<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 30, 2010

Bantatay Week 14 Highlights – December 24 to 30

Overview

Masayang-masaya ang mga bata sa pagtupad ng kanilang Christmas wish—ang makasamang muli ang kanilang ina. Pero bakit si Marcela hindi masaya? Hindi kakayanin ni Marcela ang mga alaalang nagpupumilit bumalik sa kanyang utak, at tatakbuhan niya ang mga bata—isang bagay na maglalagay sa kanya sa panganib!

Sa paghabol kay Marcela, maaaksidente rin si Junix. Imbis na tuluyang maging masaya ang kanilang Pasko, tila lalo itong naging malungkot.

Pero ngayong alam na ng mga bata at ni Bernard na buhay si Marcela, at na may nangyari sa mga alaala nito, hindi na sila titigil pa sa paghahanap nito!

May makakakilala kay Marcela matapos itong isugod sa ospital, at matutunton na siya ni Simon. Pero sa pagdating ni Simon, nanumbalik na ang tunay na Marcela—at hindi gagawin niya ang lahat para mabalikan ang kanyang pamilya!

Samantala, ang mga bata naman ay patuloy sa paghahanap. Sa tulong nina Norbert, Mingming, Artie at Lenlen, makakahanap ng lead ang mga bata para malaman kung saan na tumutuloy si Marcela. Pero mahahanap na ba nila ito?

Si Simon, hahanap ulit ng paraan para mawala ang alaala ni Marcela sa mga bata—pero hanggang saan ang kaya niyang gawin para lang mapanatili si Marcela sa kanyang poder?

Habang nangyayari ang lahat, patuloy naman ang pag-usbong ng pagmamahalan nina Joanna at Calvin. Ngunit paano pagsasabayin ni Joanna ang kanyang love life at ang kanyang responsibilidad kina Bernard at sa mga bata? May responsibilidad nga ba siya sa mga ito? Ano ang pipiliin ni Joanna: ang kanyang nahanap na pamilya o ang kanyang natagpuang pag-ibig?


December 24 (Friday)

Nayakap nang muli nina Emily, Junix at Farrah si Marcela!

Sabay-sabay na manunumbalik ang mga alaala ni Marcela, na siyang magiging dahilan para ito'y maguluhan at lalong matakot. At bago pa siya makausap ng mga bata, pipiliin ni Marcela na takbuhan ang mga nanggugulo sa kanyang isipan!

Malalagay sa peligro ang buhay ni Marcela sa kalsada; at sa paghabol sa kanilang ina, madi-disgrasya rin si Junix!

At habang nawawalan na ng pag-asa ang mga bata na mabuo pa ang pamilya nila; unti-unti namang babalik sa katinuan si Marcela!


December 27 (Monday)

May idea si Mingming para matunton ang kinaroroonan ni Marcela!

Habang palapit na ng palapit ang bagong taon, pilit ipaiintindi ni Emily kay Junix na hindi magagawa ni Marcela na talikuran silang magkakapatid kung nasa tamang katinuan ito. Pero ipipilit rin ni Junix sa sarili na huwag nang isipin ang ina.

Samantala, susubukan naman ni Marcela ipaalam kay Clarita ang masamang balak ni Simon—habang nag-iisip si Simon ng bagong paraan para tuluyan nang mawala ang nakaraan ni Marcela. Sino sa kanilang dalawa ang magtatagumpay?


December 28 (Tuesday)

Kailangan nang mamili ni Joanna: ang inakong responsibilidad kina Bernard—o ang pag-ibig nila ni Calvin!

Nawawala na ang pag-asa nina Emily, Junix at Farrah na mahanap pa ang kanilang ina. Isang bagay na hindi hahayaan ni Bernard mangyari. At para makausap ang mga anak, kailangan niya lagi sa tabi niya si Joanna. Pero paano naman ang sariling buhay ni Joanna? Lalo pa't may nobyo na ito sa katauhan ni Calvin?

Aaminin na ni Junix na kaya siya nagagalit ay dahil hindi pa rin niya maialis sa sarili ang pagmamahal sa ina—kahit na tinalikuran na sila nito.

Sa patuloy na paglungkot ng mga tao sa bahay, maghahanap ng paraan sina Lenlen at Farrah para pasiyahin ang mga ito.

Samantala, maiisip naman ni Clarita na humanap ng second opinion tungkol sa karamdaman ni Marcela. Pero magawa ba niya ito bago matapos ni Simon ang binabalak nito kay Marcela?

December 29 (Wednesday)

Isang explosive na Bagong Taon ang naghihintay kay Bantatay at sa mga anak nito!

Para mapaligaya ang mga kapatid at si Bantatay, sasama si Farrah kay Lenlen papunta sa bilihan ng mga paputok! Pero imbis na makatulong, magiging sanhi pa ang dalawa ng malaking gulo; lalo pa't walang nakakaalam kung saan sila nagpunta!

Dahil sa away nina Bantatay at Joanna, pipiliin ng huli na sumama sa nobyong si Calvin. Mauuwi tuloy na sina Bantatay, Emily at Artie ang maiiwan para maghanap kina Farrah at Lenlen!

Samantala, matapos magtagumpay sa ginawang operasyon kay Marcela, pipiliin ni Simon na ilayo na lang muna ito papunta sa kanilang rest house.

At sa hindi sinasadyang pagkakataon, may makikilala sina Norbert at Mingming na pwedeng makatulong sa paghahanap sa kinaroroonan ni Marcela!


December 30 (Thursday)

Trapped sina Lenlen at Farrah sa loob ng bodega ng paputok—at may sunog na kumakalat!

Matutunton na nina Bantatay, Artie at Emily ang kinaroroonan nina Farrah at Lenlen—pero paano nila ililigtas ito mula sa nasusunog na bodega ng mga paputok?

Ibang pasabog naman ang malalaman nina Mingming at Norbert matapos nilang madiskubre ang kinaroroonan ni Marcela—at ang bagong buhay nito kasama ni Simon!

Magdedesisyon si Joanna na sumama kay Calvin para makilala na ang pamilya ng nobyo—makikilala na rin ba niya si Marcela?

At may bibista kina Daisy sa preso para bigyan sila ng pag-asa na nalalapit na ang kanilang paglaya!

Bantatay Week 13 Highlights – December 17 to 23

POST