<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 9, 2011

Bantatay Highlights – February 9 to 15

SYNOPSIS

There are two adventures in one week para kay Bantatay!

Malalaman na nina Marcela, Bantatay at ng mga bata ang tunay na pakay ng Sigbin sa Bundok Maria! Madidiskubre nina Emily at Artie ang naghuhukay ang Sigbin at ang mga accomplices nito para mahanap ang nawawalang Gintong Kalasag na isang national treasure!

Pero ngayong alam na nina Emily at Artie ang tungkol dito, makakaasa pa ba silang mapalaya ng mga kriminal na dumukot sa kanila?

Habang sina Marcela, Junix at Bantatay naman ay malalagay sa panganib nang madiskubre nila ang sikreto ng Sigbin!

Sina Farrah at Lenlen, may sariling adventure sa pagdating nina Simon, Daisy, at iba pa sa Bundok Maria! Magagawa kaya nilang malinlang at matakasan ang mga ito?

Samantala, magkakabistuhan na sina Joanna at Calvin! Makikilala na ng dalaga ang tunay na pagkatao ng nobyo, at malalaman na niyang nagkamali siya nang ito ang piliin niya over Norbert! Ngunit kailangan munang ipagpaliban ni Joanna ang nararamdaman—dahil alam na rin nila ang panganib na kinalalagyan ng mga bata, ngayong nasa Bundok Maria na sina Daisy at Simon!

At sa pagtatapos ng adventures sa kabundukan, panibagong exploit na naman ang babagsakan ng mga bata—as they meet the President of the Philippines !

Sa pagtanggap ng isang award for the discovery of a national treasure, isasama sila ng Presidente sa isang paglalakbay patungong Cebu ! Ang kaso, sa barkong kanilang sinasakyan, madidiskubre ng mga bata na may ongoing assassination attempt sa buhay ng Presidente!

Magawa kayang iligtas nina Bantatay at ng mga bata ang President? O pati ba sila ay madadamay sa pagpatay sa pangulo?


February 9 (Wednesday)

It's Bantatay versus the Sigbin!

Habang hinahanap nina Marcela, Junix at Bantatay ang nawawalang sina Emily at Artie, makakaharap na nila ang sikretong tinatago ng Bundok Maria: ang Sigbin! At para masigurado ang kaligtasan nina Marcela at Junix, haharapin ni Bantatay ang kinatatakutang aswang ng kagubatan!

Samantala, magtutulong naman sina Lenlen, Farrah at ang bagong kaibigan na si Aling Mila para hindi sila mahuli nina Simon, Daisy at ng mga Pusakal!

Sa loob ng kagubatan, magiging tila mga alipin sina Emily at Artie sa loob ng isang kuweba—pinaghuhukay ng walang sinasabing dahilan! Ito na ba ang huli nilang hantungan?

Malalaman naman nina Joanna at Mingming na nakasunod sina Daisy papunta sa Bundok Maria, kung nasaan ang mga bata! Magagawa ba nilang mabigyan ng warning ang mga bata bago maging huli ang lahat? Pero matapos ng pag-aaway nina Joanna at Norbert, magawa pa ba silang tulungan ng lalaki? O kakailanganin ba nilang umasa kay Calvin?

In bullet points:

- Kakalabanin ni Bantatay ang Sigbin!

- Para matakasan ang Sigbin, kakailanganin nina Marcela at Junix na tumalon mula sa taas ng isang waterfall!

- Habang hinaharap nina Marcela ang Sigbin, ibang kalaban naman ang makakaharap nina Farrah at Lenlen: sina Daisy!

- Madidiskubre naman nina Joanna at Mingming na natunton na nina Daisy ang mga bata sa Bundok Maria!

- Para humingi ng tulong, lalapit sina Joanna kay Calvin—na gagawin ang lahat para hindi masaklolohan nina Joanna ang magkakapatid!


February 10 (Thursday)

Sina Marcela, Junix at Bantatay—biktima na rin ng Sigbin!

Nadiskubre na nina Marcela na hindi tunay ang Sigbin ng Bundok Maria—na isa itong taong nagpapanggap na aswang para ilayo ang mga turistang nagpupunta sa bundok!

Samantala, malalaman naman nina Artie at Emily ang dahilan kung bakit sila pinaghuhukay—nang matagpuan nila ang isang gintong kalasag na isang national treasure! Malalaman rin nila na planong ibenta ng mga kriminal ang kalasag na ito sa pinakamataas na offer!

Matapos naman ma-trap sina Simon, Daisy, at iba pa, magdedesisyon sina Farrah at Lenlen na sundan na sina Marcela. Ang hindi nila alam, nakatakas pa rin ang kanilang mga kontrabida mula sa patibong—at nakasunod na ang mga ito sa kanila!

Si Joanna naman, makikilala na ang tunay na ugali ni Calvin! Pero may oras pa ba sila ni Mingming na humingi ng tulong at magpunta ng Bundok Maria para sa mga bata at kay Marcela?

In bullet points:

- Hindi totoo ang aswang! Madidiskubre nina Marcela at Junix na tao lang ang nasa ilalim ng balat-Sigbin!

- Matutuklasan nina Artie at Emily ang tunay na pakay ng "aswang"—ang mahukay ang isang national treasure sa kuweba!

- Bihag na rin sina Marcela, Junix at Bantatay—at makakasama na nila sina Artie at Emily.

- Magagawa namang hulihin nina Farrah at Lenlen sa patibong sina Simon, Daisy, at iba pa.

- Madidiskubre na ni Joanna ang tunay na pagkatao ni Calvin!

- At magsasama-sama na ang mga puwersa ng mga kontrabida sa buhay ng mga anak ni Bernard!


February 11 (Friday)

May isang malaking pasabog ngayong hapon sa Bantatay!

Para masiguradong walang makakakuha ng gintong kalasag, papasabugin na ng mga tulisan ang kuweba—habang nasa loob ang pamilya ni Bantatay!

Pero hindi pa huli ang lahat, makakatakas pa ang mga ito mula sa pagguho ng kuweba. At sakto lang na darating sina Joanna at Mingming kasama ang mga pulis para hulihin ang mga kriminal!

Heroes ang dating ngayon nina Marcela at ng mga bata. At imbitado silang makilala ang Presidente ng Bansa dahil sa kanilang pagsagip sa isang national treasure! In fact, yayayain pa silang makasama ng presidente sa isang barko para ihatid ang kalasag sa nararapat nitong puntahan: ang isang museum sa Cebu !

Ngunit nakatakas rin pala sina Simon, Daisy at iba pa mula sa pagsabog ng kuweba. At dahil televised ang paghaharap ng mga bata at ng Presidente, malalaman agad nila kung saan nila ito ta-targetin ngayon!

Kaso, hindi lang ata sina Simon at Daisy ang kailangan problemahin ng mga bata sa kanilang pagsakay sa barko ng pangulo! Anong panganib na naman ang naghihintay kina Bantatay?

In bullet points:

- Makakaligtas pa sina Marcela, Bantatay at ang mga bata mula sa pagguho ng kuweba sa Bundok Maria!

- Sina Simon, Daisy, at iba pa naman ay makukulong sa loob—kaya hindi sila madadamay sa pagdakip ng mga pulis sa mga kriminal na naghukay ng Gintong Kalasag.

- Dahil sa pagligtas sa isang national treasure, maiimbitahan si Marcela at ang mga bata na makasama ang Presidente para ihatid ito sa isang museum sa Cebu , sakay ng isang barko.

- Pero may ibang panganib na naghihintay sa mga bata, at sa Presidente, sa kanilang pagsakay dito!


February 14 (Monday)


Isang assassination attempt ang madidiskubre nina Bantatay at ng mga bata sa cruise ng Presidente!

Habang nagtu-tour sa loob ng barko, mapapansin na nina Bantatay at ng mga bata ang kakaibang ikinikilos ng staff nito. At nang mahiwalay sila sa Presidente, tuluyan na nilang malalaman na may masamang binabalak ang mga ito laban sa Pangulo ng Pilipinas!

Kakaibang adventure ang naghihintay sa mga bata at kay Bantatay, sa kanilang gagawing pagligtas sa buhay ng Presidente!

Samantala, makakahanap ng bangka sina Simon, Daisy at ang mga Pusakal para habulin ang barko ng Presidente. Mahabol naman kaya nila ito?

At sina Joanna at Norbert naman, unti-unti nang inaayos ang kanilang relationship matapos itong masira ni Calvin

In bullet points:

- May assassination attempt na gagawin sa Presidente ng Pilipinas!

- Habang umiikot sa barko, madidiskubre nina Bantatay at ng mga bata na may masasamang loob na nagpapanggap na staff ng barko.

- Makakahanap naman ng isang bangka sina Simon, Daisy at ang kanilang mga kasama para habulin ang mga anak ni Bernard na sakay ng barko!

- Magkakaayusan naman sina Joanna at Norbert, matapos pag-awayan si Calvin. Pero paano sasabihin ni Norbert sa dalaga na hindi lang pagkakaibigan ang hanap niya dito?


February 15 (Tuesday)

It's Bantatay versus Terrorists!

Matapos makumpirma na may gusto ngang pumatay sa Presidente, hihingi ng tulong ang mga bata sa Presidental Guard na si Gary para hanapin ang mga salarin! Pero ang hindi nila alam, ito mismo ang mastermind sa likod ng assassination attempt sa pangulo!

Mapapasugod naman sina Joanna, Norbert at Mingming sa daungan matapos malaman na may bombang sumabog malapit sa barko ng Presidente! Aakalanin nilang sina Daisy ang may pakana nito!

Samantala, sina Daisy mismo ay ang nabiktima ng bomba sa tubig. Pero paano sila hihingi ng tulong mula sa mga pulis na maging sila ay tinutugis?

In bullet points:

- Malalaman na nina Marcela, Bantatay at ng mga bata na si Gary ang may pasimuno sa assassination attempt sa Presidente!

- Maghihiwa-hiwalay ang mga bata sa loob ng barko para linlangin ang mga terrorists.

- At maghaharap naman sina Gary at Bantatay sa isang showdown para iligtas ang pangulo at si Marcela!

- Makaliligtas naman sina Daisy mula sa pagsabog ng bomba sa tubig—pero kanino sila hihingi ng tulong ngayong puro pulis ang nasa tubig?

- Magkakabati naman sina Joanna at Norbert matapos ng kanilang alitan; pero mauudlot ang kanilang usapan nang malaman kung ano ang kalagayan ng mga bata sa barko!

POST