<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 7, 2010

Grazilda Week 4 highlights

October 4 to 8

DAY 1 - OCTOBER 4


• Susubukang tumawid ni Grazilda sa window para tulungan ang ina. Pero maglalaho ang window. Alalang-alala si Grazilda.
• Mapapaawa si Eric kay Grazilda kaya aasikasuhin niya ito. Magkakainisan na naman sina Grazilda at Eric. Akmang tatalikod si Grazilda pero ma-a-out of balance siya, masasalo siya ni Eric.
• Sasamahan ni Eric si Grazilda paghahanap kay Sir Andy. Tuturuan ni Eric si Grazilda pagtawid sa kalsada. Lalong magkakalapit ang dalawa sa paghahanap nila. Sa pagod ni Grazilda ay matutulog siya sa jeep. Mapapangiti si Eric habang pinagmamasdan si Grazilda.
• Matutunton ni Norman si Eric. Magrereport si Norman kay Verrone. Alam na raw niya kung nasaan si Grazilda. Ano kaya ang binabalak ni Verrone kay Grazilda?
• Pupuntahan ni Verrone ang address kung saan nakatira si lola Tisay. Pero wala na roon si Grazilda. Kasalukuyang nakarating na sina Grazilda at Jikjik, malapit sa factory.
• Isang snatcher ang hinahabol ng mga pulis. Hahablutin nito si Grazilda, tututukan ng baril at gagawing hostage.
• Siya namang dating ni Fernando. Makikita na niya si Grazilda pero nasa panganib ito!

Grazilda Week 3 Highlights


DAY 2 – OCTOBER 5

• Kakagatin ni Grazilda ang kamay ng snatcher. Makakaligtas si Grazilda. Reunion nila ni Fernando.
• Malalaman ni Verrone na natagpuan na ni Fernando si Grazilda. Galit na galit ito.
• Malalaman din ni Eric na paalis na sina Grazilda. Mukhang nagtatampo si Eric.
• Hahabulin ni Grazilda si Eric. Malalaman ni Grazilda na masama ang loob ni Eric dahil death anniversary ng father nito. Maikukwento ni Eric kay Grazilda ang buhay niya.
• Aaluin ni Grazilda si Eric. Pupunasin niya ang luha ni Eric. Hahalikan ni Eric si Grazilda sa lips. Isang music ang maririnig ni Grazilda. Gaya ng sinabi sa kanya ni Fairy Godmother. Inlove na si Grazilda!
• Hindi makapaniwala si Grazilda na si Eric ang kanyang prince charming dito sa lupa.
• Magpapaalam na si Grazilda kina Eric at lola Tisay. Maiiyak si Grazilda sa unang paghihiwalay nila ni Eric.
• Susundan ni Eric si Grazilda sa subdivision pero ayaw siyang papasukin ng guard. Noon darating si Cyndi. Magugulat si Eric. Nasa harapan niya ulit ang babae sa panaginip niya.
• Malungkot si Grazilda pagdating sa mansion. She miss Eric. At saka niya marerealize na mahal na nga niya ito.


DAY 3 – OCTOBER 6

• Agad na uutusan ni Verrone sina Grazilda pagdating sa mansion. Paplastikin ni Verrone si Grazilda sa harap ni Fernando.
• Unang pupuntahan ni Grazilda ang silid kung saan naroon ang mahiwagang snow globe.
• Sa una ay hindi agad iilaw ang snow globe.
• Pero gamit ang kwintas ay makikita na rin ni Grazilda sina Matilda at Anatalia sa Fantasia. Makakahinga ng maluwag si Grazilda ng makitang nasa maayos ng kalagayan ang ina.
• Nang darating si Cindy at agad na pahihirapan na naman si Grazilda.
• Magsisimula na ulit ang mga paghihirap ni Grazilda sa kamay nina Cindy at Verrone.
• Unti-unti ng marerealize ni Grazilda ang mga kamaliang nagawa niya kay Cinderella.
• Mamimiss ni Grazilda si Eric. Sa tulong ni Jikjik ay matatawagan nila si Eric. Maikukwento ni Eric kay Grazilda na nakita na niya ulit ang babae sa panaginip niya. Selos si Grazilda.
• Bored si Cindy. Maiisip nilang tawagan si Eric. Nagyayaya ng date. Tuwa si Eric.
• Tatawagan ni Eric si Grazilda. Yayayaing lumabas. May sorpresa daw ito sa kanya.
• Excited si Grazilda. Mag-eenssayo siya ng sayaw at magpapaganda para sa raw ng pagkikita nila ni Eric.
• Magkikita na sina Eric at Grazilda. Pero gulat si Grazilda dahil biglang darating si Cindy. Kasama rin pala ito ni Eric.

Day 4 - OCTOBER 7

• Hurt si Grazilda nang sabihin ni Eric na si Cindy ang gusto nito. Aaminin tuloy ni Grazilda kay Eric na may gusto siya dito.
• Tatanggihin ni Eric si Grazilda dahil kaibigan lang ang tingin niya dito.
• Babastedin ni Cindy si Eric nang malaman nito na kaibigan niya pala si Grazilda.
• Sasabihin ni Cinderella kina Matilda na kailangang mag-asawa ni Anatalia para hindi na silang maging alipin sa palasyo.
• Ingungudngod ni Veronne sa lupa si Grazilda.
• Magkukunwari si Grazilda na wala talaga siyang gusto kay Eric.
• Magugulat si Grazilda sa hiling ni Eric na ilakad siya nito kay Cindy.

Day 5- OCTOBER 8

• Kunwari ay papayag si Grazilda na tulungan niya si Eric kay Cindy pero ang totoo, sisiraan niya si Eric dahil ayaw niyang magkatuluyan ang dalawa.
• Sasampalin ni Cindy si Grazilda nang sabihin nito na babaero si Eric pero masaya naman si Grazilda dahil sa kanya pa rin si Eric.
• Malulungkot si Eric nang i-reject siya ni Cindy.
• Magsusumbong si Tonette kina Veronne at Cindy na naninira pala si Grazilda.
• Parurusahan ni Fairy Godmother si Grazilda dahil sa mali nitong ginagawa.
• Mawawalan ng boses si Grazilda.
• Aakalain nina Veronne na nagloloka lang si Grazilda kaya parurusahan niya ito!

Grazilda Week 3 Highlights

POST