<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 20, 2010

GRAZILDA Week 15 highlights - Dec 20 to 24

Day 1

• Ililigtas ni Fairy Godmother sina Grazilda at Eric laban kay Fabiola.
• Masisiraan ng bait si Veronne dahil sa nakita niyang kapangyarihan ni Fabiola. Hindi siya makapaniwala na mayroon talagang powers ito.
• Ipagtatapat ni Grazilda kay Eric ang totoo – na galing talaga siya sa Fantasya!
• Lalayo si Eric kay Grazilda dahil hindi niya akalain na magkaiba pala talaga sila ng mundo ni Grazilda.
• Malulungkot si Grazilda sa desisyon ni Eric.
• Muling mapapahamak si Grazilda. Darating si Kasmir para iligtas siya.

Grazilda Week 14 Highlights

Day 2

• Maiisip ni Eric na hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Grazilda kaya babalikan niya ito. Mas pipiliin niya na sumama kay Grazilda kaysa maiwan na mag-isa.
• Magkukunwari si Veronne na may sakit para hindi sila iwanan ni Fernando.
• Pipiliin naman ni Fernando na manatili sa mundo kaysa bumalik ng Fantasya.
• Makakaligtas si Grazilda mula kay Fabiola.
• Magpro-propose si Kasmir kay Grazilda. Sana ay siya raw ang piliin nito kaysa kay Eric!

Day 3

• Hindi makapagdecide si Grazilda sa proposal ni Kasmir.
• Gusto sana sumama ni Fernando kina Grazilda at Matilda pero hindi siya makaalis dahil kay Veronne.
• Matutuwa si Kasmir dahil siya ang pinili ni Grazilda.
• Babalik na sana si Grazilda sa Fantasya para labanan si Fabiola pero hindi niya rin matiis si Eric kaya mas pipiliin niya ito.

Day 4

• Magagalit si Kasmir kay Grazilda dahil hindi siya ang mahal nito.
• Masayang-masaya si Eric dahil siya ang pinili ni Grazilda na makasama.
• Mapapahamak si Kasmir.
• Tuloy pa rin ang pagkukunwari ni Veronne para makuha ang loob ni Fernando.
• Muling lalakas si Fabiola at gagantihan niya si Grazilda. And this time, wala si Kasmir para iligtas siya.
• Magawa kaya ni Eric na iligtas si Grazilda laban sa kapangyarihan ni Fabiola?

Day 5

• Makakalusot sina Eric at Grazilda sa pakana ni Fabiola.
• Muntik nang mamatay si Kasmir pero tutulungan siya ni Fabiola.
• Gagamitin ni Fabiola ang sama ng loob ni Kasmir para lalo itong magalit kay Grazilda.
• Papasok na sana ng lagusan sina Matilda at Fairy Godmother pabalik ng Fantasya pero malalaman nila na nagkakagulo na naman dahil kay Fabiola.
• Bibigyan ni Fabiola ng powers si Kasmir!
• Susugurin ni Kasmir sina Grazilda at Eric. Titilapon si Eric at mawawalan ng malay!
• Paano na ngayon si Grazilda?! Makaligtas pa rin kaya siya?!

Grazilda Week 14 Highlights

POST