Nerissa sa bahay na tinutuluyan nila. Binanggit pa ng kidnapper na si Chang Hee ang nag-utos sa kanya para kidnapin at gawan ng masama si Nerissa.


Tuesday (January 25)

Dumadating sina Jenna at Joshua habang hinahabol ng lalaki si Nerissa, binabaril.

Si Josefina ay napalo ng baril, walang malay-tao na naiwan sa apartment.

Benjo tells the American promoter and his Filipino assistant na ayaw na niyang mag-boxing.

Nerissa tells Jenna na si Chang Hee ang nag-utos na ipapatay siya.

Gusto nang lumabas ni Nerissa after she heared the doctor saying she’s okay, didiretso daw siya sa presinto para maipakulong si Chang Hee.

Nag-report si Tibo kay Violeta, nagawa raw niya ang dapat kay Nerissa.

Nag-report si Ivy kay Violeta sa phone, dinala raw ng mga pulis si Chang Hee dahil sa reklamo ni Nerissa, tuwa si Violeta.

Instruction ni Violeta kay Ivy, it’s her time to shine, kaya sundan kaagad sa presinto si Chang Hee at ipagtanggol ito.

Dating si Nerissa kasama sina Jenna, Josefina at Joshua. Nerissa confronts Chang hee. Chang Hee defends himself, wala raw siyang alam sa nangyari.

Naiiyak na si Jenna, naguguluhan, sa pagitan nina Chang Hee at Nerissa.


Wednesday (January 26)


Nasasaktang sinabi ni Chang Hee kay Jenna na kung si Nerissa ang pinili nitong paniwalaan, wala na siyang magawa.

Dumating si Ivy na kasama si Atty. Ku, galit na ipinagtanggol si Chang hee, galit na sinumbatan si Jenna.

Guilty naman si Jenna, affected sa mga sumbat ni Ivy sa kanya.

Talak pa rin si Ivy against Jenna kahit nasa car na sila ni Chang Hee.

Very hurt pa rin si Chang Hee sa pagtalikod sa kanya ni Jenna, naluluha.

Jenna confides to Joshua na masama rin ang loob niya sa pagtalikod sa Lolo niya, bakit kailangan pa raw niyang mamili.

Nagbalik si Violeta sa mansiyon, begs Chang Hee to take her back. Galit pa rin si Chang Hee kay Violeta dahil sa ginawa nito noon kay Jenna.

Nag-aalala naman si Benjo sa away nina Chang Hee at Nerissa, alam niyang naiipit si Jenna sa sitwasyon.

Masama pa rin ang loob ni Chang Hee kay Jenna pero hiniling pa rin kay Joshua na dalaw-dalawin si Jenna para may balita pa rin siya tungkol dito.

Jenna tells Josefina na nami-miss niya ang lolo, na dadalawin niya ito, and asks Josefina na pagtakpan na lang siya kay Nerissa, huwag sabihin she’s going to her lolo.

Hindi nagkausap sina Jenna at Chang Hee dahil ipinagtabuyan siya ni Ivy, galit na raw sa kanya si Chang Hee.

Hinanap ni Nerissa si Jenna kay Josefina, nagdahilan si Josefina, hindi sinabing nagpunta si Jenna sa Lolo nito.

POST