<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 6, 2010

Beauty Queen Week 8 Highlights – December 6 TO 10

Monday (December 6)

Nakalusot si Maita kay Donald pero mabibigo pa rin siya dahil si Milo mismo ang makakapigil sa tuluyan niyang pagtakas.

Magbibigay ng tulong sila Marc at Greg sa pamilya ng namatay na mangingisda na nakakita sa survivor. Hindi nila aakalain na isang panibagong lead ang malalaman nila mula sa asawa nitong si Melba. Aaminin ni Melba na isang bata at magandang babaeng ang nakita sa dalampasigan. Magugulat si Melba matapos ipakita ni Marc ang larawan ni Maita.

Hindi mamumukhaan ni Melba si Maita dahil sa bugbog at pasang natamo nito nuon. Malaki pa rin ang pag-asa ni Marc na masasagot nila ni Greg ang palaisipang ito. Hindi sila sumuko at magtatanung-tanong sila sa mga tao doon. Mapapadpad sila sa resthouse ni Donald at mapagagtatanungan nila Greg at Marc si Milo .

Itatanggi ni Milo ang tungkol kay Maita pero bago pa man makaalis si Marc at Greg sa resthouse ay makikita ni Maita mula sa kanyang bintana si Marc.

Tatawagin ni Maita si Marc pero bago pa man mapansin ni Marc si Maita ay mapipigilan na siya ni Donald.

Beauty Queen Week 7 Highlights

Tuesday (December 7)

Nabigo si Maita at tuluyan na ngang nakaalis si Marc na hindi nalalaman na nandoon siya. Kukunin ni Maita ang loob ni Milo at hihilingin niya kay Milo na tulungan siyang tumakas.

Hindi kayang pagtaksilan ni Milo si Donald kaya muling nabigo si Maita sa kanyang plano . Sa muling pagdalaw ni Milo sa silid ni Maita ay maaabutan niya ang pagdaing nito ng matinding sakit. Kaya tutulungan ni Maita si Milo pero palabas lang pala ito ni Maita. Ikukulong ni Maita si Milo sa pinto at tuluyan nang makakalabas ng kanyang silid.

Mabilis namang malalaman ni Donald ang nangyari kay Maita at Donald. Mabubuhusan ni Donald ang mukha ni Maita ng alak sa isang kumprontasyon. Sa paghabol ni Donald ay masusubsob ang mukha ni Maita sa isang bonfire at magliliyab ang kanyang mukha!



Wednesday (December 8)


Seryoso ang sugat na natamo ni Maita sa mukha matapos siyang aksidenteng madapa sa nagbabagang apoy gawa ng pagtakas kay Donald. Kayanin kaya ni Maita ang operasyon at ano ang idudulot nito sa maganda niyang mukha?

Tapos na ang operasyon sa mukha ni Maita subalit nakabenda pa din ang mga mukha niya tanda ng malalang kundisyon nito. Nangako naman si Donald na mamahalin si Maita ano pa man ang kalabasan ng operasyon sa mukha ng babaeng iniibig.

Hindi magtatagal ay magigising na nga si Maita matapos ang operasyon. Laking gulat niya matapos malaman ang kalagayan niya. Galit si Maita kay Donald at sinisisi niya ito sa sinapit niya. Hindi siya nagtagumpay sa pagtakas at ngayon ay nag-aabang sa kanya ang isang kahindik-hindik na katotohanan na nagtatago sa mga benda ng kanyang mukha.

Habang pilit na nabubuhay si Maita para sa kanyang mga mahal ay tuluyan na ngang pagdedesisyunan nila Amparo ang paglimot sa mapait nilang nakaraan. Upang tuluyan na ngang makalimutan si Maita, ay aalis na sila Amparo sa Batangas upang magbagong buhay.

Patuloy naman ang paglakad ni Dorcas sa kanyang kapatid kay Marc. Marc will appreciate Dorcas’ good deed at tila lalambot ang puso ni Marc kay Dorcas.

Sa pagtanggal ng benda sa mukha ni Maita ay sasambulat na ang bago niyang mukha. Sunog ang kalahati ng mukha ni Maita!



Thursday (December 9)

Wala ng magawa si Maita kundi tanggapin ang sinapit niya. Sinisisi ni Maita si Donald sa lahat ng nangyari. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa isip ni Maita na bumalik sa mga mahal niya sa buhay. Hindi naman ito papayagan ni Donald at isisiksik niya sa isip ni Maita na wala na siyang babalikan sa kanyang buhay lalo sa itsura niya ngayon.

Hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Maita. Magagawa niyang makatakas sa silid ng ospital at muli silang magkakaharap ni Marc. Ligtas na nga ba si Maita?

Matapos magising ni Maita sa isang masamang panaginip, ay sisiguruhin niya na maging matagumpay ang pagtakas niya sa totoong buhay. Hindi siya mabibigo at malulusutan niya sila Milo at Donald. Nakalaya na nga si Maita.

Samantala, isang pagdiriwang ang nagaganap sa pagkakaluklok ni Rebecca bilang bagong Lakambini ng Kalikasan kapalit ng yumaong si Maita. Magkikita si Rebecca at Marc sa party at patuloy pa ring ipagsisiksikan ni Rebecca ang sarili kay Marc. Hahalikan ni Rebecca si Marc na mahuhuli naman ng mga camera ng press at media.

Hindi rin ito makakatakas sa mga mata ni Maita at mapapanood ang eksenang ito sa TV ng sinasakyang bus. Nakalaya man si Maita sa mga kamay ni Donald pero tila huli na ang dalaga sa puso ni Marc.



Friday (December 10)

Lalong tumindi ang kagustuhan ni Maita na makita at makaharap si Marc. Pinuntahan ni Maita ang village kung saan nakatira si Marc. Pinagkamalang baliw si Maita ng mga security guards dahil sa anyo at ayos niya at itinaboy siya sa lansangan. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay. Magkalayo man sila Marc at Maita ay pareho pa rin nilang hiling na muling mabuhay ang pag-ibig nila.

Bigo man si Maita na makita si Marc ay hindi pa rin sumuko ang dalaga. Bagamat napakalapit na ni Maita kay Marc ay humahadlang din ang sakit ng sugat ni Maita sa mukha. Magtagumpay pa kaya si Maita na makaharap si Marc sa lumalala niyang kalagayan?

Sa pagbawi ng lakas ni Maita ay muli niyang pupuntahan si Marc. Malulusutan na niya ang mga guwardiyang nagtaboy sa kanya. Mukhang mas lumaki ang pag-asa ni Maita!

Tagumpay na nakarating si Maita sa harapan ng mansion ng mga Sandoval. Walang sinayang na sandali si Maita at tinawag niya ang pangalan ni Marc. Aakalain ng mga Sandoval na masamang tao si Maita kaya’t papakawalan nila ang mga aso at ipapahabol si Maita sa kanila.

Makakaligtas si Maita sa mga aso at muling maitataboy palabas ng villagae. Gula-gulanit na ang damit ni Maita, pagod at wala ng lakas. Makakatulog siya sa kalye. Isang kotse ang hihinto sa harapan niya. Isang lalaki ang makakapansin sa kanya, siya ay walang iba kundi si Marc!

Beauty Queen Week 7 Highlights

POST