<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 26, 2010

Bantatay Highlights – November 26 to December 2

Bantatay Week 10 Highlights

Friday (November 26)

Sasabihin ni Joanna sa mga bata na nasa katawan ni Bantay ang kaluluwa ng tatay nilang si Bernard. Hindi agad maniniwala si Emily, habang alangan naman si Junix dahil hindi pa naalis sa kanya ang nararamdamang guilt sa pagkamatay ng ama. Tanging si Farrah lang ang agad na tatanggap sa sitwasyon ng ama at masaya siyang kasama pa nila ito kahit nasa katawan na ng aso.

Dahil sa pilit na pag-iwas kay Bantay/Bernard, mapapahamak si Junix at ililigtas siya ni Bantay/Bernard. Bibigyan ni Bernard ng ESKIMO KISS si Junix, at ito ang magiging daan para paniwalaan ni Emily na nasa katawan nga ni Bantay ang ama nila. Masayang-masaya si Bernard nang kilalanin siyang ama ng tatlo.

Bantatay Week 9 highlights



Monday (November 29)

Tatawaging BANTATAY ni Farrah si Bantay/Bernard dahil nalilito na sila kung ano ang itatawag sa amang nasa katawan na ng aso. Sasali sa doggie pageant si Bantatay kahit na ayaw ni Emily – sasabihin niya sa mga anak na sa dog Olympics niya nakita si Marcela noon kaya malaki ang tsansa na makita nila ito sa dog show. Magkakaharap na naman si Anne at Emily sa dog pageant at magkaka-away, lalong maiinis si Clarita kay Emily at sa mga kapatid nito.

Samantala, matutunton nila Daisy ang mga bata sa registration ng doggie pageant. Pipilitin nilang makapasok pero hindi maaari dahil wala silang pet dog. Frustrated na sina Daisy dahil nauubos na ang araw sa kanilang countdown – malapit nang ma-expire ang lotto ticket at baka hindi na nila makuha ang premyo!

Muling dadalhin ni Bantatay ang mga bata sa bahay ni Clarita para magpakilala bilang mga anak ni Marcela at Bernard. Paniwalaan kaya sila ni Clarita?


Tuesday (November 30)

Itataboy ni Clarita ang mga bata, hindi niya paniniwalaan ang mga ito dahil para sa kanya, mga manloloko at manggagantso sila. Babalik sana ang mga bata para magdala ng pruweba kay Clarita, ngunit malalaman nilang lumipat na sila ng bahay.

Na-elit na pala ng bangko ang bahay ni Clarita kaya lilipat silang lahat sa poder ni Simon. Mababanggit ni Clarita ang tungkol sa mga batang nagpapanggap na mga anak ni Marcela kay Bernard. Maa-alarma si Simon pero paninindigan niya ang sinabi kay Clarita na walang mga anak si Marcela at manloloko lang ang mga batang nagpunta sa kanila.

Hindi naman agad mawawalan ng loob ang mga bata. Umaasa sila na makikita si Marcela sa doggie pageant. Pero pagdating nila sa pageant, iba ang naghihintay sa kanila – sina Daisy! At may kasama pa silang nakakatakot na aso dahil kasali din sila sa doggie pageant!


Wednesday (December 1)

Hindi agad makaka-atake sina Daisy sa mga bata dahil maraming tao at magsisimula na ang pageant. Gusto nang umalis ng mga bata pero mapipigilan sila ng mga organizers. Plano na lang nila na hanapin si Marcela habang busy ang grupo nila Daisy sa pageant at umalis agad pagkatapos ng event para hindi na sila mahuli.

Hindi agad makikita ng mga bata si Marcela, pero makikita sila ni Simon! Matataranta si Simon, pipigilang sumunod si Marcela sa doggie pageant pero hindi niya ito mapigil. Pilit na ilalayo na lang ni Simon si Marcela sa venue ng pageant hanggang sa magtataka na si Marcela kung may itinatago sa kanya si Simon.

Balak dognapin nila Daisy si Bantatay, at gagamitin nila ang asong si Peklat para sa misyon nila. Pero mapapahamak pa si Peklat dahil sa utos ni Daisy at si Bantatay ang magliligtas dito. Lalabas na dog hero si Bantatay at siya ang mananalo sa doggie pageant! ((=


Thursday (December 2)

Bigo ang mga bata na makita si Marcela kaya magmamadali na lang silang umalis sa lugar pagkatapos i-award ni Bantatay. Pero makikita pa rin sila nila Daisy at papasugurin niya si Peklat sa mga bata! Hindi naman agad susugod si Peklat, hanggang sa sina Daisy ang sinugod niya! Tumanaw ng utang na loob si Peklat kay Bantatay kaya tutulungan din niyang makatakas ang mga ito mula kina Daisy.

Magkakahiwa-hiwalay ang lahat dahil sa kanilang pagtakas, at dahil dito, makikita nila Farrah at Junix si Marcela sa venue. Hindi nga lang nila nalapitan ito dahil biglaang sinundo ng kotse ni Simon! Taka ang mga bata na hindi man lang sila nilapitan ng ina.

Ililigaw ni Bantatay sina Bruno at Baldo para mailayo sa mga anak niya – pero nang akala niyang ligtas na rin siya ay biglaang may kamay na huhuli sa kanya! Nahuli na ba nila Daisy si Bantatay?!

Bantatay Week 9 highlights

POST