<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Apr 11, 2010

First Time Highlights

Unang linggo pa lang ng guidance counselor na si Barbarella Buncalan-Jackson (Eugene Domingo) sa teledramang First Time ay kaliwa’t kanan na agad ang mga problema na kailangan niyang pagtuunan.

Habang nasa retreat na pinamununan ni Barbarella, natanto ni Cyndi (Barbie Forteza) na hindi na niya dapat ipagsi­skikan ang sarili kay Lukas (Joshua Dionisio) na panay ang iwas sa kanya. Magkakabati na sina Cyndi at Baste (Jake Vargas).

Tatanungin ni Barbarella ang isa sa mga estudyanteng lalaki kung bakla ba ito.
Isang misteryosang babae naman ang magpapakilala kay Cyndi na ikakasama ng loob ni Hilda (Ana Capri).SA First Time, makikilala na ni Cyndi (Barbie Forteza) ang tunay niyang ina na ikai-insecure ni Hilda (Ana Capri) at magagalit ito kay Robert (Ian Veneracion) dahil ’di sinabi ang tungkol kay Teresa (Harlene Bautista).

Maiipit si Cyndi nang magyayang lumabas si Hilda dahil naunang magyaya si Teresa. Yayayain ni Teresa na sumama sa kanya sa States si Cyndi.

Bawal nang magsama sina Val (Michelle Madrigal) at Ted (Joross Gamboa) sa loob ng school para walang tsismis.

Maiinis si Val at hihilingin nito kay Ted na mag-iwasan muna sila pati sa labas ng school.

POST