<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 6, 2010

Beauty Queen Week 7 Highlights – November 29 to December 3

Tuluyan na ngang ililibing ang bangkay ni Maita. Magbibigay ng huling habilin ang lahat ng mga taong nagmahal sa kanya, kasama na si Marc, Dante, Anya at Amparo.


Tuesday (NOVEMBER 30, 2010)


Pilit nang tatanggapin ni Marc ang pagkawala ni Maita para sa ikabubuti ng mga naiwan niya subalit makakatanggap siya ng tawag tungkol sa isang survivor na namataan isang isla. Tila mabubuhay ang pag-asa ni Marc na maaaring buhay pa si Maita.

Matutunton agad ni Marc ang lugar kung saan may nahanap na survivor ng plane crash ngunit may ibang makakakuha sa sinasabing babae. Patuloy na maghahanap sila Marc upang makasiguro sa kaniyang hinala.

Magigising na lamang si Maita na may trauma pa sa aksidente, tuliro at tila wala sa sarili. Kasama ni Maita ang lalaking nakakuha sa kanya, si Donald Cervantes.

Pinagamot at kinupkop ni Donald Cervantes si Maita. Subalit tila walang planong ibalik ni Donald si Maita sa kanyang pamilya lalo na kay Marc.

Marc smells something fishy sa mga testimony ng mga mangingisda. Malalaman nila ni Greg na hindi totoo ang sinasabi ng mangingisda sa kanila tungkol sa katauhan ng babaeng naka-survive sa plane crash.

Hindi magtatagal ay babalik na rin sa ulirat si Maita. Maaalala niya ang aksidenteng nangyari sa eroplano. Hahanapin ni Maita si Marc at nanaising bumalik sa kaniya subalit hindi papayag si Donald sa gusto ng Beauty Queen!

Beauty Queen Week 6 Highlights



Wednesday (DECEMBER 1, 2010)


Muling bumalik sila Marc at Greg sa isla upang puntahan ang lalaking nagsasabing nakakita sa plane crash survivor. Mas lalong lalalim ang kanilang pagtataka sa balitang patay na ang lalakng kanilang pakay.

Pinangako ni Donald kay Maita na ibabalik siya nito kay Marc sa oras na gumaling ito. Inip na inip na si Maita na makitang muli si Marc kaya gagawa siya ng paraan upang makontak ito subalit malalaman niya na putol ang linya ng telepono sa kaniyang kuwarto. Niloloko lang siya ni Donald!

Kukumprontahin ni Maita si Donald tungkol sa pagsisinungaling nito sa kanya. Wala ng magagawa si Donald kundi ikulong si Maita at aminin na wala na siyang plano na ibalik pa siya sa kanyang pamilya.

Samantala patuloy ang pagdadalamhati ng pamilya ni Maita. Sinisisi ni Dante si Marc na siyang dahilan ng pagkamatay ni Maita. Gayundin, ililipat na kay Rebecca ang korona ng Lakambini ng Kalikasan matapos ang pagkamatay ni Maita.


Thursdsay (DECEMBER 2, 2010)


Nakalusot si Maita kay Donald pero mabibigo pa rin siya dahil si Milo (Dino Guevarra) mismo ang makakapigil sa tuluyan niyang pagtakas.

Magbibigay ng tulong sila Marc at Greg sa pamilya ng namatay na mangingisda na nakakita sa survivor. Hindi nila aakalain na isang panibagong lead ang malalaman nila mula sa asawa nitong si Melba (TBA). Aaminin ni Melba na isang bata at magandang babaeng ang nakita sa dalampasigan. Magugulat si Melba matapos ipakita ni Marc ang larawan ni Maita.

Hindi mamumukhaan ni Melba si Maita dahil sa bugbog at pasang natamo nito nuon. Malaki pa rin ang pag-asa ni Marc na masasagot nila ni Greg ang palaisipang ito. Hindi sila sumuko at magtatanung-tanong sila sa mga tao doon. Mapapadpad sila sa resthouse ni Donald at mapagagtatanungan nila Greg at Marc si Milo .

Itatanggi ni Milo ang tungkol kay Maita pero bago pa man makaalis si Marc at Greg sa resthouse ay makikita ni Maita mula sa kanyang bintana si Marc.


Friday (DECEMBER 3, 2010)


Nabigo si Maita at tuluyan na ngang nakaalis si Marc na hindi nalalaman na nandoon siya. Kukunin ni Maita ang loob ni Milo at hihilingin niya kay Milo na tulungan siyang tumakas.

Hindi kayang pagtaksilan ni Milo si Donald kaya muling nabigo si Maita sa kanyang plano . Sa muling pagdalaw ni Milo sa silid ni Maita ay maaabutan niya ang pagdaing nito ng matinding sakit. Kaya tutulungan ni Maita si Milo pero palabas lang pala ito ni Maita. Ikukulong ni Maita si Milo sa pinto at tuluyan nang makakalabas ng kanyang silid.

Mabilis namang malalaman ni Donald ang nangyari kay Maita at Milo. Mabubuhusan ni Donald ang mukha ni Maita ng alak sa isang kumprontasyon. Sa paghabol ni Donald ay masusubsob ang mukha ni Maita sa isang bonfire at magliliyab ang kanyang mukha!

Beauty Queen Week 6 Highlights

POST