<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 30, 2010

Beauty Queen Week 11 Highlights – December 27 to 31

Monday (DECEMBER 27, 2010)
Bago umalis ng bansa sila Maita ay dadalawin niya sila Amparo at Anya. Ipapangako niya sa sarili na muli siyang magbabalik sa tamang panahon at magkakasama din silang muli. Tulyan na ngang sumama sa Maita kay Donald patungong ibang bansa.

Madaling lilipas ang panahon at magpapatuloy ang buhay nilang lahat. Lumago na nga ang karinderia business nila Amparo at Anya. Hindi pa rin maaalis ni Dante si Maita sa kanyang isipan matapos ang matagal na panahon. Si Marc naman ay unti-unti nang nakakamove-on sa tulong ni Dorcas.

Beauty Queen Week 10 Highlights – December 20 to 24

Tuesday (DECEMBER 28, 2010)

Nagiging mas malapit na nga si Dorcas kay Yuri. Matutuwa naman si Marc sa development ng relationship ng dalawa. Mukhang magtatagumpay na nga si Dorcas na makuha ang loob hindi lang ni Marc kundi pati na rin si Yuri.

Hindi na rin mapipigilan ni Marc ang damdaming nagsisimula para kay Dorcas. With Marc’s longingness for Maita na naibubuhos niya kay Dorcas ay mauuwi na nga sa halikan sila Dorcas at Marc.

Hindi magtatagal ay magiging official na nga ang relationship nila Dorcas at Marc. Kasabay naman nito ay ang pagbabalik ng nag-iisang Beauty Queen. Wala na ang pilat sa kanyang mukha subalit sariwa pa din ang sugat sa kanyang puso. Maita is back!

Wednesday (DECEMBER 29, 2010)

Matapos malaman ni Maita na magpapakasal na si Marc kay Dorcas, ay muli niyang gugustuhing tumakas. Muli namang maghihigpit si Donald kay Maita upang siguradong hindi makaalis at makapunta kay Marc.
Susubukang tawagan ni Maita ang bahay ni Marc. Bago pa man masagot ni Marc ang telepono ay mahuhuli siya ni Donald. Bigo na naman si Maita.

Donald confronts Maita sa pagtakas nito sa kanya. Iiyak si Donald sa harap ni Maita sa frustration niya dahil matapos ang lahat ng ginawa niya hindi pa rin siya magawang mahalin ni Maita. Maaawa si Maita kay Donald at mangangako na hindi na gagawa ng paraan upang makita at makontak si Marc.

Anya will suffer a mild stroke. Malalaman ito ni Donald at tutulungan ang pamilya ng mahal niyang si Maita. Magpapakilala si Donald kay Amparo. Malaki namang palaisipan kay Amparo kung sino si Donald at bakit sila tinutulungan nito.

Sa wakas ay ipapakita na ni Donald si Maita sa kanyang pamilya. Gimbal naman si Amparo matapos makita si Maita na buhay!

Thursday (DECEMBER 30, 2010)

Masaya si Amparo na muling makita si Maita. Sasagutin ni Donald ang mga katanungan niya kung ano ang nangyari sa anak. Gagawa ng storya si Donald at palalabasin na buong puso niyang tinulungan si Maita. Madali namang maniniwala si Amparo at mapapalapit ang loob kay Donald. Hindi magugustuhan ni Maita ang pagsisinungaling na ito.

Bago pa man maitama ni Maita ang mga maling sinabi ni Donald ay uunahan na siya nito. Lalasunin ni Donald ang utak ni Amparo at sasabihing nagkaroon ng sakit si Maita sa pag-iisip kaya maaring may masabi siya na hindi kaaya-aya. Gulat si Amparo sa narinig.

Maniniwala si Amparo kay Donald kaya nang pasinungalingan ni Maita ang statement ni Donald ay matibay na ang paniniwala ni Amparo. Hindi maniniwala si Amparo kay Maita at para sa kanya ay mabuting tao si Donald!

Magkakaroon ng pagkakataon si Maita na humarap sa camera. Maita will grab this opportunity to tell the world and Marc that she is alive!

Hindi nga mabibigo si Maita. Mabilis na malalaman ni Dorcas ang balita. Shock siya dahil buhay pa si Maita!

Friday (DECEMBER 31, 2010)

Mawawalay sa paningin ni Donald at Milo si Maita dahil dito magkakaroon din ng chance si Maita para makatakas sa kanila. Isang lalaki ang hahatak kay Maita upang tulungan siyang makatakas. Si Dante!

Tagumpay nga ang ginawa ni Maita na ipaalam sa lahat na buhay siya. Sa wakas ay makakatagpo siya ng kakampi sa piling ng kaibigan niyang si Dante.

Samantala, matapos malaman ni Dorcas na buhay pa si Maita ay aatatin niya si Marc na magpakasal. Alam kasi nI Dorcas na kapag nalaman ni Marc na buhay si Maita ay iiwan siya nito.

Galit na galit naman si Donald dahil tuluyan na ngang nawala si Maita sa kanila. Malalaman ni Amparo ang pagkawala ni Maita at tutulungan niya si Donald upang hanapin si Maita.

Tatawagan ni Dante si Aling Amparo upang hindi ito mag-alala kay Maita. Matapos malaman ni Amparo ang kinaroroonan nila ay sasabihin niya ito kay Donald upang bawiin nila si Maita.

Beauty Queen Week 10 Highlights – December 20 to 24

POST