<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 20, 2010

Beauty Queen Week 10 Highlights – December 20 to 24

Monday (December 20)

Hindi papayag si Maita sa kasunduang hinain ni Donald. Susubukan pa rin ni Maita na tumakas. Bago pa man niya ito magawang muli ay mapag-iisip siya matapos marinig ang pag-uusap ni Milo at Donald. Kakagat na kaya si Maita sa kasunduan?

May mabubuong plano si Maita. Sasakyan ni Maita ang laro ni Donald. Papayag na si Maita na magpakasal kay Donald.

Samantala nagluluksa naman ang mga Rivas sa pagkamatay ni Rebecca. Higit ang kalungkutan ni Leavida sa lahat. Gustuhin man ni Marc na makiramay ay papaalisin siya ni Leavida.

Beauty Queen Week 9 Highlights December 13 to 17


Tuesday (December 21)

Hindi man nagkita sila Marc at Maita ay tuluyan namang nagkrus ang landas nila Marc at Donald. Mabunyag na kaya kay Marc ang lihim ni Donald na matagal na niyang tinatago?

Muling makakalusot si Donald kay Marc pero wala na siyang sasayanging panahon. Bago pa man tuluyang magkita si Marc at Maita. Donald formalizes the wedding proposal to Maita with an ex-deal na pagagandahin niya ito. Wala namang magagawa si Maita as she accepts Donald’s proposal feeling defeated.

Samantala, Marc is still disturbed with the possibility that Maita is still alive. Marc finally decides to go abroad with Yuri to once and for all move on from the haunting memories of Maita.

Hindi magtatagal ay makakarating kay Maita ang balita ng pangingibang bansa ni Marc. Gagawin niya ang lahat ng paraan para makita si Marc bago pa mahuli ang lahat pero hindi rin hahayaan ni Donald na mangyari ito.


Wednesday (December 22)

Bigong muli si Maita na makaalis sa mansion ni Donald. Hindi pa rin siya sumuko. Nakakuha siya ng tiyempo upang tumawag sa bahay nila Marc. Maabutan pa kaya niya si Marc bago pa ito makaalis ng bansa?

Iiyak na lamang si Maita matapos matanggap na hindi na niya makikita si Marc bago pa ito umalis ng bansa. Mas maiintindihan ni Maita ang pakay ni Donald matapos ipaliwanag ni Cita ang tungkol kay Jessica. Yayayain ni Donald si Maita para sa isang sorpresa. Sasama si Maita kay Donald, having no idea of what he is up to this time.

Samantala, maagang makakabalik si Marc sa Pilipinas matapos ang knee injury ng ina. Lingid sa kaalaman ni Maita ang biglaang desisyon na ito. May pag-asa pa kayang magkita silang muli ni Maita?

Pupuntahan nila Donald at Maita ang isang hindi pamilyar na kalye. Maita is surprised to see Amparo and Anya living a new life now.

Hindi makakatiis si Maita na hindi makausap sila Amparo at Anya. Magpupumiglas siya kay Donald at tatakbo patungo sa carinderia nila Amparo at Anya. Magtagumpay na kaya si Maita this time?

Thursday (December 23)

Mapipigilan ni Donald si Maita na tuluyan nang i-expose ang sarili sa pamilya niya. Samantala magkikita sila Marc at Dorcas sa ospital dahil sa pagaasikaso ng dalawa sa kanilang mga ina. Malalaman ni Marc ang tungkol sa lumalalang kalagayan ni Leavida. Maaawa si Marc sa concern ni Dorcas sa ina at mayayakap niya ang dalaga.

Natuloy nga ang pagsali ni Leavida sa Mrs. Beautiful pageant inspite of her mental condition and depression sa pagkamatay ni Rebecca. Leavida sabotages other contestants to assure na mananalo sa pageant na ito.

Sa ospital, Yuri sees Marc with Dorcas at hindi niya ito magugustuhan. Itataboy ni Yuri si Dorcas at hahayaan lang ni Dorcas na gawin ito sa kanya ni Yuri. Maaawa si Marc sa dalaga at lalong makikita ang kabaitan nito.

Dorcas and Steff are anticipating the results of the Mrs. Beautiful pageant. They feel na malakas ang laban ni Leavida. Makakatanggap si Dorcas ng boquet of flowers galing kay Marc to apologize sa ginawa ni Yuri sa kanya. Kilig si Dorcas sa effort na ito.

Maita learns Donald’s effort upang tulungan ang pamilya niya. Lalambot ang puso niya kay Donald. Yayayain na ni Donald si Maita na mangibang bansa at duon ituloy ang operasyon sa kanyang mukha at magpakasal.

Nagpunta sa ospital sila Donald at Maita bago tuluyang umalis ng bansa upang ipatingin ang nasunog na mukha ni Maita. Nasa parehong ospital din sila Marc at Dorcas na parehong inaasikaso ang kalagayan ng ina. Magkrus na kaya ang mga landas nila?



Friday (December 24)

Bago umalis ng bansa sila Maita ay dadalawin niya sila Amparo at Anya. Ipapangako niya sa sarili na muli siyang magbabalik sa tamang panahon at magkakasama din silang muli. Tulyan na ngang sumama sa Maita kay Donald patungong ibang bansa.

Madaling lilipas ang panahon at magpapatuloy ang buhay nilang lahat. Lumago na nga ang karinderia business nila Amparo at Anya. Hindi pa rin maaalis ni Dante si Maita sa kanyang isipan matapos ang matagal na panahon. Si Marc naman ay unti-unti nang nakakamove-on sa tulong ni Dorcas.

Nagiging mas malapit na nga si Dorcas kay Yuri. Matutuwa naman si Marc sa development ng relationship ng dalawa. Mukhang magtatagumpay na nga si Dorcas na makuha ang loob hindi lang ni Marc kundi pati na rin si Yuri.

Hindi na rin mapipigilan ni Marc ang damdaming nagsisimula para kay Dorcas. With Marc’s longingness for Maita na naibubuhos niya kay Dorcas ay mauuwi na nga sa halikan sila Dorcas at Marc.

Hindi magtatagal ay magiging official na nga ang relationship nila Dorcas at Marc. Kasabay naman nito ay ang pagbabalik ng nag-iisang Beauty Queen. Wala na ang pilat sa kanyang mukha subalit sariwa pa din ang sugat sa kanyang puso. Maita is back!

Beauty Queen Week 9 Highlights December 13 to 17

POST