<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 5, 2011

My Lover My Wife - Week 1 Highlights

DAY 2
Nasaktan si Vivian nang makita muli si Arthur. Nagpaliwanag si Arthur tungkol sa nangyari sa kanila pero para kay Vivian hindi na ito importante.
Aaminin naman ni Arthur kay April na dati niyang girlfriend si Vivian. Kakausapin ni April si Vivian at ire-remind na mag-asawa na sila ng ex boyfriend niya kaya hindi na siya pwedeng umasa pa.
Makikilala ni April si Lawrence , isang medical representative na laging nagpupunta sa clinic. Nagkagusto agad ito kay Vivian pero hindi naman siya gusto nito dahil deep inside her, si Arthur pa rin ang gusto niya.
Nang hindi na makayanan ni Vivian ang selos kina Arthur at April, lumabas at uminom ito kasama si Lawrence .


DAY 3
Tinanggap ni Vivian ang alok na kasal ni Lawrence kahit hindi niya ito mahal.
Kinausap ni Arthur si Vivian tungkol sa biglaang pagpapakasal nito. Nalaman niya na gagawin ni Vivian iyon para makalimutan siya. Lalong na-guilty si Arthur.
Samantala, hindi naging masaya ang buhay asawa ni Vivian kay Lawrence . Naging battered wife siya. Nais na sana ni Vivian layasan si Lawrence pero hindi niya nagawa dahil buntis na siya. Nanganak si Vivian kay Nico pero patuloy pa rin ang pananakit ni Lawrence kay Vivian. Hindi rin masaya ang pagsasama ni Arthur at April, gusto ni Arthur magka-anak pero ayaw pa ni April.


DAY 4
Dumating ang mga pulis at iba na ang kwento ni April. Nagpakamatay daw si Emman. Mukhang duda ang mga pulis sa kwento niya. Nang pinasunod sila sa presinto ay tumakas na si April kasama si Arthur.
Lumapit sila kay Charity at sinabi ang mga nangyari. Gusto ni Arthur to come clean at sabihin ang totoo pero ayaw ni Charity dahil mapapahamak ang anak niya.
Nakagawa ng paraan si Charity na maipuslit si Arthur at April para maka-alis sana sila ng bansa thru Lawrence . Ngunit nasundan pala ng pulis si Lawrence na sumamang patakasin si Arthur at April.


DAY 5
Sumabog ang eroplano. May nakuhang dalawang bangkay ang mga pulis at nalaman na isa doon ay ang piloto at inidentify ni April ang isa na si Arthur.
Nagpa-presscon si April at sinabi niya sa lahat na si Arthur ang pumatay kay Emman at ngayon pinagbayaran na niya dahil patay na rin ang asawa niya.
Nabalitaan ni Vivian ang nangyari kay Arthur. Hindi siya makapaniwala dahil alam niyang hindi kayang pumatay ni Arthur ng tao. Nagluksa si Vivian. Isang buwan na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabalik si Lawrence kila Vivian. Inamin ni Vivian sa kanyang ama at kapatid na mas mabuti na hindi siya bumalik dahil masamang asawa si Lawrence . Awa si Ramon sa sinapit ng anak.

POST