<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 29, 2013

Lolit Solis says Jackie Forster should not blame her

MANAY LOLIT SOLIS says Jackie Forster should not blame her if her two sons with Benjie Paras, Andre and Kobe, declared in “Startalk” that they don’t want to see her anymore.

“Sa totoo lang, hindi ko talaga akalain na ‘yun ang isasagot ni Andre nang tanungin ko siya kung anong message nilang magkapatid sa mother nila,” she says. “Bago sila isinalang sa harap ng kamera, sinabi ko naman na itatanong ko ‘yon sa kanila at okay naman daw. Ang sabi nga nila, kapag may time daw okay lang. Parang isu-showbiz lang yata ang sagot. Pero iba nga ang sinabi ni Andre at napaiyak pa nga ito. Kaya nagulat talaga ako, at bilang isa ring nanay, parang nalungkot din ako para kay Jackie. Tapos ako na ngayon ang masama. Ako pa raw ang nanggamit sa mga bata para palabasin siyang masama. Diyos ko! Matuturuan mo ba ‘yung mga batang ‘yun? Sa totoo lang, hanggang sa gabi, iniisip ko pa rin ‘yun at nalungkot din ako dahil hindi talaga maganda na parang itinakwil ka na ng sarili mong anak, di ba? Masakit talaga ‘yun para sa kahit kaninong ina. Pero sino ba ang masisisi mo riyan? Wala namang ginagawang pangbi-brainwash si Benjie sa kanila. Nakita lang talaga ng mga bata na ibang-iba ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanila ng Mommy Lyxene nila. Kaya very vocal sila na mahal na mahal nila ang Mommy Lyxene nila kaysa sa tunay nilang ina. Ngayon nga, pinagsasabihan na sila ni Benjie na tumigil na dahil nagtu-tweet pa rin daw itong mga bagets tungkol sa pagka-irita nila sa kanilang ina. Sa totoo lang, bilib talaga ako kay Benjie dahil lagi niyang pinagsasabihan ang mga anak niya na huwag na huwag silang magsalita laban sa kanilang ina. Kasi at the end of the day, nanay pa rin nila ‘yun. Kaya mabuting tahimik na lang at huwag nang magsalita. Sana alam ni Jackie ‘yan, at huwag niyang isisi sa iba ang nangyayari sa kanila ng kanyang mga anak.”

POST