<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 12, 2011

Dwarfina Highlights Week 1 – January 10 to 14

Monday (January 10)

Hindi pa magka-anak ang mag-asawang Kardo at Marissa. Lumipat ang dalawa sa probinsiya kasama si Nana Selya, tiyahin ni Kardo at si Susan na asawa ng pinsan niyang si Andong.

Sa mundo naman ng mga duwende, hari at reyna si Calixto at Abiana. Buntis si Abiana at malapit na ang kapanganakan nang magbalik ang kanyang kamag-anak na si Romera.

May balak si Romera na agawin ang trono mula kila Calixto at Abiana. Naisip ni Romera at Hulyano na magpakasal at mag-anak para sila ang susunod sa trono oras na mawala ang anak ni Abiana.

Ngunit isang araw, hindi sinasadya ni Marissa na mabangga at masira ang punso. Saktong nanganganak na noon si Abiana kaya biglang nagkagulo sa mundo ng mga duwende dahil sa kagagawan ni Marissa.

Sasagipin ni Romera ang anak ni Abiana mula sa gumuguhong punso pero hindi pala ito ang intensyon niya talaga. Nakita na lang ni Abiana ang bagong panganak niyang sanggol na patay na! Inakala niyang namatay ito dahil sa pagguho ng kaharian nila.

Sa galit ni Abiana, inisip niyang patayin si Marissa na may kagagawan ng pagguho ng kaharian nila at ang pagkamatay ng anak niya. Pero nalaman niyang buntis si Marissa kaya hindi niya itinuloy. May ibang naisip na parusa si Abiana para kay Marissa.

Lumipas ang panahon at inayos muli nila Calixto at Abiana ang kaharian nila pero inilihim nila ang pagkamatay ng anak nila. Nanganak na si Marissa pero walang lumabas na sanggol sa kanya.

Laking gulat naman ni Kardo nang makita niya sa bahay bata ni Marissa na may isang sanggol na sinliit ng duwende ang umiiyak. Makikita din iyon ni Abiana.


Tuesday (January 11)

Hindi matanggap ni Marissa ang sanggol na ipinanganak niya. Sinabihan sila ng albularyo na mayroon silang kinuha sa mga duwende na dapat nilang ibalik sa pamamagitan ng pag-alay nito ng apoy sa harap ng punso.

Napigilan naman ito nang makita iyon ni Abiana pero hindi niya tuluyang nakuha ang bata dahil sa scapular na pula na naka-sabit sa sanggol. Pampaalis kasi iyon ng mga duwende. Nahanap ni Marissa ang anak niya nang malaman niyang inialay ni Selya sa apoy ang sanggol. Sising-sisi si Marissa sa muntik nang mangyari sa anak niya kaya tinanggap na niya ito.

Sa mundo ng mga duwende, nanganak na si Romera ng isang babaeng duwende. Inaasahan din ng lahat na iprisinta sa madla ang anak ng hari at reyna . Worried si Calixto dahil alam nilang katapusan na iyon ng kanilang pamumuno. Pero alam ni Abiana na may paraan pa. Pinahayag ni Abiana at Calixto ang problema nila kay Nuno Umberto na wala silang maihaharap na sanggol sa araw ng pagpri-prisinta.

Naisip ni Nuno Umberto na humingi ng tulong kay Wendong at Marcial para sa hari at reyna. May naimbentong gadget si Wendong na pwede mag-record ng isang tao at magmukha itong hologram, ito ang gwendikam. Kinuhanan nila Wendong at Marcial ang anak nila Marissa gamit ang gwendikam. Ang hologram na baby ang ginamit ni Abiana at Calixto para iprisinta sa madla si Dwarfina!

Ang susunod na pagpri-prisinta kay Dwarfina ay sa ika-pitong kaarawan ng bata. Gulat na gulat si Romera at Hulyano dahil ang alam nila ay patay na ang anak nila Abiana. Bulilyaso ang pangarap nilang maging hari at reyna. Saan nila nakuha ang sanggol na iyon?



Wednesday (January 12)

Hinabol habol ng daga si Yna paikot sa bahay niya. Kinalembang ni Yna ang emergency bell niya kaya nagising sila Kardo at Marissa. Nagalit si kardo kay Lucille dahil hindi man lang niya narinig na humihingi ng tulong si Yna.

Dahil sa pangyayaring iyon, tuturuan na ni Kardo si Yna na mag-self defense. Binigyan niya si Yna ng espada at tinuruan pa itong lumangoy. Inggit naman si Lucille sa atensyon na binibigay ng tatay niya kay Yna.

Makikita na family driver pala si Kardo ng isang mayamang pamilya. Pinagdri-drive niya sa school si Lyndon. Isang batang sakitin na laging binu-bully sa school. Kaklase niya si Lucille. Kinekwentuhan ni Kardo si Lyndon tungkol sa mga adventures ni Yna.

Naimbitahan si Lyndon sa birthday party ni Lucille sa bahay nila. At doon niya makikita ang bahay ni Yna at maiisip niyang totoo si Yna. Magpapalusot na lang si Kardo na hindi totoo si Yna at ginawa lang niya iyong miniature house para kay Lucille.

Inggit si Yna sa mga batang naglalaro at nagce-celebrate sa labas nila. Hindi siya pwedeng makalabas dahil sa liit niya. Pero isang araw, nakapasok muli si Lyndon sa bahay nila Lucille at maririnig niya ang kalembang sa bahay ni Yna. Pupuntahan niya iyon. Magkakaharap na si Yna at Lyndon for the first time.


Thursday (January 13)

Nagulat si Yna at Lyndon sa isa’t isa. Narealize ni Lyndon na totoo nga ang kinekwento ni Mang Kardo sa kanya tungkol kay Yna. Magkakapalagayan ng loob ang dalawang bata at for the first time ay ilalabas ni Lyndon si Yna para maglaro.

Pursigido pa rin si Yna na i-please ang Ate Lucille niya, kaya lahat ng gusto nito ay ginagawa niya kahit mahirap at kahit paminsan ay napapahamak pa siya.

Meanwhile, sa dating punso, lalabas ang dalawang batang duwendeng magkaibigan na si Elvin at Duwentukin. Sinundan nila ang ama nila na lumabas din sa punso - si Marcial at Wendong. Pinuntahan nila si Yna at kinuhanan nila gamit ang gwendikam para ipakita kay Abiana. Taka si Elvin at Duwentukin dahil meron palang taong maliit na parang duwende din kagaya nila. Tao ba siya o duwende?

Sa mundo ng duwende, gumagawa ng paraan si Romera para makita ang anak nila Abiana pero hindi siya nagtatagumpay. May panata kasi si Abiana na sa ikapitong taon na muli ilalabas si Dwarfina.

Babalik naman muli si Lyndon sa bahay nila Lucille para makipaglaro sa kanya pero ang gusto niya talagang balikan ay si Yna. Dinala muli ni Lyndon si Yna para mamasyal at pinasakay niya ito sa loob ng lunchbox niya. Makikita naman ng mga bully na classmates si Lyndon sa labas at ipipilit na buksan ang lunchbox niya. Makikita kaya nila si Yna doon sa loob?


Friday (January 14)

Masasabi din ni Lyndon kay Yna ang problema niya sa bahay. Nag-aaway kasi parati ang parents niya at narinig niyang mauubusan na din sila ng pera. Naging matalik na magkaibigan na si Yna at Lyndon.

Mapapansin naman ni Lucille na ayaw na siyang kalaro ni Lyndon. Mahuhuli ni Lucille si Lyndon na tinatakas palabas si Yna. Malalaman ni Kardo at Marissa iyon kaya pagbabawalan na nila si Lyndon na pumunta sa bahay nila. Papaluin ni Kardo si Lucille dahil hindi niya nabantayan ng maigi ang kapatid.

Masama ang loob ni Lucille sa ama. Gagatungan pa ni Nana Selya na dapat si Yna ang pinaparusahan at dapat na mawala sa kanila.

Papagalitan din ni Kardo si Yna pero sa huli ay lalambot din ang puso ng ama sa anak niyang maliit. Papangaralan ni Kardo ang anak at balik lambingan na ulit ang mag-ama. Makikita iyon ni Lucille kaya lalo siyang galit na galit kay Yna.

Sa mundo ng mga duwende, malalaman ni Romera na isa lang palang hologram ang batang si Dwarfina.

Kinabukasan, kukunin ni Lucille si Yna at ilalagay sa lunchbox. Itatapon ni Lucille ang lunchbox sa ilog. Makikita iyon ni Lyndon. Napadaan din sa ilog si Kardo kaya hihingi ng tulong si Lyndon kay Kardo. Inaanod na si Yna sa ilog!

POST