<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 18, 2013

Rosanna Roces Says She Doesn't Have Money To Pay GMA-7 And Says: 'Charge Nyo Na Lang Kay Bong Revilla'

ROSANNA ROCES sent a message to social media about her losing in the breach of contract case filed by GMA-7 against her: “Una, wala akong natatanggap na anumang sulat kung me hearing o wala. Pangalawa, namatay ang abugado kong si Atty. Dave Puyat at magmula nuon kung anuman ang nangyari sa kaso ay clueless ako. Pangatlo, ang pagbitaw ko sa trabaho ay June matapos ang huling bday ko sa Startalk 2004. Lumabas ito after isiwalat nila Lolit na buntis ang anak ko. Ang d buzz appearance ay nangyari Dec.ng same year at tungkol yun sa hiwalayan naming mag-asawa.

Tinanggap nila ang resignation ko..malinaw na pinalalaya na nila ako. Kung ako nakakontrata pa sa kanila mula nuon..eh di dapat me natatanggap akong sweldo para masabi nila na ako ay under their company’s contract. since alam naman ng lahat ang nangyari sa buhay ko na di ko naman itinatanggi...

Wala akong pagkukunan ng ganyang halaga at kung meron man....di nila ito makukuha sa akin sa hirap ng buhay at sa daming isyu ng pagnanakaw sa gobyerno na katumbas ng pagnanakaw sa ating lahat na nagpapakahirap para maitaguyod lang ating pamilya sa tamang pamamaraan. Gaya ng sinabi ko sa FB ‘CHARGE NYO NA LANG KE BONG REVILLA.’ Prayers included.”


POST