<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 1, 2011

Machete Highlights – January 31 to February 4

Cast of characters
Aginaya/Rosella - Bela Padilla
Candy – Chariz Solomon
Carlos – Nonie Buencamino
Divina - Rio Locsin
Karum – Ryan Eigenmann
Lucco – Rocky Gutierrez
Marla – Ryza Cenon
Serena – Gwen Zamora
Valerie – Stephanie Henares
Zander – Polo Ravales


Monday (January 31)

Sa paglubog ng araw ay lalantad kay Marla ang kasagutan. Magiging tao si Machete sa kanyang harapan.

Pagkakita ni Machete kay Marla, iisipin niya na ang babaeng ito ang may kagagawan ng kanyang pagkabuhay. Siya na kaya ang hinahanap ni Machete na siyang tunay niyang pag-ibig na si Aginaya?

Kahit na ninais ni Marla na mabuhay si Machete ay hindi niya maiwasan na matakot dito. Dahil sa mga katanungang hindi nabibigyang kasagutan ay magiging mailap sila Marla at Machete sa isa’t isa subalit ililigtas ni Machete si Marla sa kapahamakan. Dito uusbong ang paghanga ni Marla kay Machete.

Unti-unti ring nagkakalapit si Zander at Rosella. Ipapakilala ni Zander ang kanyang mundo kay Rosella at gayundin ay makikilala ng lubos ni Zander ang busilak na pagkatao ni Rosella. Hindi niya maiwasang mahulog ang loob kay Rosella.

Ipapaliwanag ni Marla kay Machete kung paanong ito nabuhay sa abot ng kanyang kaalaman. Mapapaniwala silang dalawa na dahil sa kanyang halik ay nabigyan niya ng buhay ang estatwa. Dahil dito ay mararamdaman ni Machete ang utang na loob sa kanya. Hindi naman pipigilan ni Marla ang pagkakataong mahalikan ang kakaibang lalaking nasa kanyang harapan.

Hindi magawa ni Machete na ibaling ang nararamdaman nia para kay Marla dahil alam niya na isa lang ang iniibig niya, si Aginaya. Hindi maniniwala si Machete na patay na si Aginaya at buo ang loob niya na hanapin ito. Mangangako naman si Marla na tutulungan si Machete na gawin ang nais. Muli sa pagsikat ng araw ay babalik si Machete sa pagiging estatwa. Ngayon naiintindihan na ni Marla ang lihim ng kanyang estatwa.

Muling lalabas sila Zander at Rosella. Pinaghandaan ni Rosella ang date na ito sa tulong ni Candy pero may sisira sa kasiyahan ng dalaga.Ang hindi alam ng dalaga nakatakda nang tapusin ni Marla ang paniwala niyang maaaring gusto nga siyang maging higit pa sa kaibigan ni Zander.


Tuesday (February 1)


Maaabutan ni Marla na magkasama si Zander at Rosella. Ibubunyag niya ang katotohanan na pinapaasa lang niya ang dalaga.

Uuwing luhaan si Rosella. Tagumpay si Marla na saktan si Rosella. Sa malalim na gabi ay isang aksidente ang magaganap kay Rosella, subalit may isang lalaki na sasagip sa kanya... si Machete!

Bago mahulog sa tulay ay maililigtas si Rosella ng isang misteryosong lalaking nakabahag. Pero itong rapist ng mga tanod at ikukulong si Machete. Panic si Marla nang malamang nakakulong si Machete. She raises against time para mailabas ng kulungan si Machete bago ito mag transform to statue.

Rosella decided na hindi na niya kaya ang mga pang-aapi nina Marla at lalayas na sa mansion. Papakiusapan ni Divina si Marla na sundan si Rosella sa probinsya upang pabalikin ito. Papayag si Marla pero may iba siyang plano . Gusto niyang dalhin si Machete sa lugar kung saan niya nakuha ang punong ginamit niya sa pag-ukit kay Machete.

Masaya siyang makita ulit ang ama pero madi-diskubre niyang may malubhang sakit ang ama.


Wednesday (February 2)
Malaking pera ang kailangan para sa gamot at operasyon ni Carlos kaya mapipilitan si Rosella na bumalik bilang katulong nina Divina. Para mabigyan ng pambili ng gamot ay ibibigay ni Rosella kay Divina ang napulot niyang half-moon metal clip, unaware sa tunay na halaga nito.

Mula sa pagbitbit sa estatwa papuntang probinsya, takang taka na si Divina sa kakaibang mga kilos ng anak. Iniisip niyang tila nabaliw na si Marla dahil sa sobrang pagmamahal nito sa statue. Para sa kapakanan ng anak ay kukuha ng chain saw si Divina at sisirain ang Machete statue.


Thursday (February 3)

Mapipigilan ni Marla si Divina na sirain ang Machete statue. Sa pagtatalo ng mag ina ay magsisimula nang magdilim at magta-transform si Machete sa harapan ni Marla at Divina. Mapipilitan si Marla na ipaliwanag at ipagtatapat sa ina ang sikreto ni Machete.


Hindi matanggal ni Rosella sa isip niya ang lalaking nakabahag na nagligtas sa kanya sa tulay. Mapapanaginipan pa niya ito at mare-realize na kamukha ito ng statue ni Machete.

Gusto ng umalis ni Machete upang hanapin si Aginaya pero pilit siyang pinipigilan ni Marla. Magugulat si Machete nang makita niya kay Marla ang half-moon metal clip na binigay niya noon kay Aginaya. Magtataka si Machete at tatanungin si Marla: Ikaw si Aginaya?


Friday (February 4)

Imbis na sabihin ang totoong nakuha lang ng nanay niya ang metal clip mula kay Rosella, sasabihin ni Marla na kanya ang metal clip at siya si Aginaya. Kaya hindi na kailangan umalis ni Machete. Sila ang nakatakdang mag-ibigan.

Ngayong hawak na niya si Machete, gusto ni Marla na maipakilala sa iba ang bagong boyfriend niya. Bibilhan niya ito ng mga damit at tuturuan ng mga bagay para maka-adopt sa kasalukuyang panahon. Plano ni Marla na isama si Machete sa party na pupuntahan niya.

Pilit na hihingi ng tawad si Zander kay Rosella. At sa tulong ni Zander ay maibibili na ni Rosella ng gamot ang kanyang ama. Papakiusapan ni Zander si Rosella na samahan siya sa party at doon muling magtatagpo ang landas ni Rosella at Machete.

POST