<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 21, 2011

I HEART YOU PARE WEEK 3 FEBRUARY 21-25 , 2011

DAY 1

Haba ng hair ni Tonya matapos siyang iligtas ni Kenneth sa mga lasenggo. Di lang yan, hinatid pa siya mismo ng guwapo niyang boss sa kanila. Afterwhich dumiretso si Kenneth sa park kung saan naghihintay si Nikki. Kenneth just stares at Nikki from afar. Pinipigilan ni Kenneth ang sarili na lumapit hanggang sa hindi na nga nakapaghintay pa si Nikki at umalis na rin. This time around si Kenneth naman ang hindi sumipot sa usapan nila ni NIkki.

Matapos ang nangyari ay napagdesisyunan nila Sarsi at Tonette na delikado na ang pag-uwi niya ng gabi at para sa kaligtasan niya, mag-stay in na lang siya sa Club Love kasama ng sangkabadingan. Literally hindi talaga patutulugin ni Vodka si Tonette at gagawa nanaman siya ng paraan para maubos ang pisi ni Tonette!

Gigitna si Mama Marita sa iringan ng kanyang mga performers. Makakaisip siya ng paraan para tantanan ni Vodka si Tonette. Ililipat ni Mama Marita si Tonette sa kuwarto ni Kenneth! Room mates na sila at gulat ang dalawa sa turn of events na ito!

Ililipat ni Mama Marita si Tonette sa kuwarto ni Kenneth! Room mates na sila at gulat ang dalawa sa turn of events na ito!
Wala na ring magagawa sila Tonette at Kenneth kundi magsama sa iisang kuwarto. Maglalagay ng dividing line si Kenneth to make sure na safe siya sa bading na si Tonette. Si Tonette makikisama sa manager niya. Ano pa bang say niya eh nakikitira lang siya! Habang tulog si Kenneth ay magtatanggal ng make-up si Tonette pero bago pa man niya maibalik ang maskara niya ay magigising si Kenneth! Kenneth demands na gamitin ang CR pero nasa loob si Tonette na walang make-up! Patay, buko na yata si Tonya!


DAY 2

Wagi si Tonette na itago ang lihim kay Kenneth sa unang gabi ng pagsasama nila sa iisang kuwarto. Aso't pusa ang dalawa pero hindi mo maitatanggi na may namumuong paghanga si Tonette kay Kenneth! Ikaw ba naman makipagshare ng kama sa tulad niya diba? Kapag tinamaan ka nga naman ng suwerte. Siyempre may paranoia factor kay Papa Kenneth dahil natutulog siya katabi ang isang bading gayunpaman wala na siyang angal dahil si Mama Marita ang may sabi nito. Isang balita ang dala ni Joni para kay Kenneth, itutuloy na ang kasal nila Ramon at NIkki.

Ano mang tanggi ni Papa Kenneth ay affected siya sa pag-iisang dibdib ng kanyang kapatid at ng kanyang only labs. Malas ni Tonette dahil siya ang mapagbubuntungan ni Kenneth ng kabadtripan niya. Away na naman ang dalawa nating bida!

Kawawang papa Kenneth as he opens up sa kanyang brod na si Joni about his heartache. Mahal pa rin niya si Nikki at masakit ang pagpaparayamng ginawa niya para sa kuya niya.

Siyempre kapag may problema ang mga straight ombre nauuwi ang usapan sa alak. Matatapos ang gabi na lasing na lasing si Kenneth. Uuwi si Kenneth sa Club Love ng susuray suray at siyempre helping hand naman s akanya ang dear room mate niyang si Tonya. Magkakalapit muli sila Kenneth at Tonya at magkakahalikan nanaman ata sila! Swuerte naman ni ate!


DAY 3
Magigising si Kenneth mula sa kanyang kalasingan. Isang hindi maitatatwang marka ang makikita niya sa kanyang dibdib, isang kissmark na shining shimmering! Agad niyang gigisingin si Tonette at paaaminin kung pinagsamantalahan ba siya nito sa kanyang pagakatulog!

Samantala patuloy ang mga plano nila Vodka and the Veklas na patalsikin si Tonette sa Club Love. Magtagumpay na kaya ang mga Vekla sa kanilang evil plans ngayong magbabakasyon si Mama Marita at may tampuhan sila Kenneth at Tonette?

Late na namang uuwi si Kenneth and this time around hindi lang siya basta lasing kundi may kasama pang girlaloo! Ang masama pa nito mapipilitang matulog si Tonette sa labas upang bigyan ng privacy si Kenneth at ang kanyang girlaloo! Kawawang Tonette!

Siyempre hindi naman basta magpapatalo si Tonette sa girlette ni Papa Kenneth. Sasabihin ni Tonette na magjowa sila ni Kenneth. Maniniwala ang babae na bading din si Kenneth. kaya walk out si girlette! Dahil dito mas lalong magagalit si Kenneth kay Tonette!

Dahil sa matinding awayan at masasakit na salita na naibato ni Kenneth kay Tonette ay magdedecide na nga si Tonette na magresign sa Club Love!


DAY 4

HIndi naman ganoon kasama si Papa Kenneth kaya mega habol siya kay Tonette upang kumbinsihin na manatili sa club. Si Tonette naman papilit. May kundisyon siya na kailangan lumuhod muna sa kanya si Kenneth bago niya ito patawarin! Ang haba ng hair diba?

Problema agad ang sasalubong kay Tonette sa pagbabalik niya sa parlor ng Softdrink beauties. Poorita Kalawa ang mga lola niyo kaya hindi agad masasabi ni Tonette na nagresign na siya sa Club.

Lulunukin ni Tonette ang kanyang pride at makikipag-ayos kay Kenneth. Babalik siya sa Club Love kaya asar talo naman sila Vodka and the Veklas. Walk out si Vodka sa comeback ni Tonette Star!

Tonette shows her comeback performance sa mga foreign visitors ng Club Love. Akala niya lost na ang beauty niya pero palakpakan ang mga manunuod sa kanyang K-Pop number! Pak!


DAY 5

After Tonette's applauded performance last night, magigising ang ating star with breakfast in bed and a congratulatory note form Kenneth! Kilig to the bones si Tonette! Magkabati na nga kaya sila?

Malalaman ni Kenneth na inisnab ni Tonette ang kanyang effort of reconcillation. Makikita niya ang food na hinanda niya sa basurahan at worse ay ang picture ni NIkki sa basurahan! Galit na galit si Kenneth kay Tonette! Magkakabati pa kaya ang aso't pusa!?

Tampuhan nanaman sila Kenneth at Tonette. Maaalala pa ni Kenneth ang nalalapit na kasal ni NIkki at Ramon. Makikita ni Tonette si Kenneth na malungkot kaya medyo lalambot ang puso ni bakla kay Papa K.

Sa kasagsagan ng tampuhan nila Kenneth at Tonette ay may mga bisitang darating sa Club Love. It's Charito and Henry. Lalong masisira ang araw ni Kenneth sa panlalait na manggaling sa kanyang ama.

POST