<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 5, 2011

Dwarfina Highlights – January 31 to February 4

Monday (January 31)

Napatakbo ang caretaker nang makita niya si Dwarfina na isang duwende. Tuwa si Dwarfina dahil kahit papaano ay natulungan niya si Lyndon. Inikot ni Lyndon ang dati nilang bahay. Napuno siya ng mga ala-ala at naikwento niya kay Buddya ng pinagdaanan ng pamilya niya at kung paano siya napunta sa lansangan. Habang pinapakinggan ni Dwarfina ang kwento ni Lyndon, may naalala din siyang mga bagay pero hindi niya matukoy. Naawa si Dwarfina kay Lyndon sa sinapit ng buhay niya.

Samantala, muntik na mahuli ni Abiana si Duwentukin na nagpapanggap na Dwarfina pero nabuking din siya ni Gwendina. Naki-usap na lang si Duwentukin na huwag sabihin ang totoo sa hari at reyna na nawawala si Dwarfina dahil kagagalitan nila si Elvin. Hinahanap naman ni Elvin si Dwarfina.

Dala ang mga bubuyog, natunton ni Elvin si Dwarfina pero hinabol naman ng mga bubuyog si Buddy at Lyndon. Muntik nang mabagsakan ng kisame si Lyndon at Buddy dahil sa pagtakbo mula sa mga bubuyog. Itinaas ni Dwarfina ang kamay niya at lumipad ang kisame palayo para hindi bumagsak kila Lyndon. Gulat si Lyndon at Buddy.
Napatakbo ang caretaker nang makita niya si Dwarfina na isang duwende. Tuwa si Dwarfina dahil kahit papaano ay natulungan niya si Lyndon. Inikot ni Lyndon ang dati nilang bahay. Napuno siya ng mga ala-ala sa mga nakita niya—ang dating bahay ni Yna, ang batong buhay na pamato. Naikwento niya kay Buddy ang pinagdaanan ng pamilya niya at kung paano siya napunta sa lansangan. Habang pinapakinggan ni Dwarfina ang kwento ni Lyndon, may naalala din siyang mga bagay pero hindi niya matukoy. Naawa si Dwarfina kay Lyndon sa sinapit ng buhay niya.

Samantala, muntik na mahuli ni Abiana si Duwentukin na nagpapanggap na Dwarfina pero nabuking din siya ni Gwendina. Naki-usap na lang si Duwentukin na huwag sabihin ang totoo sa hari at reyna na nawawala si Dwarfina dahil kagagalitan nila si Elvin. Hinahanap naman ni Elvin si Dwarfina.

Dala ang mga bubuyog, natunton ni Elvin si Dwarfina pero hinabol naman ng mga bubuyog si Buddy at Lyndon. Muntik nang mabagsakan ng kisame si Lyndon at Buddy dahil sa pagtakbo mula sa mga bubuyog. Itinaas ni Dwarfina ang kamay niya at lumipad ang kisame palayo para hindi bumagsak kila Lyndon. Gulat si Lyndon at Buddy.


Tuesday (February 1)

Gulat si Buddy at Lyndon na biglang lumipad ang babagsak na kisame sa kanila. Tuwa naman si Dwarfina dahil sa wakas may powers na din siya pero hindi niya alam na si Elvin pala ang may kagagawan noon. Pinilit na ni Elvin si Dwarfina na bumalik sa punso dahil hinahanap na siya doon. Pero bago siya umalsi ay kinuha ni Dwarfina ang batong pamato ni Lyndon noon.

Nahuli at pinalayas si Buddy at Lyndon sa bahay na iyon. Nangako si Lyndon sa sarili na magpapayaman siya para mabili niya ang dati nilang bahay.

Pag-uwi sa Maynila, nakita na muli ni Lyndon si Marissa pero hindi siya namukhaan nito. Iniwas ni Lucille si Lyndon na makilala ni Marissa. Pansin ni Marissa na close si Lucille sa driver ng kumpanya nila. Until dumating si Lucille sa bahay nila Lyndo at niyaya niya itong lumabas. Hindi naman makasagot si Lyndon kay Lucille.

Nabuking naman ni Abiana ang scheme ni Duwentukin na magpanggap na Dwarfina. Nang magbalik si Dwarfina sa palasyo, pinagtakpan siya ni Gwendina para hindi siya mapagalitan ng hari at reyna. Umpisa na magpanggap na mabait si Gwendina kay Dwarfina.

Niregaluhan ni Elvin si Dwarfina ng isang fishda, isang maliit na creature sa mundo ng mga duwende na pwedeng maging pet ni Dwarfina. Nais kasi ni Elvin magtapat ng pag-ibig kay Dwarfina pero nang gawin niya iyon ay biglang nahimatay si Dwarfina. Nilagyan siya ng spell ni Gwendina.


Wednesday (February 2)

Naudlot ang pagtatapat ni Elvin kay Dwarfina. Alalasila Abiana at Calixto dahil may dumapong kakaibang sakit kay Dwarfina. Habang abala ang lahat sa paghahanap ng lunas sa sakit ni Dwarfina, nakagawa ng paraan si Gwendina para makuha ang isang bolang kristal mula sa silid ng sikreto.

Pinagaling ni Gwendina si Dwarfina. Naipagtapat ni Dwarfina kay Gwendina na umiibig siya sa isang taong nakita niya sa labas. Nasabi rin ni Gwendina kay Dwarfina na umiibig siya kay Elvin kaya nangako si Dwarfina na tutulungan niya ito sa kaibigan niya.

Nafru-frustrate naman si Dwarfina dahil hindi na naman gumagana ang powers niya. Gusto niyang magka-powers na para mabigyan siya ng sarili niyang magic sombrero at makita muli si Lyndon sa labas ng punso.

Samantala, pumayag nang lumabas si Lyndon kasama si Lucille. Nang ihatid niya si Lucille sa bahay ay hinalikan ni Lucille si Lyndon. Nakita iyon ni Marissa at pinagalitan si Lyndon pero hindi pa rin niya ito nakilala na dating kababata nila Lucille.

Nakausap muli ni Gwendina si Romera sa apoy at pinakita niya dito ang nakuha niyang bolang Kristal mula sa silid ng sikreto. Saktong papasok naman si Dwarfina sa silid ni Gwendina, mahuhuli kaya ni Dwarfina si Gwendina na kausap si Romera?



Thursday (February 3)

Uutusan ni Romera si Gwendina na dalhin sa kadiliman ang bolang kristal na nakuha niya. Nang dumating si Dwarfina ay makikita niya si Gwendina na kausap ang apoy. Magpapalusot si Gwendina.

Pinuntahan muli ni Dwarfina si Elvin para magpasama siyang lumabas sa punso at puntahan si Lyndon. Hindi na pumayag si Elvin pero nangako si Dwarfina na may ipagtatapat siya kay Elvin na alam niyang ikatutuwa nito. Kaya napapayag si Elvin sa gusto ni Dwarfina. Nang makalabas sila ng punso ay inamin ni Dwarfina kay Elvin na may gusto si Gwendina sa kanya.

Pinuntahan ni Gwendina sila Romera pero mali ang bolang Kristal na dinala niya doon. Bolang Kristal ng mga ala-ala ni Yna ang nadala ni Gwendina imbes na ang kapangyarihan nila Romera at Hulyano.

Bumiyahe muli sa dating probinsiya si Lyndon at pinuntahan niya ulit doon ang dati nilang bahay. Nakita niya na sisirain na ang lumang doll house ni Yna kaya ninakaw niya ito. Nahuli muli si Lyndon at binugbog ng mga tauhan ng caretaker.

Naabutan ni Dwarfina na binubugbog si Lyndon. Ginamit niya ang powers niya pero nahuli niya na si Elvin pala ang may pakana ng powers niya at wala talaga siyang kapangyarihan. Natanggal ang sombrero ni Dwarfina at nakita siya ng mga nambubogbog kay Lyndon kaya nagtakbuhan sila. Unconscious si Lyndon kaya sinamahan ni Dwarfina ang lalake hanggang sa magising ito. Soon ay magpapaalam na si Dwarfina kay Lyndon at sakto namang didilat si Lyndon para makita si Dwarfina. Makikilala niya kaya si Dwarfina?

Nabalitaang nawawala muli si Dwarfina at Elvin sa palasyo. Nag-aalala na si Abiana at Calixto dahil pilit na lumalabas ng punso si Dwarfina. Gulat naman si Gwendina nang marinig niya mula kay Nuno Umberto na tao si Dwarfina at hindi talaga totoong duwende.



Friday (February 4)

Nagising si Lyndon at nakita niya si Dwarfina sa kanyang dibdib, inakala niyang ito ang kaibigan niyang si Yna at humingi siya ng tawad dito. aantig naman si Dwarfina at naiwan siyang nagtataka kung sino ba si ‘YNA’ ni Lyndon.
Pag-uwi nina Dwarfina at Elvin sa palasyo, nalaman na pala nila Calixto, Abiana, at Nuno Umberto na wala ang Prinsesa sa palasyo. Sa galit ni Calixto nang matuklasan mula kay Elvin na lumabas sila ng punso, ikukulong si Dwarfina sa kanyang kwarto at pagbabawalan naman si Elvin na lumapit pa sa kanya.

Sa kabilang banda, pabor naman kay Gwendina ang pagbabalik ni Dwarfina sa mundo ng mga duwende dahil handa na siyang isiwalat ang sikretong hindi tunay na duwende si Dwarfina, pero hindi siya makakita ng paraan para ibalik ang alaala ni Dwarfina nang pagiging tao.

Dahil din kay Gwendina, iisipin ni Dwarfina na hindi siya inagkakatiwalaan ng kanyang mga magulang kaya kinukulong siya ng mga ito. Mag-isang tatakas na lang si Dwarfina mula sa punso para patunayang kaya niya ang sarili niya. Hindi siya mapipigilan maging ni Elvin.

POST