<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 18, 2011

Koreana Highlights – January 17 to 21

Monday (January 17)

Pabago-bago ang isip ni Chang Hee kung makikipag-kita ba ito o hindi kay Nerissa. Takot kasi siya na mawala sa kaniya si Jenna.

Magsa-shopping sina Jenna at Josefina, namamasyal naman sa mall sina Darlene, Benjo at Bebeng, nang nagkita-kita sila.

Hindi makapaniwala si Nerissa na si Jenna pala ang anak niyang si Jenny, emotional siya habang nakatingin sa mga pictures ni Jenna sa celfone.

Darlene is in pain, pinapainom ito ni Benjo ng gamot, kita ni Jenna ang sobrang pag-aalaga dito ni Benjo,selos siya at nasasaktan.

Lalo pang ginagatungan ni Violeta ang galit ni Nerissa kay Chang Hee, tells her na hinahadlangan ni Chang Hee ang paghahanap ni Jenna sa kanya.

Lalong nagagalit si Nerissa kay Chang Hee when Violeta informs her na dadalhin na ni Chang Hee sa Korea si Jenna para mailayo sa kanya.

Darlene tells Jenna na kung wala si Benjo ay baka hindi niya makaya ang lahat na sakit at hirap sa kanyang kalagayan, naaawa na rin talaga si Jenna kay Darlene.

Jenna tells Josefina she has finally accepts the fact na hindi talaga sila ni Benjo para sa isa’t isa.


Tuesday (January 18)

Hindi ma-pacify ni Chang Hee ang galit ni Nerissa, nang ipahiya siya ni Nerissa sa mga tao sa resto, sabihing pinagtangkaan ang kanyang buhay para makuha ang kanyang anak, nagalit na rin si Chang Hee.

Pinatawag ni Chang Hee si Atty. Ku, the lawyer tells him na bilang biological mother ay may karapatan si Nerissa kay Jenna, maliban na lamang kung legally adopted ni Chang Hee si Jenna.

Sasabihin na sana ni Chang Hee kay Jenna na nagkita na sila ni Nerissa pero nakita niya sa mukha ng apo ang sobrang pananabik sa ina.

Hindi nagawang sabihin ni Chang Hee kay Jenna na nakita na niya si Nerissa.

Violeta calls Ivy, kailangan daw magkita na sina Nerissa at Jenna. Ibinigay kay Ivy ang oras at kung saan magkikita sina Jenna and Nerissa.

Joshua speaks with Chang Hee, tumutulong pa rin daw sa paghahanap kay Nerissa dahil mahal pa rin si Jenna at gusto niya itong sumaya.

Chang Hee confesses to Joshua na nagkita na sila ni Nerissa. Chang hee begs Joshua na hanapin si Nerissa para makausap ito ni Chang Hee, gusto ni Chang Hee na magkabati sila ni Nerissa bago ito iharap kay Jenna.

Inihahanda na ang madaliang operasyon kay Darlene dahil kumakalat na ang impeksiyon ng sugat nito.

Ivy tells Jenna na kung gusto nitong makita ang ina, sumama ito sa kanya.

Magkikita na ang mag-ina.


Wednesday (January 19)

Napakasaya ng mag-ina habang nag-uusap.

Nang mabanggit si Chang Hee, sumama na ang timpla ni Nerissa, she tells Jenna na dapat na nitong iwan ang lolo nito.

Nerissa tells Jenna na nagkita na sila ni Chang Hee, gulat si Jenna dahil wala namang sinabi sa kanya ang lolo.

Sinabi ni Nerissa kay Jenna na gusto ni Chang Hee na ilayo si Jenna sa kanya.

Nerissa tells Jenna kung ano ang mga ginawa noon ni Chang hee para magkahiwalay sila ni Philip at para makuha ni Chang Hee si Jenna.

Wala na raw magagawa ang mga doctor sa kalagayan ni Darlene, napaiyak sina Benjo at Coach.

Kausap na ngayon nina Jenna at Nerissa sina Violeta at Ivy, ayaw ni Jenna na basta iiwan si Chang Hee, kakausapin pa rind a

Kasama nga ni Jenna si Nerissa nang umuwi ito ng mansiyon para kausapin si Chang Hee. Violeta doesn’t want to enter the mansion. Violeta even warns Jenna na huwag magpapadala sa mga kasinungalingan ni Chang Hee.

Darlene is declared dead by the doctor, sobrang hurt si Benjo, nawalan ng isang mabuting kaibigan.


Thursday (January 20)



Dahil disappointed and hurt sa pagsisinungaling ni Chang Hee, sasama na si Jenna kay Nerissa.

Pero nang makitang aatakehin sa puso si Chang Hee, hindi makatiis si Jenna, lumapit sa Lolo to help him.

Ayaw nang iwan ni Jenna si Chang Hee, begs Nerissa na pumayag na makipagkasundo kay Chang Hee.

But Nerissa declares she can never forgive Chang Hee.

Jenna reluctantly tells Nerissa na hihintayin lang na magising ang lolo niya at magpapaalam na, natuwa naman si Nerissa.

Nagkausap sina Nerissa at Josefina, somehow malungkot si Josefina sa gustong mangyari ni Nerissa na pagkuha kay Jenna from Chang Hee.

Naguguluhan si Jenna, Chang Hee tells her na hindi siya ang nagtangka sa buhay ni Nerissa noon, kung hindi ang lolo niya, sino?

May dalang tao na tirador si Sandra kay Violeta, Violeta gives him the picture of Nerissa, ito raw ang target ng tirador.

Pinatawag ni Chang Hee si Joshua para masabihan ng kanyang problema tungkol kina Nerissa at Jenna.

Pinapa-check ni Chang Hee si isang doctor kung stable ba ang mental condition ni Nerissa. Magpapatulong siya kay Joshua.


Friday (January 21)

Pinipilit ni Nerissa si Jenna na umalis na sila dahil hindi titigil si Chang Hee na paghiwalayin sila.

Galit si Benjo when Oweng tells him na wala na si Darlene at malaya na silang pareho ni Jenna.

Benjo tells Oweng na ang pagiging malaya nila ni Jenna ang last priority niya ngayon sa isip, si Darlene pa rin kasi ang iniisip ni Benjo kahit patay na ito.

Jenna confronts Chang Hee and Joshua about Dr. Sembrano, she has a reason to believe na gusto lang talagang mailayo uli sa kanya ang ina niya.

Benjo remembers Darlene kung paano siya nito ipinagtatanggol kahit kanino.

Nerissa offers to leave habang hindi pa maiiwan ni Jenna ang kanyang lolo. Si Josefina na lang ang sasama kay Nerissa sa pag-alis nito sa mansiyon.

Gulat si Josefina nang malaman kay Nerissa na ang kaibigan palang tumulong sa kanya at nagpapatira ngayon sa kanya sa condo ay si Sandra.

Hindi makatiyak si Josefina kung ang Sandra na umaapi sa kanila ni Jenna noon ay siya ring Sandra na napakabait kay Nerissa at tinutulungan pa sila.

Taranta si Violeta nang malaman from Ivy na pupunta na sina Nerissa at Josefina sa bahay kuno na tinitirhan ni Sandra.

Sa tv nalaman ni Jenna na patay na si Darlene.

Nasa funeral ni Darlene si Jenna pero hindi siya lumapit, natanaw siya ni Benjo.

Nagmamadali nang aalis si Jenna pero nahabol siya ni Benjo, obviously they long for each other pero nakukunsensya sila na pagbigyan ang love nila dahil sa nangyari kay Darlene.

POST