<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 18, 2011

Dwarfina Week 2 Highlights – January 17 to 21

Monday (January 21)

Inanod ng tuluyan si Yna sa ilog. Sinubukang sagipin ni Kardo ang anak niya ngunit nadulas siya’t nabagok naman siya sa ulo. Kaya tuluyan nang hindi nasagip si Yna. Sinabi ni Lyndon kay Marissa na si Lucille ang may kasalanan pero diniin ni Selya si Lyndon. Sinabi ni Selya kay Marissa na si Lyndon ang may kagagawan ng lahat para mai-save si Lucille.

Dinala sa ospital si Kardo at naka-comatose. Kailangan siyang dalhin sa ibang ospital para maipagamot. Tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Marissa na makikita pa si Yna. Iyak siya ng iyak sa pagkawala ni Yna. Diniin ni Lucille kay Marissa na kasalanan lahat iyon ni Lyndon.

Sa mundo naman ng mga duwende, nanganganib na ang puwesto ni Calixto at Abiana sa kaharian dahil nalaman na ng mga nuno na may ginagamit silang gwendikam. Ginawan ng paraan ni Romera na mapunta sa mga nuno ang pandadaya nila Calixto. Hinamon ng mga nuno ang hari at reyna na ipakita na ang anak nila para matigil ang mga haka-haka.

Samantala, nakita ni Elvin at duwentukin si Yna sa pampang. Nakaligtas pala siya kaya dinala nila si Yna sa mundo ng mga duwende. Sa umpisa ay itinago nila si Yna, pero nang magising si Yna ay hindi na nila ito naitago dahil gustong bumalik ni Yna sa mga magulang niya. Nadiscover ni Marcial at Wendong na tinatago nila Duwentukin si Yna. Makikilala nila ito.


Tuesday (January 22)


Naisip ni Wendong at Marcial na si Yna ang maaring sagot sa problema ng Hari at Reyna. Sinabi nila kay Nuno Umberto na itinatago nila Duwentukin ang batang isinumpa ni Abiana—si Yna. Pero hindi nila alam na tinatakas pala ni Duwentukin at Elvin si Yna para makabalik sa bahay nila.

Sumugod si Marissa kila Lyndon at galit na sinisi niya ang bata dahil sa pagkawala ni Yna maging sa nangyari kay Kardo. Pero dine-deny ito ng bata. Mabigat sa loob ni Marissa na umalis sa lugar na iyon pero kailangan dahil ipapagamot si Kardo.

Hindi na naabutan ni Yna sila Marissa dahil lumipat na sila at dinala na sa ibang ospital si Kardo. Lungkot na lungkot si Yna na bumalik sa bahay nila pero wala na rin tao doon. Pati ang dati niyang bahay ay naitapon na sa basurahan.

Magkakaroon naman ng pangitain si Nuno Umberto na si Romera at Hulyano ang nais na magnakaw sa kanilang trono. Sasabihin niya ito kila Abiana at Calixto. Naisip ni Nuno Umberto na pakainin si Yna ng itim na binhi, mapapalitan ang memory ni Yna at makikilala niyang magulang ay si Abiana at Calixto. At pag nangyari iyon, si Yna na ang magiging Dwarfina.

Nalaman nilang inaapoy sa lagnat at nagdedeliryo na si Yna sa dati niyang dollhouse. Pinuntahan nila Umberto si Yna, awang awa sila kay Yna dahil may sakit na ito at iniwan pa ng mga magulang. Nakapagdesisyon ang hari at reyna na iligtas si Yna at ipakain sa kanya ang itim na binihi dahil may kakayanan din itong manggamot ngunit kasama ang pag-iiba ng ala-ala ni Yna. Malulunok ni Yna ang binhing pinakain ni Umberto sa kanya.


Wednesday (January 19)


Unti-unti nang napalitan ni Abiana at Calixto ang mga ala-ala ni Yna sa kanyang mga magulang. Paggising niya, nakilala niya agad na mga magulang si Abiana at Calixto. Tuwa si ang Hari at Reyna.

Alam din niya sa sarili niya na siya si Dwarfina na isang prinsesa at duwende. Tumalab ang itim na binhi na pinakain nila Umberto kay Yna.

Umalis na rin sa bayan na iyon sila Lyndon. Dala ng batang si Lyndon ang pagsisisi na hindi niya nailigtas si Yna sa ilog.

Nang ipakilala sa madla si Dwarfina, gulat na gulat si Romera at sinabi niya sa madla na peke ang prinsesa. Sinubukan niyang patunayan ito pero napahiya siya dahil hindi na hologram si Dwarfina. Totoong tao na siya.

Nalaman nila Abiana at Calixto na si Romera ang pumatay sa sanggol nila noon. Si Romera at Hulyano ang taksil sa kaharian kaya kinuha ang kapangyarihan nila at pinatapon sila ni Umberto sa gubat ng kadiliman.

Samantala, tumira pa rin si Gwendina sa palasyo kahit na pinatapon ang kanyang mga magulang. Nagdalaga si Dwarfina at Gwendina na mga prinsesa sa palasyo.

Nagbinata na si Lyndon (Dennis Trillo) pero ibang iba na siya. Hindi na siya mayaman kagaya noon. Nakatira siya sa junkshop at nagtutulak ng kariton. Nagtratrabaho din siya sa pier bilang pahinante kasama si Estong at isang batang tinuring na rin niyang kapatid, si Buddy. Mapapasabak naman siya sa away para iligtas ang kanyang matandang kasera na si Flora.


Thursday (January 20)

Ipinagtanggol ni Lyndon si Lola Flora sa mga goons. Malalaman ni Lyndon na may malaking utang si Flora sa mga goons na iyon. Malalaman ni Budyd mula kay Estong at Darius ang background ni Lyndon. Namatay sa aksidente ang mga magulang niya, naiwan naman sa ibang bansa kasama ng kamag-anak ang nakababata niyang kapatid at naghirap na si Lyndon simula noon.

Mag-aapply naman ng trabaho bilang driver sa isang malaking garments company si Lyndon. Hindi niya alam na pag-aari pala ito ni Marissa na mayaman na. Pinamamahalaan din ito ni Lucille. Doon magkr-krus muli ang landas ni Lucille at ni Lyndon matapos ang maraming taon.

Sa mundo naman ng mga duwende, dalaga at binata na sila Dwarfina, Gwendina, Duwentukin at Elvin. Hindi nakakalabas ng punso si Dwarfina kaya naiingit siya kila Gwendina at Elvin tuwing uuwi silang galing sa labas ng punso at may dalang alay para sa hari at reyna. Gusto niya ring makasama sa adventures nila. Nafr-frustrate din si Dwarfina dahil wala pa siyang powers.

Napansin naman ni Abiana na hindi maganda ang pakikitungo ni Gwendina kay Dwarfina kaya pinagsasabihan niya ito. Malalaman kay Gwendina na lihim na gusto niyang maka-usap at tulungan sila Romera at Hulyano.

Samantala, may isang duwende ang naligaw sa kadiliman. Pinatay ni Romera iyon at kinuha ang powers para makagawa siya ng paraan para maka-usap si Gwendina. Humingi siya ng tulong sa anak niya.

Isang pangkat naman ng duwende na kasama si Elvin ang pupunta sa kadiliman para hanapin ang nawawalang duwende. Delikado ang lugar na iyon kaya naghanda sila. Hindi nila alam na kasama pala si Dwarfina sa pangkat na iyon.


Friday (January 21)

Nakapasok si Dwarfina sa kadiliman nang walang nakakakilala sa kanya. Nakita naman ni Dwarfina ang katawan ng nawawalang duwende pero muntik naman siyang makita ni Romera. Nang bumalik sila sa palasyo nabuking ni Elvin si Dwarfina na kasama pala siya sa mga pumunta sa kadiliman.

Sinabi ni Romera kay Gwendina sa pamamagitan ng aparisyon na puntahan siya sa gubat ng kadiliman. Pinuntahan ni Gwendina ang mga magulang niya sa gubat ng kadiliman at nagkita sila doon.

Sa bahay ni Marissa, makikitang paralyzed na at nasa wheelchair si Kardo. Lihim palang pinagmamalupitan ni Selya si Kardo. Inaalagaan pa rin ni Marissa si Kardo. Nagpakilala na si Lucille kay Lyndon. Baligtad na ang mundo nila ngayon, sila Lucille na ang mayaman at sila Lyndon na ang mahirap. Mag-uumpisa na rin si lyndon na magtrabaho sa kanila bilang driver. At ang una niyang byahe ay papunta sa dati nilang bayan kung saan sila lumaki ni Yna.

Samantala, nagkasundo si Dwarfina at Elvin na lumabas sila ng punso sa kundisyon na hindi isusumbong ni Elvin sa hari at reyna dahil nakasama si Dwafina sa gubat ng kadiliman. Napilitan si Elvin na samahan si Dwarfina sa labas ng punso. Tuwang tuwa si Dwarfina sa laki ng mundo sa labas. Pero magugulat siya nang makita niya si Lyndon na andoon din. Tila kilala niya ang lalakeng iyon.

POST