<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 7, 2010

Endless Love Week 15 Highlights


October 4 to 8


Day 1

Natuklasan na ni Johnny na nakakalakad na pala si Yumi at niloloko lang siya nito. Galit na galit si Johnny kay Yumi kaya papalayasin niya ito. Nagsisisi si Johnny na di siya pumayag sa alok ni Jenny na sumama sa kanya ng 6 months. Kakausapin ni Johnny si Jenny pero huli na ang lahat dahil nakapag desisyon na si Jenny na sumama kay Andrew.


Day 2

Pupunta si Johnny sa bahay nila Jenny para magbakasakali kung hindi pa ito nakaalis. Sakto namang nandun pa si Jenny pero hindi na rin ito lumabas. Ayaw din ipaalam ni Jenny kay Johnny ang kalagayan niya.
Aalis na sina Jenny at Andrew papuntang Maynila para magpagamot. Awang-awa si Andrew habang sumasailalim si Jenny sa mga tests.


Day 3

Walang tigil si Andrew sa pagtulong at pagsuporta kay Jenny. Hirap na hirap ito habang nakikita si Jenny na nasasaktan at nahihirapan.
Samantala, dadalhin naman ni Nora si Yumi sa ospital sa Maynila para magpatsek up. Di sinasadyang makita nila dito sina Andrew at Jenny. Di sila nakita ng dalawa pero narinig nila sa nurse na may cancer si Jenny kaya gulat ang mga ito.
Ipapasyal ni Andrew si Jenny pero sa sandaling pagpasyal nila ay biglang magdudugo ang ilong ni Jenny.
Kailangan na ng bone marrow transplant ni Jenny dahil critical na daw ang lagay nito.


Day 4
Pupuntahan ni Yumi si Jenny at mag-uusap sila. Sinabi ni Jenny na huwag ipaalam kay Johnny ang tungkol sa sakit niya. Hindi naman sinabi ni Yumi kay Jenny na iniwan na siya ni Johnny dahil umaasa pa siya na babalikan pa siya ni Johnny.
Sinabi ni Andrew kay Suzy na kailangan ni Jenny ng bone marrow transplant kaya kailangan nilang magpa test ni Jojo. Gulat naman si Jojo ng malaman ang tungkol sa sakit ni Jenny. Nalaman na rin ni Shirley ang tungkol sa cancer ni Jenny.
Si Johnny ay ayaw naman tumigil sa kakahanap kay Jenny ngunit bigo pa rin ito.
Nalaman naman nila Katherine at Robert ang sakit ni Jenny dahil sinabi ni Suzy ito sa kanila para makahingi ng tulong.


Day 5

Kitang kita ni Andrew ang paghihirap ni Jenny. Nakita din niya na kahit may sumasakit sa katawan ni Jenny ay hawak hawak pa rin nito ang singing na bigay ni Johnny. Kaya alang-alang kay Jenny ay pupuntahan niya si Johnny para ipaalam ang tungkol sa kalagayan ni Jenny. Pag gising ni Jenny ay nandun na si Johnny sa tabi niya.

POST