<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 15, 2011

My Lover My Wife - Week 3 Highlights

DAY 3 (Wednesday) March 16

Maalala na naman ni Vivian si Arthur kay Lawrence . Sasabihin na lang ni Lawrence na kung ano man ang iniisip niya kung siya ay tama nga ito. Maguguluhan lalo si Vivian pero may ngiti sa kanya nang ihatid siya nito pauwi sa bahay.

Masaya naman si Lawrence sa pag-oopen muli ni Vivian sa kanya kahit pa mukha ni Lawrence ang nakikita nito sa kanya. Nakikitira na si Lawrence by this time kay Cesar. Naiinis naman si April dahil mukhang pinagtataguan na siya ni Lawrence.

Hindi naman nagustuhan ni Ramon ang nangyayari kay Vivian at Lawrence . Pagbabantaan niya si Vivian na huwag makipagbalikan sa asawa niya. Kaya nang dalawin ni Lawrence muli si Vivian ay nag-iba na naman ito ng pakitungo kay Lawrence . Umiwas na muli it okay Lawrence .

Naki-usap si Lawrence kay Ramon na makasama si Vivian pero sa galit ni Ramon kay Lawrence ay masusuntok niya ito. Hindi pa rin susuko si Lawrence kay Vivian.

Makikita ni April si Cesar sa isang bar kay magtatanong ito kung nasaan na si Lawrwence. Hindi naman sasabihin ni Cesar. May naisip na paraan si April.

Pinuntahan ni Lawrence si Vivian sa trabaho. Sinabi niya dito na kitain siya sa isang simbahan. Magdadalawang isip naman si Vivian pero pupunta pa rin siya. Binigyan ni Lawrence si Vivian ng singsing at sinabi niyang gusto niyang pakasalan ito sa simbahan. During that time puro si Arthur ang naiisip ni Vivian sa mga ginagawa ni Lawrence sa kanya. Until sa harap ng altar ay magkakahalikan na si Lawrence at Vivian. Vivian is still thinking about Arthur.



DAY 4 (Thursday) March 17

Pagkatapos halikan ni Vivian si Lawrence , makikita ni Vivian ang mukha ni Lawrence. Maalala na naman niya ang mga ginawa sa kanya ni Lawrence noon. Masasampal niya si Lawrence . Sasabihin niyang hindi na niya ito muling pagkakatiwalaan. Ibinalik ni Vivian ang singsing kay Lawrence at iniwan niya ito.

Sinundan naman ni April si Cesar nang pauwi ito para malaman kung nasaan si Lawrence . Pero iniligaw naman ni Cesar si April dahil napansin niyang sinusundan nga siya nito.

Pinag-aaralan muli ni SPO1 Castro ang kaso ni Emman Perez. Maalala na ni Castro ang mukha ni Lawrence noon na kinausap ni Dra. Charity bago sila pumunta sa helicopter site. Pupuntahan ni Castro si Dra. Charity at magtatanong siya tungkol sa isang lalakeng inabutan niya noon ng papeles. Hindi sasagutin ni Charity si Castro, instead nagbanta pa ito na magfi-file ng kaso ng harassment laban kay Castro. Lalo namang hindi natahimik si Castro sa paghahanp ng katotohanan—alam niyang may itinatago si Charity sa kaso.

Sasabihin ni Vivian kay Nico na hindi na niya matatanggap muli ang Papa Lawrence nito. Maiiyak si Nico dahil wala na siyang Papa.

Until dumating naman si Lawrence muli sa bahay nila Ramon para kausapin si Vivian at bilang last resort niya para manumbalik sa kanya si Vivian, sinabi niya na hindi siya si Lawrence dahil siya talaga ay si Arthur. Shocked naman si Vivian.

POST