<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 12, 2011

Bantatay Week 17 Highlights – January 12 to 18

SYNOPSIS

Matapos ng adventures sa Subic , makakasama na nina Emily, Junix at Farrah si Marcela sa pag-uwi sa bahay ni Simon!

Makukumbinsi ni Clarita ang kanyang manugang na pumayag sa pagpapatira kina Emily kasama ni Marcela sa iisang bubong. Pero hindi masaya si Anne at Spike sa mga pangyayaring ito. Magtatagumpay si Spike na mapalayas si Bantatay, pero si Anne mabibigong ilayo si Marcela mula kina Emily!

Sa tulong ni Clarita, gagawa ng paraan si Emily at ang mga kapatid nito na maipaalala kay Marcela ang kanilang nakaraan. At dahil dito, magsisimula nang magsalitang muli si Marcela, mawawala na sa kanyang pagkatulala.

Ang kaso, hindi pa rin maaalala ni Marcela ang mga anak niya, at unti-unting nilalason muli ni Simon ang kanyang isipan. Hindi naman makapapayag si Clarita na mawala pang muli ang mga apo niya, kaya't siya mismo ang kikilos para mapatunayan na anak nga ni Marcela sina Emily.

Samantala, tuluyan nang makakatakas sina Daisy mula sa kulungan. At magku-krus ang landas nila at ng mga Pusakal!

Pagtatakpan naman ni Calvin ang tunay na lagay nina Emily sa bahay ni Simon para hindi sumaklolo sina Joanna sa mga bata. Pero si Artie, hindi mapakali ng hindi nakikitang maayos nga ang lagay nina Emily. At sa kanyang pagaalala, mapapasubo pa siya bilang escort sa nalalapit na birthday party ni Anne!



Wednesday (January 12)

Nakita ni Marcela si Bernard!

Matapos mahulog sa tubig ni Marcela, agad itong sinagip ni Bantatay—pero ang nakita ni Marcela na sumagip sa kanya ay si Bernard! Pero ngayong wala pa ring kibo ang babae, may makakaalam ba sa kanyang nakita sa ilalim ng tubig?

Samantala, ipipilit ni Clarita na patirahin ni Simon ang mga anak ni Marcela kasama nila. Mapapayag man si Simon, hindi pa rin natatapos ang masamang intensyon nito sa mga bata, na ngayon ay gagatungan pa nina Anne at ng alaga nitong si Spike.

Gagawa na ng paraan sina Emily at ang mga kapatid para makilala sila ng ina. Pero gagana naman ba ito?

At tuluyan na ring nakatakas sina Daisy mula sa pagkakakulong! At handa na rin sila para paghigantihan ang mga bata na nagpasok sa kanila sa kulungan! Ang una nilang target: kung sino man ang matagpuan nila sa bahay ni Bernard.


Thursday (January 13)

Palalayasin na ni Simon si Bantatay!

Matapos pagbintangan si Bantatay sa kasalanan ni Spike, handa na si Simon na palayasin ang aso! Pero makikiusap muli si Clarita sa kanyang maungang na patawarin ang aso. Ang kaso, hindi pa rin tapos sina Anne at Spike sa kanilang mga binabalak para kay Bantatay at sa magkakapatid na Emily, Junix at Farrah.

Dahil sa isang daga, magku-krus ang landas nina Daisy at ng mga Pusakals.

At malalaman naman nina Joanna ang tungkol sa pagtakas nina Daisy! Makukuha ba nilang mabigyan ng warning sina Emily bago mahuli ang lahat?


Friday (January 14)

Sinunog na ni Anne ang mga litrato ng mga bata!

Matapos malapitan si Marcela, bigo pa rin sina Emily na maipaalala sa ina ang kanilang nakaraan. Ang masama pa ay nahuli sila ni Anne, at sinunog nito ang mga litrato nila! Paano na lang nila ipapaalala sa ina ngayon kung sino sila?

May naisip na paraan si Clarita para manumbalik ang dating Marcela. Pero paano nila ito ilalayo mula kay Anne?

Samantala, unti-unting madidiskubre nina Daisy kung sino talaga ang mga Pusakal.

At mag-aalala naman si Simon na hindi nga tunay na successful ang lobotomy na ginawa niya kay Marcela!


Monday (January 17)

Nagsasalita na si Marcela!

Dahil sa mga ginawa nina Emily, Junix at Farrah para maka-reach out sa nanay nila, muli nang nagsasalita si Marcela! Pero imbis na maalala na ng tuluyan ang kanyang mga tunay na anak, ang maaalala lang niya ay ang mga kasinungalingan na sinabi sa kanya ni Simon.

Clarita sets out to prove na totoo ang sinasabi nina Emily—and ipinakuha na niya ang mga birth certificates nito! Papayag naman ba si Simon na mabuking siya ng biyenan?

Pagtatakpan ni Calvin kina Joanna ang tunay na kalagayan nina Emily sa bahay ni Simon. Hindi naman makukuntento si Artie doon at magdedesisyon itong bisitihan ang mga kaibigan.

Malalaman na ba ni Artie ang tunay na lagay nina Emily?

Samantala, mahuhuli ng mga Pusakals sina Daisy sa kanilang pang-uusisa. Matapos makatakas ng kulungan, ito na ba ang magiging katapusan ng mga kamag-anak nina Emily?


Tuesday (January 18)

May kasunduan na sina Daisy at ang mga Pusakal!

Magdedesisyon na si Daisy na ipaligpit na lang sina Emily sa mga Pusakal, nang hindi nalalaman na may ginagawa na rin ang mga ito laban sa mga anak ni Bernard.

Sa bahay nina Simon, naghahanda na ang lahat para sa birthday party ni Anne. Pero sina Emily, Junix at Farrah, balik sa pagiging outcast. Napatunayan kasi ni Simon na hindi talaga ito mga anak ni Marcela—lalo pa't pangalan ng ibang babae ang nakasaad na ina nila sa birth certificates nila!

Si Artie naman ay napasubo na bilang escort ni Anne sa kanyang party. Pero ang gusto niya talagang makita sa party? Si Emily. Ano ang gagawin ni Anne pag mahuli niya si Artie na si Emily ang sinasamahan at hindi siya?

POST