<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 24, 2011

Bantatay Highlights – January 24 to 28

SYNOPSIS

Mapapalayas na sina Emily, Junix at Farrah mula sa bahay ni Simon!

Matapos sugurin ni Anne si Emily sa birthday party ng una, si Emily pa rin at ang kanyang mga kapatid ang malalagot kay Simon. At ngayon, si Marcela pa mismo ang magpapaalis sa kanila! Wala namang magawa ang lola nilang si Clarita na na-confine rin sa ospital matapos atakihin ng sakit.

Pero ngayon, hindi na papayag pa ang magkakapatid na mawalay pa mula sa kanilang ina. Kaya naman gagawa sila ng paraan para hindi mahiwalay dito—by kidnapping Marcela!

Labag man sa loob, hindi naman makuhang pagalitan ni Bernard ng husto ang mga anak dahil naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng mga ito.

Ang kaso si Joanna, malalagay sa gitna. Sino ba ang dapat niyang kampihan: ang mga kaibigan niyang tinuring nang pamilya—o ang pamilya ng kanyang nobyong si Norbert?

Para maalala sila ng ina, dadalhin nina Emily si Marcela patungo sa mga lugar na naging espesyal sa kanila nung bata pa sila. Ngunit sumusubok pa rin si Marcela na makatakas mula sa hawak ng mga bata.

Hanggang sa siya ay maaksidente.

Makikita ni Marcela ang malasakit at pagmamahal sa kanya ng mga bata—kaya naman papayag na ito na sumama sa mga bata. Bibigyan ni Marcela ng pagkakataon ang mga bata na ipaalala sa kanya ang sinasabi nilang tunay niyang nakaraan.

Siyempre hindi makapapayag si Simon na mangyari ito. Sa tulong mga Pusakal, ipapahanap niya ang mga bata para itumba ang mga ito—at bawiin si Marcela para sa kanya.

Ang hindi alam ni Simon, may bago ring kliyente ang mga Pusakal—sa katauhan ng pamilya nina Daisy. Na hindi naman maka-focus sa pagtugis sa mga bata, dahil matutunton na sila ng pulis sa kanilang tinataguan!

Maghaharap-harap ang lahat nang lumipat sina Daisy ng taguan at makita si Marcela na kasama ang mga bata sa Bay Area! Pati ngayon si Simon alam na kung saan matatagpuan ang mga bata!

Kakayanin ba nina Emily, Junix at Farrah harapin ang mga kontrabida sa buhay nila, ngayong hindi pa sila ganap na tanggap ni Marcela? At ano naman ang magagawa ni Bantatay sa harap ng pinagsamang puwersa nina Simon, Daisy at ng mga Pusakal?

Samantala, sa pag-uwi ni Clarita mula sa ospital, unti-unti na niyang matutuklasan ang mga sikretong tinatago sa kanya ni Simon: tungkol sa tunay na kalagayan ni Marcela, at ang ginawa nito para masiguradong hindi na maalala ng asawa ang tunay na pamilya!

Isa na namang exciting na linggo ang naghihintay sa BANTATAY!


Monday (January 24)


Disaster ang ending ng birthday party ni Anne!

After madiskubre ni Anne na iniwan siya ni Artie to spend time with Emily, nagkaroon ng away ang dalawang dalagita na mauuwi sa pagsugod ng lahat sa ospital: mababasagan ng glass door si Anne, at aatakihin naman ng sakit si Clarita.

Ito ang magiging last straw para palayasin ni Simon ang mga anak ni Bernard. Pero magpupursige pa rin ang mga bata—hanggang si Marcela na mismo ang magpapaalis sa kanila!

Pero ngayong nakasama na nina Emily, Junix at Farrah si Marcela, hindi na papayag ang mga bata na mawalay pang muli sa ina. Kaya naman gagawa sila ng plano para hindi na mawalay sa ina—

Hanggang sa malaman nilang plano na ni Simon na ipadala sina Marcela at Anne sa Amerika! Mahahabol pa ba ng mga bata ang ina?

In bullet points:

- Maaaksidente si Anne dahil sa kanyang pagsugod kay Emily—pero si Emily pa rin ang mababagsakan ng sisi!

- Aatakihin ng sakit si Clarita, at malalagay rin sa ospital kasama ni Anne.

- Dahil sa mga nangyari, hindi na papayag si Simon na manirahan pa ang magkakapatid na Emily, Junix at Farrah sa bahay niya. At si Marcela mismo ang magpapaalis sa mga bata!

- Magpa-plano ang magkakapatid para masiguradong hindi na sila mahihiwalay sa ina.

- Pero magdedesisyon rin si Simon na ipadala na si Marcela at Anne sa Amerika!

- Magkakaroon ng bagong boss ang mga Pusakal—si Daisy!


Tuesday (January 25)


Kikidnapin nina Emily, Junix at Farrah si Marcela!

Matapos ng matagal na paghahanap, hindi na papayag ang magkakapatid na Emily, Junix at Farrah na mawalay pang muli kay Marcela. Kaya para hindi magtagumpay si Simon sa pagpapadala sa ina sa Amerika, nagdesisyon ang tatlo na kidnapin na lang ang ina.

Ngayon, magsusumikap ang magkakapatid na maalala na ni Marcela ang tunay niyang pamilya at nakaraan. Dadalhin ng mga bata ito sa iba't-ibang lugar na naging espesyal sa kanilang pamilya. Pero magtagumpay ba naman sila sa kanilang plano ?

Malalagay naman sa gitna si Joanna sa kanyang pagpapangaral na mali ang ginagawa ng mga bata—pero paano naman niya magagawang ihiwalay nina Calvin at Simon si Marcela sa mga anak nito?

Samantala, magiging dalawa naman ang boss ni mga Pusakal sa muling pag-arkila sa kanila ni Simon. Tiba-tiba man ang mga Pusakal, lalo naman silang mahihirapan sa kung sino ang dapat sundin sa dalawang nagpapatumba sa mga anak ni Bernard: si Simon ba o sina Daisy?

In bullet points:

- Nagtagumpay sina Emily, Junix at Farrah sa pag-kidnap kay Marcela!

- Sisimulan na ng magkakapatid ang paspasang pagpapaalala kay Marcela ng tunay niyang nakaraan.

- Ang kaso, hindi pa rin sila magtatagumpay!

- Malalagay sa gitna si Joanna sa kung sino ang dapat niyang kampihan: ang mga kaibigan na sina Emily—o ang pamilya ng kasintahang si Calvin.

- Aarkilahing muli ni Simon ang mga Pusakal para patumbahin ang mga bata—at masiguradong maibabalik sa kanya ng safe si Marcela.

Wednesday (January 26)


Tatakasan ni Marcela ang mga bata!

Dahil sa takot at lito, susubukan takasan ni Marcela ang mga anak niya—pero imbis na makalayo ay maaaksidente pa ito! Ngunit ito na ang hinihintay na pagkakataon ng mga bata, dahil matapos maaksidente ng ina, makikita nito na wala talagang masamang intensyon sa kanya sina Emily.

Samantala, minamanmanan naman ng mga Pusakal sina Mingming at Norbert para malaman kung nasaan ang mga bata at si Marcela.

At matutunton naman ng mga pulis ang pinagtataguan nina Daisy!


In bullet points:

- Susubukan ni Marcela takasan sina Emily, Junix at Farrah.

- Maaaksidente si Marcela, na siya namang magiging dahilan para sumuko na ang mga bata.

- Dahil sa malasakit ng mga bata sa kanya, magdedesisyon si Marcela na bigyan ang mga bata ng chance na maipalala sa kanya ang sinasabi nilang nawawala niyang mga alaala.

- Mamanmanan ng mga Pusakal sina Mingming, Joanna at Norbert para alamin kung saan naroroon ang mga bata at si Marcela.

- Matutunton ng mga pulis ang pinagtataguan ng pamilya ni Daisy!


Thursday (January 27)

Ang bagong taguan nina Daisy—ay ang kinaroroonan ng mga memories ni Marcela and her kids!

Feeling nina Emily, Junix at Farrah na malapit na nilang maipaalala kay Marcela ang kanilang mga nakaraan! Pero imbis na maituloy nila ang kanilang pag-ungkat sa memories ng ina, mapuputol pa ang kanilang bonding—dahil nakita na nila sina Daisy na hinahabol sila!

Samantala, unti-unti namang madidiskubre ni Clarita ang mga sikretong itinatago ni Simon.

At matutunton naman ni Simon ang mga bata at si Marcela sa bay area!

In bullet points:

- Dahil sa pagtatago mula sa mga pulis, muling matutunton nina Daisy ang kinaroroonan nina Emily, Junix, Farrah at Marcela!

- Feeling ng mga bata, nakukuha na nila ng tunay ang loob ni Marcela—at malapit na nilang maibalik ang mga alaala nito tungkol sa kanila.

- Sabay namang malalaman ni Clarita ang mga pinaggagagawa ni Simon sa kanyang anak—pati ang pagtago nito sa tunay na katauhan nina Emily!

- Makikita ni Bernard na natunton na sila nina Daisy at magsisimula na naman ang kanilang habulan—

- Pero mahahanap na rin sila ni Simon! Makakatakas pa kaya ang mga bata?


Friday (January 28)


Nakapanlalamig ang mga mangyayari kina Emily, Junix, Farrah at Marcela sa Bay Area!

Matapos matunton ni Simon ang kinaroroonan nina Marcela at ng mga anak nito, gagawin na ng lalaki ang lahat para mabawi ang asawa sa mga tunay nitong anak.

Sa una ay kumbinsido pa si Marcela na walang masamang intensyon ang asawa sa mga bata, pero makikita rin niya na wala na itong balak na hayaan pang makatakas ng buhay ang mga ito!

Ang hindi nila alam, gumagawa rin ng sariling plano ang pamilya ni Daisy para itumba ang mga bata!

Samantala, malalaman na ni Clarita ang tungkol sa lobotomy ni Marcela. Paano niya ngayon masasabi sa kanyang mga apo na wala nang pagkakataong maibalik pa ang memorya ng kanyang anak na si Marcela?


In bullet points:

- Maghaharap na sina Marcela, Emily, Junix, Farrah at Simon!

- Malalaman na ni Marcela na hindi tunay na mabuti ang lalaking naging 'asawa' niya.

- Gagawa ng bagong plot sina Daisy para maitumba na sina Emily once and for all.

- At madidiskubre ni Clarita ang lobotomy na ginawa kay Marcela—

- Isang milagro na lang ang makapagbabalik sa mga alaala ni Marcela!

POST