<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 25, 2010

BEAUTY QUEEN WEEK 2 HIGHLIGHTS – October 25 to 29

Monday (OCTOBER 25, 2010)

Handa na si Maita na sumali sa Ms. Palengke ng Agusan Talipapa sa pag-asang makuha niya ang korona at premyong sampung libong piso. Gagawin niya ito para sa kanyang inang lumulubha ang sakit at nasa hospital pa rin. Kahit na taos sa puso ang pagnanais ni Maita na tulungan ang ina ay itataboy pa rin siya ni Amparo. Ililihim nila Maita ang pagsali niya sa Ms. Palengke kay Amparo.

Samantala, hindi naman sumusuko si Rebecca na mapansin ni Marc kahit wala naman talagang gusto ito sa kanya. Hindi naman makalimutan ni Marc ang babaeng nakuhanan niya ng larawan sa scenic bridge. Interesado siyang makilala at makuha ang pangalan nito.

Sila Larry at Anya naman ang aligaga para sa paghahanda ng gown na susuutin ni Maita sa contest. Hindi nila alam na bukod sa problemang ito ay nagbabadya ang planong pananabotahe ng isang kontesera na sakim din sa korona, si Gracia.

Inilabas naman ni Leavida ang gown na ginamit niya nuong lumaban siya sa Bb. Isla Pilipinas. Nais niya itong ipasuot kay Rebecca sa pagsali nito sa Bb. Isla Pilipinas, pero may mas nagnanais na magsuot nito at makuha ang korona... si Dorcas.

Makakahanap ng gown si Anya para sa mahal niyang pamangkin. Tuwa naman si Maita na nasolusyunan na nila ang problema nila. Handa na sanang lumaban si Maita sa Ms. Palengke pageant pero masusunog ang gown na hiniram ni Anya para sa kanya!

Beauty Queen Week 1 Highlights

Tuesday (OCTOBER 26, 2010) 

Nawalan na ng pag-asa si Maita matapos masunog ang gown na gagamitin niya sa contest. Tila anghel na sagot sa panalangin ni Maita si Rebecca matapos siguruhin na pahihiramin niya ng gown ang kaibigan.

Makakarating si Maita sa pageant bago paman ito magsimula. Hindi dito natapos ang pagsubok ni Maita dahil sa mismong kumpetisyon ay hindi siya tatantanan ni Gracia. Papatirin ni Gracia si Maita at matutumba sa harap ng lahat ng mga nanunuod.

Babangon si Maita sa pagkakadapa at ipagpapatuloy ang laban. Inaabangan naman nila ang pagdating ni Rebecca dahil ihahabol nito ang gown na ipinangakong ipapahiram sa kaibigan. Sa pagkakatawag ng pangalan ni Maita sa entablado ay gulat ang lahat sa paglabas niya. Sa unang pagkakataon ay makikita ng lahat ang kagandahang tinatago ni Maita San Miguel.

Samantala, hindi sinasadyang masasabi ni Clifford kay Amparo ang pagsali ni Maita sa Ms. Palengke. Magmamadaling aalis si Amparo sa ospital at susugurin si Maita sa pageant. Malalaman naman ni Leavida na nawawala ang gown niya. Pagbibintangan ni Leavida si Dorcas na kinuha ang gown pero lingid sa kanilang kaalaman na pinahiram ito ni Rebecca kay Maita.

Sa Q and A portion ng Ms. Palengke ay muling papatunayan ni Maita ang sarili at mula sa inspirasyon ng kanyang ina ay sasagutin niya ang tanong sa kanya ng bonggang bongga. Tatanghalin si Maita bilang Ms. Palengke. Ito ang eksenang aabutan ni Amparo subalit imbis na matuwa sa anak ay isang sampal ang ibibigay niya kay Maita.

Wednesday (OCTOBER 27, 2010) 

Nakuha man ni Maita ang korona bilang Ms. Palengke ng Agusan Talipapa, hindi pa rin niya nakuha ang pagmamahal ni Amparo. Lalong nagalit si Amparo nang nalaman niya na ang suot na gown ni Maita ay kay Leavida.

Pinagbintangan naman ni Leavida si Dorcas na nagnakaw ng gown niya. Inilihim naman ni Rebecca sa kanila ang pagpapahiram kay Maita ng gown kaya napapahamak si Dorcas.

Dadamdamin ni Maita ang nangyari kaya susubukan niyang makalimot. Iinom siya ng alak. Dahil na din sa pagkalasing ay mapapadpad si Maita sa scenic bridge kung saan nandoon din si Marc Sandoval noong oras na iyon. Aakalain ni Marc na magpapakamatay si Maita kaya pipigilan niya ito. Babagsak ang dalawa nang magkayakap at magkakalapit ng hindi inaasahan.

Amuzed si Marc sa kagandahan at character ni Maita lalo na at lasing ito. Hindi pababayaan ni Marc si Maita. Aalagaan ni Marc si Maita hanggang mahimasmasan hanggang magumaga. Magkakapalagayan ng loob ang dalawa ng hindi man lang nila alam ang pangalan ng isa’t isa.

Thursday (OCTOBER 28, 2010) 

Magigising si Maita sa loob ng kotse ni Marc. Habang tulog ang lalaki ay aalis si Maita at mag-iiwan lamang ng isang note upang magpasalamat. Sa pag-uwi ni Maita ay makakasalubong niya si Leavida Rivas. Makikilala ni Leavida ang gown na suot-suot ni Maita. Ito an gown niyang nawawala.

Buking si Rebecca sa pagsisinungaling sa kanyang ina pero dahil favorite siya ni Leavida ay hindi siya papagalitan ng ina tulad ng ginawa nito kay Dorcas. Dadamdamin naman ni Dorcas ang eksenang ito at tanging sa ama niyang si Virgilio siya tatakbo.

Magkakabati rin ang magkapatid na Rebecca at Dorcas subalit papaalalahanan ni Dorcas na tigilan na ni Rebecca na makipagkaibigan kay Maita pero tila wala ito sa plano ni Rebecca. Hindi naman makalimutan ni Marc ang karanasan niya sa babaeng nakasama niya. Hanga si Marc sa kagandahan ni Maita may ganda siya na tulad ng iba pang mga babaeng kinahumalingan ni Marc.

Sa pag-uwi ni Maita ay matatapos ang pag-aalala nila Anya at Dante. Matapos ang lahat ay hindi pa rin nababawasan ang galit ni Amparo sa anak. Sariwa pa rin ang sugat ng mapait na nakaraan ni Amparo. Muli siyang iinom ng alak upang makalimot at ipapamukha kay Maita na siya ang dahilan ng paglalasing nito.

Magdedesisyon si Maita na lumayo sa kanyang ina. Iniisip niya na maaaring magig mas mabuti ang kalagayan ng ina kung hindi siya nito nakikita. Sa pag-alis ni Maita sa kanila ay isang panibagong panganib ang masasalubong niya. Isang lalaki ang magtatangka na pagsamantalahan si Maita pero isang lalaki din ang sasagip sa kanya, si Virgilio Rivas!

Friday (OCOTBER 29, 2010) 

Laking pasasalamat naman ni Maita kay Virgilio. Wala siyang kaalam-alam na ito ang lalaking naging sanhi ng mapait na nakaraan ni Amparo, na si Virgilio ang kanyang ama. Tutuloy si Maita sa parlor ng mga kaibigan niyang bading na sila Larry at Roda at duon ay mamamasukan pansamantala.

Habang nagba-bonding naman ang magkapatid na Dorcas at Rebecca ay makakabangga nila si Marc Sandoval. Diretsahang aaminin ni Rebecca kay Marc na gusto siya nito. Hahalikan ni Rebecca si Marc in public. Hindi naman magugustuhan ni Dorcas ang ginawa ng kapatid kaya pagsasabihan niya si Rebecca. Hindi naman big deal kay Marc ang ginawa ni Rebecca dahil interesado siya sa ibang babae at hindi kay Rebecca.

Tumitiyempo naman si Dante na magtapat kay Maita ng paghanga nito sa kaibigan pero mauudlot itong muli sa pagdating nI Rebecca. Muling magba-bonding sila Maita at Rebecca. Maikukuwento ni Maita ang problema niya sa kanyang ina. Makukuwento din ni Rebecca ang paghanga niya sa isang lalaki at kung gaano niya kagusto na makuha ito.

Muling magkikita si Maita at Marc. Hindi na palalagpasin ni Marc ang pagkakataon na aminin kay Maita na gusto niya ang dalaga. Walang kaalam-alam si Maita na ito rin ang lalaking ikinikuwento ni Rebecca na gustong-gusto niya.

Beauty Queen Week 1 Highlights

Related Links
IS IZA CALZADO THE NEW RETOKE QUEEN?
In the new Telenovela Beauty Queen, who do you think is the sexiest? (Poll)

POST