<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Apr 17, 2011

Captain Barbell Highlights – April 18 to 26

Find out what happens in Captain Barbell.

Monday (April 18)

Mapipigil ng Liga ng Kalayaan ang grupo nina Gregor sa pagnanakaw. Maghaharap ang magkapatid na si Blade Girl at Anino, at masusugatan ni Blade Girl si Anino sa labanan. Makakatakas ang grupo nina Gregor pero masusundan sila ni Eva, ang assistant ni Nero. Hihikiyatin ni Eva sina Gregor na makipagsanib pwersa sa kanila, ngunit tatanggi si Gregor sa alok nito.

Susunduin naman ni Melanie si Lelay sa kanyang eskwelahan kaso hindi niya maabutan si Lelay dito. Hinatid na pala ni Althea si Lelay sa kanilang bahay. Magpapasalamat si Teng kay Althea at magkakamabutihan ang dalawa. Magseselos naman lalo si Melanie kay Althea dahil alam niya may gusto ito kay Teng.

Makikita ni Misha ang sugat ni Teban at magdududa siya kung si Anino ang kanyang kuya. Susundan ni Misha si Teban kaso makakatakas si Teban.

Samantala, madidiskubre na ni Celina ang kanyang tunay na superpowers. Sasali siya sa Liga kung saan siya makakakuha ng training.

Patuloy pa rin ang paguusisa ni Lelay kay Teng dahil sa paniniwala niya na ang kuya niya ay si Captain Barbell. Tutulungan naman ni Teng si Lelay sa kanyang assignment na tungkol sa kanyang paboritong superhero. Pero sisirain ni Angelina ang drawing ni Lelay kaya mapapahiya si Lelay sa klase dahil wala siyang assignment para sa show and tell nila. Maawa si Teng sa kanyang alaga kaya magpapakita ito sa klase ni Lelay bilang si Captain Barbell. Ngunit nang magbabalik anyo si Teng, mabubuking siya ni Lelay!


Tuesday (April 19)

Masaya si Lelay dahil nakita niya na si Captain Babell at si Teng ay iisa, at nangako siya na itatago niya ang sikreto ng kuya niya. Ngunit pagbalik ni Lelay sa klase, aawayin siya muli nina Angelina at Susan. Madadatnan ito ni Melanie kaya siya ang magproprotekta kay Lelay. Aawatin naman sila ni Althea, pero sisisihin ni Melanie si Althea dahil hindi nito naagapan ang away ng bata.

Patuloy na gumagawa ng paraan si Lelay para mapalapit si Teng kay Althea. Naguguluhan naman si Teng dahil unting-unti siyang nahuhulog kay Althea ngunit hindi niya makalimutan si Leah. Papayuhan ni Bobby si Teng na pakawalan na niya si Leah para maging masaya siya. Pero mahal pa rin ni Teng si Leah kaya hahanapin niya ang nagmamay-ari ng puso ni Leah.

Ipapakilala na si Celina bilang Sonica na bagong miyembro ng Liga. Mapapaisip si Captain Barbell kung may kinalaman ang tenement sa kapangyarihan ng mga miyembro ng Liga.

Masususpetsa din ni Nero na may koneksyon ang tenement sa superpowers nina Gregor. Mapapansin din ni Nero na wala si Blue Cyclone sa huling laban ng Liga kaya hahanapin nila ito at madadakip nila ito.

Samantala, madidiskubre ni Kat ang kanyang kapangyarihan sa pag gamit ng apoy. Gagamitin kaya niya ang kanyang kapangyarihan para sa kabutihan o sa kasamaan?


Wednesday (April 20)
Lalong nagiging malapit sina Teng at Althea dahil kay Lelay. Patuloy naman pagtulong si Melanie kina Teng kaso masasaktan siya dahil makikita niya magkasama sina Teng at Althea.

Pero hindi pa rin makalimutan ni Teng si Leah kaya hahanapin pa rin niya ang nagma-may-ari ng puso ni Leah. Tutulungan siya ni Bobby sa paghahanap ng records ng ospital para matukoy kung kanino napunta ang puso ni Leah.

Aalukin ni Nero si Anita para sumali sa kanyang grupo.Tatanggi si Anita at makakatakas siya mula kay Nero gamit ang kanyang bagong kapangyarihan.

Lalabas ang kapangyarihan ni Kat habang rumarampa siya bilang modelo. Matutuwa si Kat sa kasikatan niya dahil sa kanyang kakayahang lumikha ng apoy. Malalaman naman ng Liga, ng grupo nina Gregor, at ni Nero tungkol sa Kat, kaya pupuntahan nila ito para makasama sa grupo nila ito. Makakalaban ang Liga ng Kalayaan ang grupo ni Eva habang hinahabol nila si Kat.


Monday (April 25)

Makakatakas si Kat mula sa Liga at grupo nina Nero. Bigo ang dalawang grupo para makuha si Kat, pero nagplaplano sila ng bagong pagkakataon para makuha si Kat.

Papunta si Teng sa birthday party ni Althea ngunit hindi siya matutuloy dahil maiisip niya muli si Leah. Malulungkot si Althea dahil hindi nakasipot si Teng sa kanyang party. Kinabukasan, magkikita muli ang dalawa ngunit kitang-kita na naiilang si Teng kay Althea. Aayain ni Althea si Teng sa fieldtrip nina Lelay pero hindi makakasagot agad si Teng. Maapektuhan si Althea dahil napapansin niyang lumalayo si Teng sa kanya.

Samantala, patuloy ang paghihinala ni Misha kay Teban habang patuloy na tinatago ni Teban ang kanyang kapangyarihan mula sa kanyang kapatid. Pero mabubuking ni Misha na ginagamit ni Teban ang kanyang kapangyarihan.

Magkakaroon ng presscon si Kat kaya dito siya pupuntahan at pag-aagawan ng Liga, grupo ni Gregor, at ng grupo ni Nero. Kaninong grupo mapupunta si Kat?


Tuesday (April 26)

Madadakip ng grupo ni Gregor si Kat pero haharangin sila ng Liga ng Kalayaan. Mahuhuli ng Liga ang buong grupo nina Gregor. Pero makakatakas muli sina Gregor mula sa Liga dahil sa tulong ni Nero.

Dahil dito, pumayag na sina Gregor na makipagsasanib pwersa sa grupo ni Nero at mabubuo ang Pwersa ng Kadiliman!

Nakalusot man sa Liga ng Kalayaan sina Gregor, naprotektahan naman nila si Kat. Mahihikayat si Kat para maging bagong kakampi ang Liga bilang si Fuega.

Makikita ni Misha na pareho ang kakayahan ni Teban at ni Anino. Magdududa siya na ang kuya niya at si Anino ay iisa. Susubukan ni Misha na mahikayat ang kanyang kapatid na gamitn ang kanyang kapangyarihan sa kabutihan ngunit hindi papayag si Teban dito.

Naguguluhan si Teng sa pagpili sa pagitan nina Leah at Althea. Magpapasya si Teng na iwasan si Althea dahil hindi niya kayang mahalin ito. Hindi sasama si Teng kay Lelay kaya si Lita ang sasama sa fieldtrip nila sa Manila Bay.

Nagdadalawang isip si Anita dahil sa alok sa kanya ni Nero, pero babalik din si Blue Cyclone sa Liga. Ngayon kumpleto na ang Liga, haharapin na nila ang Pwersa ng Kadiliman na umaatake sa Manila Bay kung saan nagfieldtrip si Lelay. Pero sa gitna ng labanan, malalaman ni Captain Barbell mula kay Bobby na napunta ang puso ni Leah kay Althea!

POST