<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 5, 2011

Dwarfina Week 8 Highlights – February 28 to March 4

DAY 1, MONDAY, FEBRUARY 28, 2011

Tinabon ni Fina ang mukha niya sa harina para hindi sya makilala ni Lyndon.

Inggit at malungkot naman si Fina nang makita si Lyndon at Lucille na umalis na.

Napulot naman ni Panchang ang hibla ni Gwendina na nasa loob ng bolang kristal kaya tinago niya ito. Nang hinanap ni Fina ay hindi na sinabi ni Panchang. Malungkot si Fina na hindi na niya mapapagaling si Kardo at lalong walang maniniwala sa kanya na siya na si Yna ngayon.

Nagulat naman si Lyndon na boyfriend na pala ang turing sa kanya ni Lucille.

Samantala sa mundo ng mga duwende, nag-uumpisa na ang mga malalaking pagbabago sa paghahari ni Romera at Hulyano. Pinagbawalan na ang magtinda kaya nawalan ng pamumuhay ang ilang duwende. Hindi pabor si Elvin sa mga nangyayari.

Naalala naman ni Fina ang kanyang espada na binigay kay Dweinstein. Iyon ang magiging susi niya para makilala siya ng kanyang pamilya na siya si Yna. Pumunta sa junkshop ni Lyndon si Fina para hanapin ang lagusan sa Dwendesitas. Nakita niya doon ang dollhouse niya. Narinig naman ni Lyndon na may tao kaya nilabas niya. Gulat si Lyndon dahil nandoon si Fina na nai-stuck up ang kamay sa butas papasok ng Dwendesitas.


DAY 2, TUESDAY, MARCH 1, 2011


Nagkita na ulit si Lyndon at Fina. Nalaman ni Lyndon na wala palang asawa si Fina. Ipagtatapat na sana ni Fina kay Lyndon na siya si Yna na kababata niya noon nang biglang dumating si Lucille. Umalis agad si Fina.

Sinabi ni Lyndon kay Lucille na hindi pwede maging sila dahil may iba na siyang mahal. Heartbroken si Lucille habang si Fina naman ay nakapagdesisyun na ipaubaya na lang si Lyndon kay Lucille. Magpaparaya na lang siya para sa kasiyahan ng kapatid niya.

Sa mundo ng mga duwende, inatasan naman si Elvin ni Hulyano na maging taga-kalap ng mga kalakal sa labas ng punso. Pinagtatanggol ni Elvin ang ilang duwendeng lumalabas ng punso ng walang paalam. Hindi napaparusahan si Elvin dahil si Gwendina ang nagtatakip para kay Elvin.

Nakuha ni Dwenkikay ang espada at binigay kay Fina. Pinakita naman iyon ni Fina kay Kardo kaya alam nito na si Fina nga ang anak niyang si Yna. Nalaman ni Lucille na si Fina pala ang tinutukoy na ibang mahal ni Lyndon.


DAY 3, WEDNESDAY, MARCH 2, 2011


Galit na bumalik sa bahay si Lucille para komprontahin si Fina. Inaway-away niya ito sa sobrang galit at selos. Hindi naman makalaban si Fina sa mga pang-aapi ni Lucille dahil alam niyang kapatid niya ito. Nagdesisyun si Fina na umalis na lang kila Marissa para maka-iwas sa inis ni Lucille pero hindi siya pinayagan ni Lucille. Nais ni Lucille na panatilihin sa bahay si Fina dahil baka pumunta ito kay Lyndon.

Sa mundo ng mga duwende, dumalaw at nagdala ng pagkain si Elvin kila Abiana sa gubat ng kadiliman. Nabanggit niya ang mga maling patakbo ni Romera at Hulyano sa punso. Muntik nang mahuli ng mga kawal si Elvin na pabalik mula gubat ng kadiliman. Sinagip ulit siya ni Gwendina para hindi siya maparusahan.

Naikwento ni Umberto kay Elvin na tanging ang taong makakapag pabunot lang ng espada sa bato ang magliligtas sa nangyayaring pagbagsak sa kaharian nila. Maalala ni Elvin na si Dwarfina lang ang tanging nakapag-pabunot doon sa espadang iyon noong mga bata pa sila.

Samantala, pinuntahan ni Lyndon si Lucille para humingi ng sorry at kausapin siya pero ang nadatnan niya doon si Fina.


DAY 4, THURSDAY, MARCH 3, 2011

Natagpuan muli ni Lyndon si Fina sa bahay nila Lucille. Hindi na niya ito pakakawalan kagaya noon na bigla na lang siyang nawala. Inamin ni Lyndon kay Lucille na may ibang talaga siyang mahal. Devastated si Lucille kaya may naisip siyang plano para pabalikin si Lyndon sa kanya. May tinawagan siyang henchman para tiktikan si Lyndon.

Sumabak agad sa panliligaw si Lyndon kay Fina pero pinaalis lang siya ng dalaga. Hindi naman siya nawalan ng loob.

Samantala, tinulungan ni Nuno Umberto si Elvin para makalabas ng punso. Pinag-iingat siya na huwag makuha ang sombrero niya ng mga tao. nakalabas naman ng punso si Elvin para hanapin si Dwarfina. Nalaman ni Elvin na nanliligaw na pala si Lyndon kay Fina. Nang makarating si Elvin sa loob ng bahay nila Marissa, nahulog siya sa isang mouse trap paper. Nakita siya doon ni Selya at naisip ni Selya na pwede niyang gawing alipin si Elvin dahil nakuha niya ang sombrero nito.


DAY 5, FRIDAY, MARCH 4, 2011

Tinago ni Selya si Elvin. Walang nagawa si Elvin dahil hawak ni Selya ang sombrero nito kaya pwede na siyang utusan ni Selya. Nakita ni Fina ang nawawalang hibla ni Gwendina sa mga gamit ni Panchang.

Makukuha niya iyon sa tulong ni Dwenkikay pero nang gamitin niya ito para magamot si Kardo ay wala na itong bisa.

Naisip ni Lyndon na dalhin ang dollhouse para kay Fina. Nang nilabas niya ito para linisin ay may bata naman na naaksidente malapit sa junkshop nila. Nakita iyon ng henchman ni Lucille kaya nag-isip siya ng paraan para palakihin ang sitwasyon. Kinausap ng henchman ang ina ng batang naaksidente kila Lyndon at kinumbinsi niya ito na pwede nilang pagkakitaan ang aksidenteng iyon.

Dinala ni Lyndon ang dollhouse kay Fina. Tuwang tuwa si Fina pero pinaalis pa rin niya si Lyndon. Ayaw umalis ni Lyndon kaya inutusuan ni Selya si Elvin na gawan ng paraan para maparusahan si Lyndon. Tinawag ni Elvin ang sangkatutak na bubuyog para lusubin si Lyndon. Mapapatakbo paalis si Lyndon dahil sa mga bubuyog pero bago maka-alis ay sasabihin niya kay Fina na kitain siya bukas para makapag-usap sila.

Bumalik si Lyndon sa bahay pero maabutan niya doon ang babaeng galit nag alit at humihingi ng danyos kay Lyndon. Naaksidente kasi ang anak niya sa junkshop nila. Ipinakita naman ni Fina kay Kardo ang dollhouse niya noon. Pero laking gulat ni Fina nang biglang nag-iba ang katawan niya. Bumalik siya sa pagiging maliit. Mukhang duwende na ulit si Fina!

POST