<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 14, 2010

Star Power 15 Handang-Handa na para sa mas pinatinding showdown

Matapos ang makapigil-hiningang elimination…

Nagpaalam na sa Star Power noong nakaraang Linggo ang finalists na sina Rheena, Camille, Glaiza, Cristelle at Jizelle. Bagaman hindi na sila magpapatuloy sa kauna-unahang Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar, payo ni Megastar Sharon Cuneta na huwag silang mawawalan ng pag-asa lalo’t mayroon pa namang mga darating na oportunidad sa kanila na mapasok ang pinapangarap na stardom.

“I think na malinaw na malinaw na sinabi ko sa umpisa, na lahat kayong Star Power 20, ay napakagagaling. Para sa akin panalo na kayong lahat… Yung mapipili ay yung walang Star Power just for the meantime. Ibig sabihin may nakita na kami sa inyo, pero pwede pang umulit, pwede pang sumubok muli,” ani Megastar bago niya tuluyang ni-reveal ang limang hindi na magpapatuloy.

Ganumpaman, hindi pa rin umuwing luhaan ang mga finalists na na-eliminate dahil bago pa man sila tuluyang nagpaalam, natupad na ang pangarap nilang makapag-perform sa ASAP XV. Nakatanggap pa sila ng payo mula sa mga pinagpipitagang music artists na sina Gary V., Vina Morales at Zsazsa Padilla.

“When you step out on the stage, tandaan nyo na suportado namin kayo dito sa ASAP, dahil alam naming that you’ll give 100 percent of yourself. God bless you girls,” payo ni Gary V sa mga finalists.

Para kay Vina, kailanma’y hindi dapat mag-give-up ang finalist sa pagtupad sa kanilang mga pangarap. “Ito na lang ang maipapayo ko, talagang reach for the stars. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. You’ll have to give your best. Pray harder. Sa mga narating nyo ngayon, palakpak ang maibibigay ko.”

Samantala, sa Star Power ngayong Linggo pagkatapos ng Rated K, ang nalalabing 15 Star Power finalists ay maglalaban-laban sa kanilang awit ng pasasalamat. Sino sa kanila ang magniningning? At sino sa kanila ang susunod sa yapak ng unang limang na-eliminate?

Alay ni Akiko Solon (Cebu) ang awiting Salamat ni Yeng Constantino sa amang si Achilles habang ang kwelang si Ninay Lescano (Lipa City) ay ipapakita ang kanyang sariling bersyon ng I’ll be there for you ni Aiza Seguerra, na alay naman niya sa amang nagturo sa kanyang umawit.

Para naman kay Pauline Lutero (Makati City), ang Wind Beneath My Wings ni Bette Midler ang nararapat niyang kantahin upang ipahayag ang wagas na pasasalamat sa mga magulang niyang nagsusumikap na mapalaki siya ng maayos. Si Joy Laquinario (Davao) ay aawitin naman ang Healing ni Deniece Williams upang iparamdam ang kanyang lubos na pasasalamat sa amang laging nakaagapay sa kanya.

Handog ni Kaye Racho (Cebu) There You’ll Be ni Faith Hill para sa amang OFW na ni Narciso. Samantalang You’re the inspiration ni Peter Cetera ang nais awitin ni Macy delos Reyes (City of Manila) para sa kanyang Cebuano vocal coach na si Dennis.

Inspiradong-inspirado naman ang taga-Canada na si K-La Rivera na iaalay sa kanyang inang si Agnes ang Greatest love of all performance niya ala Whitney Houston. Agnes din ang pangalan ng inang nais pasalamatan ni Mia Flores (Mandalutong City) sa pamamgitan ng pag-awit ng By your side ng The Corrs.

Sobrang malaki naman ang pasasalamat ni Natasia Cunanan (Bulacan) sa kanyang ina kahit pa may brain tumor ito. Kaya naman aawitin niya ang You are my song ni Regine Velasquez habang si Rose Ann Francisco ay kakantahin ang Dahil Minahal mo ako ni Sarah Geronimo para sa inang si Maria.

Ang taga-Bataan na si Laurice Bermillo ay nais pasalamatan ang inang si Mary Ann sa pag-awit ng Angels Brought Me Here ni Carrie Underwood habang si Angeline Quintos (City of Manila) ay malaki ang utang na loob sa kanyang guardian kaya’t aawitin niya ang Paano kita mapasasalamatan.

Wala nang iba pang mas aakmang kantahin para pasalamatan ang kanayang inang Elizabeth kung hindi ang Thanks to you ni Tyler Collins ani Sam Hernandez (Taguig). Masaya namang aawitin ni Krissel Valdez (Davao) ang So very happy ni Nanette Inventor para sa lolong may karamdaman.

Ang collaboration naman ni Donna Cruz, Mikee Cojuangco at Regine Velasquez ang nagsilbing inspirasyon ni Monica Sacay (Leyte) sa pagpapasalamat sa kanyang tiyahin na si Josephine na nag-alaga sa kanya simula pagkabata.

Abangan at huwag palampasin ang kauna-unahang search ni Sharon para sa Next Female Pop Superstar ngayong Linggo, pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

Para sa updates, mag-logon sa www.abs-cbn.com o sa http://teamkapamilya.multiply.com at i-follow ang abscbndotcom sa Twitter.

POST