<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 28, 2011

I HEART YOU PARE WEEK 4 FEBRUARY 28 - MARCH 4, 2011

DAY 1

After Tonette's applauded performance last week, magigising ang ating star with breakfast in bed and a congratulatory note form Kenneth! Kilig to the bones si Tonette! Magkabati na nga kaya sila?

Malalaman ni Kenneth na inisnab ni Tonette ang kanyang effort of reconcillation. Makikita niya ang food na hinanda niya sa basurahan at worse ay ang picture ni NIkki sa basurahan! Galit na galit si Kenneth kay Tonette! Magkakabati pa kaya ang aso't pusa!?

Tampuhan nanaman sila Kenneth at Tonette. Maaalala pa ni Kenneth ang nalalapit na kasal ni NIkki at Ramon. Makikita ni Tonette si Kenneth na malungkot kaya medyo lalambot ang puso ni bakla kay Papa K.

Sa kasagsagan ng tampuhan nila Kenneth at Tonette ay may mga bisitang darating sa Club Love. It's Charito and Henry. Lalong masisira ang araw ni Kenneth sa panlalait na manggaling sa kanyang ama.


DAY 2

Si Kenneth naman ang magigising na may breakfast in bed. Galing ito kay Tonette with a sorry note. Mukhang magkakabati na nga ang dalawa!

Pagkatapos ng effort ni Tonette na makipagbati kay Kenneth ay magkakaroon sila ng quality time together. Hindi lang matatapos ang tampuhan ng ating mga bida, magiging friends na sila officially!

Muntik ng masundan nila Sonny Boy si Polly papunta kila Sarsi at Tonya. Wala pa rin silang kamalayan na halos isang kembot na lang ang layo nito sa kanila pero hindi pa rin sila susuko hanggat hindi nila nahuhuli si Tonya!


Muli na ngang magkikita si Polly at Tonya now as Tonette. Maaabutan ni Kenneth na nag-uusap ang dalawa. Buking na nga ba ang lola sa kanyang lihim!


DAY 3


Tuloy na tuloy na nga ang kasal nila Ramon at Nikki. Masakit sa puso ni Kenneth na malaman ito. Magbago pa kaya ang isip ni Kenneth at pigilan ang kasal before it really happens!?

Magwawagi pa rin kay Kenneth ang sakripisyo niya para sa kanyang kuya. Paninindigan na niya ang paglimot kay Nikki at hahayaan nang matuloy ang kasal nila ng kanyang kuya Ramon.

Ramdam ni Tonette ang kalungkutan na pinagdaraanan ni Kenneth. Gagawa ng paraan si Tonette upang mapagaan ang loob ng kanyang kaibigan. Ma-aappreciate naman ito ni Kenneth and for a while makakalimutan ang heartbreak dahil kay Tonette!

Kenneth literally breaks the barrier between him and Tonette. appreciated naman ni Tonette ang pagpapahalaga ni Kenneth sa kanya. Mas nagiging malapit na sila Kenneth at Tonette sa isa't isa.

Ihahatid ni Kenneth si Tonette sa parlor ng kanyang Uncle. Masaya naman si Tonette at makakasama niyang muli ang kanyang bestfriend Polly kaya change outfit siya. Akala ni Tonette nakaalis na ng tuluyan si Kenneth pero babalik si Papa si parlor. Revelation day na nga yata!


DAY 4

Hindi inasahan ni Tonya na magbabalik si Kenneth sa parlor. Kakaripas ng takbo si Tonette kay Kenneth para hindi mabukelya ang kanyang sikreto na siya si Tonya.

Samantala, the heat is on sa preparation ng contest to become the next ULTIMATE SHOWKLA! sa Club Love. Tonette is considered a grave contender for the title. Siyempre hindi naman papayag si Vodka na maagaw sa kanya ang korona. Showdown na nga ito!

Kasabay ng paligsahang ito ay ang annual physical exam ng ating mga badet sa Club Love! Tonette needs to undergo this test together wth the rest of the performers. Ma-eexpose na nga kaya ang hubad na katotohanan na siya ay nagpapanggap lamang na bakla at isang genuine girlaloo!?

It's Tonette's turn to see the Doctor na magsasagawa ng physical exam. Siyempre ang unang step sa test ay ang maghubad! Wala na ngang magagawa si Tonette! Bukelya na nga kaya ang bakla na isa siyang babae?



 

DAY 5

Dahil sa curiosity ay nakichismis agad sila Vodka sa physical exam ni Tonette. Agad na makakarating sa kanila ang balita at ico-konfront ang ating bida. Could this be the end of Tonette's gay impersonation?

Bago pa man tuluyang kumalat ang katotohanan ay susubukan ni Tonette na magtapat kay Kenneth. Wa epek din naman ang revelation performance ni Tonette kay Kenneth pero mukhang magkakaroon ng private moment sila Kenneth at Tonette dahil siya ang pinapasama ni Mama Marita sa La Union for business matters kasama ni Kenneth!

Tagumpay ang business venture nila Tonette at Kenneth sa LaUnion pero may isa pa silang pupuntahan. Isasama ni Kenneth si Tonette sa lugar kung saan nakita niya ang babaeng hindi niya maalis sa kanyang isipan si Tonya. Welcome back to VIGAN!

Tonette and Kenneth stayed in a hotel in Vigan. Kampante naman si Tonette na walang makakakilala sa kanya especially with her in drag pero coincidentally Sonny Boy and Mandy are in the same hotel! Oh no!

Hindi nga katakataka na magkabanggaan sila Tonette at Sonny boy. Makilala naman kaya siya ng bortang goon na matagal na siyang hina-hunting?

POST