<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 5, 2011

Machete Highlights – March 1 to 4

Tuesday (March 1)

Habang patuloy na nagkakaigihan sila Jessat at Machete ay patuloy na nasa panganib naman ang buhay ni Aginaya. Nanatili siyang bihag ni Karum at pakakawalan lamang siya nito hanggang sa tuluyan niyang ibigay ang pag-ibig sa huli.

Laking takot naman ni Val nang isang lalaki ang kanyang makita. Muli silang mahahagilap ni Homer. Hindi pa rin siya sumusuko na maibalik si Jessa sa kanya.

Nakatakas man si Val kay Homer ay maaabutan pa rin niya ito. Tatakutin ni Homer si Val upang ituro kung saan naroroon si Jessa at muli ay magkikita nga si Jessa at si Homer.

Hindi naman papayag si Machete na makuha si Jessa ni Homer ng ganun na lamang, Bakbakan sila Homer at Machete pero makatakas kaya si Machete sa baril ni Homer lalo na ngayon na wala ang mahiwagang machete sa kaniyang mga kamay?


Wednesday (March 2)

Haharang si Jessa sa gitna nila Machete at Homer. Hindi niya kayang makitang masaktan si Machete. Mas lalo ang takot ni Jessa ngayon sa muling paghihiganti ni Homer sa kanila.

Susubukang magtago nila Jessa, Val at Machete pero madali rin silang matutunton ni Homer. Magkakaroon ng masamang panaginip si Jessa. Pangitain na nga ba ito ng pagtatagumpay ni Homer laban kay Dakila?

Nadamay na nga si Machete sa gulo nila Jessa. Mahalaga kay Jessa ang kanyang pamilya at gayundin si Machete kaya mapag-iisipan niyang pakasalan na lamang si Homer upang matahimik na ang lahat. Hindi naman papayag si Machete sa ideyang ito. Magkakasabihan na nga ng tunay na damdamin sila Jessa at Machete.

Nahulog na nga ang damdamin ni Jessa kay Machete pero lito parin ang lalaki dahil naniniwala pa rin siya na si Aginaya ang nakatakda para sa kanya. Palalayuin ni Jessa si Machete matapos mapahiya sa pagtatapat ng damdamin nito sa kanya.

Ngayong magkalayo si Jessa at Dakila ay matatagpuan sila ni Homer. Walang laban si Jessa kay Homer kaya madali siyang makukuha ng lalaki.


Thursday (March 3)

Pipilitin ni Homer si Jessa na magpakasal sa kanya pero matapang si Jessa at hindi basta-basta sasang-ayon dito. Ilalabas na ni Homer ang alas niya kay Jessa upang umoo ito. BIhag niya si Val at Machete at babantaan ni Homer ng kamatayan ang dalawa kung hindi papayag si Jessa.

Dahil dito ay mapipilitang makipagkasundo si Jessa kay Homer. Magpapakasal siya kapalit ng kalayaan nila Machete at ni Val. HIndi naman palalamang si Homer. Sisiguruhin niya muna na maikasal sila bago gawin ito.

Makakawala si Machete at si Val mula sa mga tauhan ni Homer. Susubukan nilang puntahan ang kinaroroonan nila Jessa. Maabutan pa kaya ni Machete bago pa tuluyang magpakasal si Jessa kay Homer?

Muling magkakaharap si Machete at si Homer. Napigilan man ni Machete ang kasal ng dalawa ay malalagay naman sa panganib ang buhay ni Jessa. Si Jessa ang sasalo ng bala na para kay Machete.


Friday (March 4)

Isusugod sa ospital si Jessa. Mag-aagaw buhay si Jessa sa natamo niyang sugat. Abot langit naman ang pag-aalala ni Machete sa nangyari kay Jessa. Mapagtatanto ni Machete na mahal na din niya si Jessa pero magkaroon pa kaya ito ng bigat kung mawawala din sa kanya si Jessa?

Matapos makaligtas ni Jessa sa kamatayan ay muli silang magkakausap nI Machete. Sa wakas ay magiging sigurado na ang damdamin nila para sa isa't isa. Aaminin nila na mahal na nila ang isa't isa.

Si Machete naman ang nag-aalaga kay Jessa na nagpapagaling. Lalolng lalapit ang loob ni Jessa kay Machete. Tila wala na ngang makakapigil sa kanilang pag-iibigan.

Matapos lumaya sa kamay ni Karum ay nakahanap naman ng silong si Rosella sa pamilya ng kaibigan niyang si Candy. Buo pa din ang pag-asa ni Rosella na muli niyang makikita si Machete.

Sa isang matinding biro ng kapalaran ay magkukrus ng landas si Rosella at si Jessa. Wala sa kanilang kamalayan na iisang lalaki ang iniibig nila, si Machete.


POST