<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 5, 2011

Bantatay Highlights – February 2 to 8

SYNOPSIS

Muli nang magbabalik ang lahat ng alaala ni Marcela! Makikilala na niya sina Emily, Junix at Farrah, at matatandaan ang mga pinagdaanan mula sa pagkidnap sa kanya nina Daisy, hanggang sa mga gamot na pinaiinom sa kanya ni Simon!

Ngayong alam na ni Marcela ang lahat, number one priority na niya ang iligay sa ligtas na lugar ang mga bata. At pagkatapos ay gugustuhin na niyang ilayo si Clarita mula kay Simon. Pero hindi pa tapos ang matanda sa kanyang pag-iimbestiga. Ano pa ang malalaman ni Clarita sa mga sikreto ni Simon?

Samantala, susundan ng mga Pusakal sina Joanna, Norbert, Mingming, Artie at Lenlen para malaman ang kinaroroonan ng mga bata.

Dahil muntikan na namang matutunton ni Simon ang mga bata, magdedesisyon si Marcela na dahil ang mga ito sa bundok for a camping trip: bonding time na para sa kanilang mag-iina, makakalayo pa sila sa mga disgrasyang hated nina Simon at Daisy.

Pero sa kanilang pagdating sa Bundok Maria, may ibang panganib na nakaabang sa kanila! May isang halimaw ang gumagala sa bundok, at mukhang sila ang magiging target nito!

Gagawa ng bagong pakulo sina Daisy para matunton ang kinaroroonan ni Marcela at ng mga anak nito. At maging si Simon ay uutusan si Calvin para gamitin ang relationship nito kay Joanna para malaman kung saan nagtungo ang mga ito.

Sa gagawin ni Calvin, si Norbert pa ang mapapasama kay Joanna! Malaman naman kaya nina Joanna ang paggamit ni Calvin sa kanya bago masundan ng pahamak ang mga kaibigang bata?

At magagawa ba nina Marcela na makaalis mula sa Bundok Maria bago makuha ng halimaw ang isa sa kanila?

'Yan at marami pang pangyayari ang dapat abangan sa linggo na 'to ng Bantatay!



February 2 (Wednesday)

Naaalala na ni Marcela ang lahat!

Sa hindi inaasahang pangyayari, magbabalik ang lahat ng alaala ni Marcela! Tuwang-tuwa sina Emily, Junix at Farrah dito—pero ngayong nagbalik na ang kanilang ina sa dati, paano naman nila sasabihin ang nangyari sa kanilang ama?

Patuloy naman ang pag-imbestiga ni Clarita sa mga pinaggagawa ni Simon sa kanyang anak.

Samantala, magsasanib puwersa na ng tuluyan sina Simon, Daisy at ang mga Pusakals para mapatumba ang mga anak ni Bantatay!


February 3 (Thursday)

Alam na ni Marcela ang totoong nangyari kay Bernard!

Nabunyag na kay Marcela na patay na ang kanyang asawa; pero hindi pa magawang sabihin nina Emily, Junix at Farrah ang karugtong nito—na ang kaluluwa ng kanilang ama ay nasa katawan ni Bantay!

Habang iniisip ito ng mga bata, gugustuhin naman alamin ni Marcela kung nasaan si Clarita—at kung alam ba nito ang kahayupan na ginawa ni Simon sa kanya. Sa tulong nina Artie at Lenlen, pupunta ang pamilya ni Marcela sa bahay ni Simon para iligtas ang lola nila!

Pero hindi pa tapos si Clarita sa kanyang pag-iimbestiga kay Simon! Magagawa bang mapilit nina Marcela si Clarita na sumama na sa kanila—o sabay-sabay ba silang mahuhuli ni Simon sa loob mismo ng bahay niya?

Samantala, para malaman kung nasaan ang mga bata nagtatago, maiisip ng mga Pusakal na bumuntot kina Joanna, Norbert at Mingming! Magagawa ba ng tatlo iligaw ang mga kontrabida?


February 4 (Friday)

Malapit nang mahuli ni Simon sina Marcela at ang mga bata!

Pagkatapos magdesisyon ni Clarita na manatali muna sa bahay ni Simon, para malaman ang lahat ng katiwalian na ginawa ng inakalang kakampi, muntikan namang mahuli ng lalaki sa kanyang pamamahay sina Marcela, Emily, Junix at Farrah!

Sa tulong ng street smarts nina Artie at Lenlen, makakatakas pa ang mag-iina—pero hindi bago magkaharap nina Bantatay at Spike!

Iisipin ni Marcela na ilayo muna ang mga bata sa gulo: by going camping!

Magtutungo ang pamilya ni Marcela, with Artie and Lenlen, sa bundok para hindi sila mahanap nina Simon, Daisy at ng mga Pusakals!

Ang hindi nila alam, ibang panganib ang naghihintay sa kanila sa pagdating nila sa Bundok Maria!

Samantala, para hindi makapagsumbong sa pulis si Clarita kasama ng mga nalalaman niya tungkol kay Simon, dadalhin ito ng lalaki sa isang mental asylum at paniniwalain ang lahat na nababaliw na ang matanda!


February 7 (Monday)

Let's go camping kasama nina Marcela at ng mga bata!

Para mailayo ang mga anak sa panganib na dala nina Simon at Daisy, nagdesisyon si Marcela na mag-camping sa Bundok Maria! Pero sa kanilang pagdating sa bundok, may magpapayo sa kanila na umalis na lang—dahil may gumagala raw na aswang sa bundok!

Hindi man maniniwala sa simula sina Marcela, magbabago naman ang isip nila matapos makakita ng isang giant footprint—at matapos guluhin ang kampo nila ng sumapit ang gabi!

Totoo nga kaya ang halimaw na gumagala sa bundok?

Samantala, gagamitin naman ni Simon ang relationship nina Joanna at Calvin para malaman kung saan nagpunta sina Marcela at ang mga bata. Habang may bagong pakulo na naman sina Daisy malaman ang kinaroroonan ng mga bata!


February 8 (Tuesday)

May aswang sa Bundok Maria!

Nang guluhin ng halimaw ang campsite nina Marcela, nagdesisyon na ito na iuuwi na ang mga bata. Pero naiwan ni Artie ang susi ng kanilang sasakyan. Nang balikan nina Artie at Emily ang susi, sila naman ang hindi na bumalik kina Marcela!

Pero siyempre hindi papayag si Marcela na mawalan ng isa sa kanyang mga anak!

Hahanapin nina Marcela, Junix at Bantatay ang nawawalang mga kasama. Ang hindi nila alam, bukod sa halimaw ay may isa pa silang kailangan bantayan: ang tiyuhin ni Joanna na si Rigor!

Maipaparating ni Calvin kay Simon ang kinaroroonan ng mga bata, at bi-biyahe na ito kasama nina Daisy at ng mga Pusakal pasunod ng Bundok Maria—at ang unang stop nila? Ang bahay kung saan naiwan sina Farrah at Lenlen!

Samantala, dahil sa ginawa ni Calvin ay lalong tumindi ang hindi pagkakaunawaan nina Joanna at Norbert. Ito na ba ang katapusan ng pagiging magkaibigan nila?

POST