<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 30, 2010

Bantatay Week 15 Highlights – December 31 to January 6

SYNOPSIS

Alam na ni Joanna kung nasaan si Marcela! Pero bakit hindi nagtutugma ang kuwento nina Emily tungkol sa kanilang ina, at ang kuwento nina Calvin tungkol sa pinanggalingan ni Marcela?

Magdedesisyon si Joanna na itago muna ang kanyang nalalaman habang inaalam niya kung ano ba talaga ang nangyari kay Marcela matapos nitong mawala sa buhay nina Emily, Junix at Farrah. At magtataka siya kung bakit parang itinatago ng lahat ang tunay na pagkatao ni Marcela.

Malalaman naman nina Bernard ang kinaroroonan nina Marcela sa pagbuking ni Mingming sa sikreto ni Joanna! Susunod sina Bernard at ang mga bata patungong Subic kung saan nag-bagong taon sina Simon.

Ang hindi alam nina Bernard at ng mga bata, nagpadala na ng mga tauhan si Simon para patumbahin ang mga bata—at para siguraduhin na hindi na magugulo muli nina Emily ang buhay na ginawa niya para kay Marcela.

Ganoon pa man, matatagpuan pa rin nina Emily ang kanilang ina! Magkakaroon na rin ng bagong kakampi ang mga bata!

Pero hindi pa sumusuko si Simon. Muli niyang uutusan ang mga alagad niyang mailagay ang mga bata sa tiyak na kamatayan. At ngayon, sisiguraduhin niya mismo na hindi papalpak ang mga utusan niya.

Samantala, matapos malaman nina Daisy ang nangyari kay Princess, magdedesisyon silang tumakas mula sa preso—para makasama ang anak, at para habulin muli sina Emily—at ngayon, hindi na lotto ticket ang habol nila sa mga bata, kundi ang buhay ng mga ito!

Bantatay Week 14 Highlights – December 24 to 30


December 31 (Friday)

Natagpuan na ni Joanna si Marcela!

Pero imbis na matuwa at agad tawagan ang mga bata, may mapapansin si Joanna na kakaiba sa ikinikilos ni Marcela. Pipiliin niyang usisain muna kung ano ang nangyari kay Marcela; at sasabihan niya si Mingming na 'wag munang ipaalam kina Emily, Junix at Farrah ang nangyari sa ina.

Sa pagpupumilit ni Norbert, malalaman niya na nasa Subic na sina Joanna, at ang pamilya ni Calvin. Uusisain niya ito, kaya malalaman na rin ng mga bata kung nasaan si Marcela!

Iiral ang pagkaselos kay Calvin, lalo pa't makikita niyang kausap ni Joanna si Norbert sa telepono.

At maghihinala naman si Simon sa mga tanong ni Joanna. Kaya gagawa na siya ng hakbang na mawala sa landas niya ang mga bata—sa pamamagitan ng mga Pusakals.


January 3 (Monday)

Magsisimula na ang Subic Adventures ng Bantatay!

Mapipilit nina Emily, Junix at Farrah sina Norbert at Mingming para sumunod na sa Subic! Pero pagdating doon, at saka lang nila mare-realize na kulang ang dala nilang pera—paano pa nila susundan si Marcela at Joanna?

Susubukan ni Norbert alamin ang kinaroroonan nina Joanna, pero haharangin ni Calvin ang mga tawag niya.

Hihingi ng tulong si Bantatay sa mga dolphins para alamin ang kinaroroonan ng asawa. At makakabangga naman nina Emily si Anne! Magtatagpo na bang muli ang landas nina Marcela at ng mga bata?


January 4 (Tuesday)

May makakaalam na ng katotohanan tungkol kina Emily, Farrah at Junix!

Makikita na ni Bantatay si Marcela, pero agad naman itong mailalayo ni Simon! Pero dahil sa paghaharap nina Norbert at Calvin, malalaman na ng mga bata kung saan tumutuloy ang pamilya ni Simon.

Alam na rin ni Simon na nakasunod na ang mga bata sa Subic, kaya't pasusunurin na rin niya ang mga Pusakals para patumbahin na ng tuluyan ang mga bata. Ang kaso, imbis na mapatumba ang mga bata—lalo lang nila itong maitutulak papunta kay Marcela!

Magkakasama na sa wakas si Marcela at ang mga anak niya! Pero matatanggap ba nina Emily, Junix at Farrah ang bagong kalagayan ng ina?

At sa tulong ng kakulitan ni Lenlen, magkakaroon ng bagong kakampi ang mga bata!


January 5 (Wednesday)

Isang 'di malilimutang araw ang naghihintay kina Emily, Junix at Farrah sa Zoobic Safari!

Para mahulog ang loob ni Marcela sa mga bata, gagawa ng paraan si Clarita para makasunod kina Simon ang mga ito. Pero sa kanilang pagdating sa Zoobic Safari, nakaabang na ang mga Pusakals para ituloy ang kanilang plano na patumbahin ang mga bata! At this time, may naisip silang plano na makasisigurong hindi na makaliligtas ang mga bata!

Samantala, patuloy naman ang pagseselos ni Calvin—kaya maiisipan ni Joanna na mapag-isa muna at samahan ang mga bata. Pero anong mga bata ang sasamahan niya kung mahuli na ito ng mga Pusakals?

Sa kulungan naman, malalaman na nina Daisy na walang pag-asa na makalaya pa sila!


January 6 (Thursday)

Palapit na ng palapit ang mga bata kay Marcela!

Dahil sa paglalagala ng tulalang si Marcela, mahahanap agad sina Emily, Junix at Farrah sa loob ng Tigers' Cage—kaya naman agad rin silang maililigtas ni Bantatay!

Magtatalo sina Clarita at Simon sa pangangalaga kay Marcela, pero mapipilit rin ng nakatatanda na makatutulong ang exposure ni Marcela kina Emily para gumaling ito sa kanyang karamdaman. Pero, siyempre, hindi makapapayag si Simon!

Gagawa ng bagong plano si Simon para malagay sa panganib ang mga bata—pero sa kaguluhan na mangyayari, si Marcela pa ang madidisgrasya!

Samantala, sa tulong ni Princess ay makakatakas na sina Daisy mula sa kulungan!

POST