<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 5, 2011

I Heart You Pare Week 5 Highlights March 7 to 11

DAY 1

The heat is on sa preparation ng contest to become the next ULTIMATE SHOWKLA! sa Club Love.

Kasabay ng paligsahang ito ay ang annual physical exam ng ating mga badet sa Club Love! Tonette needs to undergo this test together wth the rest of the performers. Ma-eexpose na nga kaya ang hubad na katotohanan na siya ay nagpapanggap lamang na bakla at isang genuine girlaloo!?

It's Tonette's turn to see the Doctor na magsasagawa ng physical exam. Siyempre ang unang step sa test ay ang maghubad! Wala na ngang magagawa si Tonette! Bukelya na nga ang bakla na isa siyang babae!

Dahil sa curiosity ay nakichismis agad sila Vodka sa physical exam ni Tonette. Agad na makakarating sa kanila ang balita at ico-konfront ang ating bida. Could this be the end of Tonette's gay impersonation?


DAY 2

Bago pa man tuluyang kumalat ang katotohanan ay susubukan ni Tonette na magtapat kay Kenneth. Wa epek din naman ang revelation performance ni Tonette kay Kenneth pero mukhang magkakaroon ng private moment sila Kenneth at Tonette dahil siya ang pinapasama ni Mama Marita sa La Union for business matters kasama ni Kenneth!

Tagumpay ang business venture nila Tonette at Kenneth sa LaUnion pero may isa pa silang pupuntahan. Isasama ni Kenneth si Tonette sa lugar kung saan nakita niya ang babaeng hindi niya maalis sa kanyang isipan si Tonya. Welcome back to VIGAN!

Tonette and Kenneth stayed in a hotel in Vigan. Kampante naman si Tonette na walang makakakilala sa kanya especially with her in drag pero coincidentally Sonny Boy and Mandy are in the same hotel! Oh no!

Hindi nga katakataka na magkabanggaan sila Tonette at Sonny boy. Makilala naman kaya siya ng bortang goon na matagal na siyang hina-hunting?


DAY 3

Bigo si Kenneth na mahanap si Tonya. Mapag-aalalaman niya mula kay Joel na umalis na ito papuntang ibang bansa. Naudlot nanaman ang pagtatapat ni Tonette kay Kenneth tungklol sa kanyang lihim dahil na din sa desisyon ni Kenneth na magbalik Maynila na!

Sa pagbabalik Maynila nila Tonette at Kenneth ay may isang lalaking bibisita sa Club Love. It's Ramon, at ngayon ay mabubuo na ni Tonette ang malaking puzzle. Magkapatid ang si Kenneth at ang lalaking kanyang nadisgrasya. Goodluck sa revelation ate!

Tuluyan na ngang kinalimutan ni Tonette ang planong magtapat kay Kenneth. Mas lalo ding naging kumplikado ang feelings niya kay Kenneth. Aside from the secret identity ay ang katotohanan na may kinalaman siya sa gulo sa pamilya ni Kenneth!

It's Tonette's time to shine sa ULTIMATE SHOWKLA 2011. Hindi naman hahayaan ni Vodka na tuluyang sumikat ang kumpetisyon niya. Ipapangako niya gagawin niya ang lahat para maging falling star si Tonette Star!


DAY 4

It's Tonette's turn to perform for Ultimate Showkla 2011, pero walang Tonette Star na makikita sa stage! Nagtagumpay na nga kaya ang masamang balak ng baklang Vodka!?

Vodka sabotages Tonette's performance. Magtatagumpay si Vodka sa kanyang plano kaya siya ang tatanghaling Ultimate Showkla. Hindi naman hahayaan ni Tonette si Vodka sa ginawa nito sa kanya kaya susugurin niya si Vodka! Rambulan na ng mga ateh!

Malungkot si Tonette sa nangyari at dahil dito she decides na hindi na bumalik sa club. Kenneth and Marita knows the real story kaya hindi nila hinayaan ang nangyari. Susuyuin ni Kenneth so Tonette at pababalikin siya sa Club Love. Ang haba naman ng buhok ni Tonette!

Durog na durog na ang puso ni Kenneth sa kabiguan niya kay Nikki. He finds comfort sa kanyang kaibigang si Tonette. Unknowingly Tonette shares the same sentiments as of Kenneth. Pareho silang nagmamahal pero hindi nila maaaring ipakita o iparamdam ito. If only Kenneth knew!

Dahil sa kalasingan at kalungkutan ay magkakalapit sila Kenneth at Tonette. Too close that they are about to... KISS!


DAY 5

Failure na naman ang kissing scene ni Kenneth at Tonette. Matatauhan si Kenneth na isang bakla ang hahalikan niya. Muling lalayo ang loob ni Kenneth kay Tonette dahil sa nangyari.

Mas lalong nagulo ang buhay ni Kenneth matapos ang nangyari sa kanila ni Tonette. There is only one way na maiisip ni Kenneth para mabawas bawasan ang kanyang confusion. Magre-resign siya as manager of Club LoVe!

Sad ang lahat sa pag-alis ni Kenneth sa Club Love, higit sa lahat si Tonette. Kenneth was about to leave ng biglang may mangyari kay Mama Marita. Kenneth can't leave her Mama Marita just like that!

Kenneth stays sa Club Love because of Marita pero he thinks another idea to solve his problem with Tonette. Gusto niyang gawing lalaki si Tonette!

POST