<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 10, 2010

Bantatay Highlights Week 8 - November 11 to 17

November 11 (Thursday)

Nakikita na ni Joanna ang kaluluwa ni Bernard! Pero imbis na makatulong, mukhang lalo pang malalayo si Bernard sa mga anak—lalo pa't takot na takot si Joanna sa mga multong nakikita niya!

May maaalala na naman si Marcela tungkol sa isang aso't mga batang hindi niya makilala. At lalo pang gugulo ang isipan niya nang harangin siya ng isang fortune teller na magsasabing may itinatago si Simon sa kanya!

Samantala, unti-unti nang nauubos ang pera nina Daisy, kaya naman lalo silang pagsisikapan mahanap sina Emily at ang lotto ticket!

At sa tulong ng mga naging kaibigan ni Bantay, magkakasama-sama na ang magkakapatid na sina Emily, Junix at Farrah! Susubukan ni Artie na dalhin sina Emily pabalik sa bahay ni Norbert—pero may masamang sorpresa na naghihintay sa kanila roon!

Bantatay Week 7 Highlights Week 7


November 12 (Friday)

Nahuli nina Baldo at Bruno sina Emily! Pero gagawa ng paraan sina Artie at Lenlen para hindi mahuli ang magkakapatid. Kaso, sa kanilang pagtakas, hindi nila mamamalayan na nawala na ang photo album nila. Hanggang sa mapansin ng magkakapatid na hindi na sila hinahabol nina Bruno. Nasa mga tiyuhin na nila ang photo album!

Darating na sina Daisy sa office ng PCSO para i-claim ang jackpot prize gamit ang lotto ticket!

Samantala, magpa-plano ang magkakapatid kung paano babawiin ang kanilang photo album.

Si Joanna, patuloy na kinikilabutan sa mga nakikita. Hihingi siya ng tulong kay Norbert, pero hindi niya ito aabutan—kaya naman prince-to-the-rescue na naman si Calvin sa dalaga!

At malalaman na ni Bantay na ligtas ang mga anak niya—pero nasaan sila?


November 15 ( Monday)

Muntik mahuli ni Daisy sina Artie at Emily na nasa loob ng bahay—buti na lang at nailigtas sila ni Frankie! Dadalhin sila ni Frankie sa bahay nito at doon patitirahin. Pero dahil sa masasaya na ang magkakapatid, mapapaisip sina Artie at Lenlen na subukan balikan ang ina nilang si Lilian.

Samantala, patuloy si Bernard sa pagsubok kausapin si Joanna. At dahil laging natatakot ang dalaga, dadalhin na ito ni Norbert sa isang ispiritista para tuklasin kung ano ang nakikita ni Joanna. Ito na ba ang tulong na hinihintay ni Bernard para masabi kay Joanna kung sino siyang talaga?


November 16 (Tuesday)

Bigo si Joanna sa kanyang pagdiskubre ng pakay ni Bernard. Ngayon, si Calvin naman ang masusunod; at dadalhin na nito si Joanna sa clinic ni Simon, para ipasara ang third-eye nito! Mahaharang pa kaya ni Bernard ang balak gawin ni Joanna?

Pakikiusapan nina Emily si Monina na 'wag silang dalhin sa DSWD. At papayag naman ang ina ni Frankie. Pero sa isang kundisyon: hindi dapat malaman nina Daisy na naroon sila sa bahay nina Frankie—kaya hindi na rin sila puwedeng pumunta sa dati nilang tirahan. Ngunit si Junix, hindi papipigil!

Madidiskubre naman nina Daisy na nawawala ang photo album! Agad na maiisip ni Daisy na may kinalaman si Frankie sa pagkawala nito! Matatapos ba agad ang tahimik na pamumuhay nina Emily sa bahay nina Frankie?


November 17 (Wednesday)

Sarado na ang third-eye ni Joanna! Nanlulumo man si Bernard sa pagkawala ng taong nakakakita sa kanya, lalo naman niyang ibubuhos ang sarili sa paghahanap sa mga nawawalang anak. Sa tulong nina Sweet the Pug at Jaya the Mini Pinscher, maikakalat nila ang tungkol sa mga nawawalang mga anak ni Bantay!

And right on time din—dahil alam na nina Daisy na nagtatago ang mga ito sa bahay ni Monina! Kailangan na naman tumakas ng mga bata! Matulungan kaya sila ng mga kaibigan ni Bantay? At magsasama-sama na bang muli si Bantay at ang mga anak niya?

Samantala, patuloy na umiinit ang laban nina Norbert at Calvin para sa pagtingin ni Joanna. Pero ang nasa isip lang ng dalaga ngayon ay mahanap muli sina Emily.

At si Marcela, may maaalala na namang alaala tungkol kina Bernard, at muli na naman siyang magtatanong kung sino ba ang mga taong hindi niya maalala.

Bantatay Week 7 Highlights Week 7

POST