MARAMI NA kaming napanood na pink films or pelikulang pambading at karamihan sa kanila ay mere sexploitation flicks na walang redeeming value. Marami na rin kaming napanood na pelikula ni Director Neal Buboy Tan. Isa kanila ay medyo okay, “Kalabit” with Ara Mina, at ang isa ay talagang okay, “Ataul for Rent” (about dehumanizing poverty), and he now comes up with his best work so far, “Tarima”.
Ito ay isang gay love story tungkol sa isang nalulumbay at may edad ng binabaeng dressmaker, si Roselo (Fanny Serrano) at ang nakilala niyang city jail convict (Rocky Salumbides). Si Roselo ay iniwan ng kanyang mga magulang at pinalaki ng isang malupit na lola, si Imang (Gloria Romero). Dahil sa walang awing pambubugbog sa kanya ng lola niya na gamit ang tungkod niya, nabulag ang isang mata niya. May assistant ang lola niya (Rustica Carpio) na nakikisimpatiya sa kanya pero ito man ay pinagmamalupitan din ni Imang.
Ang pinakamatalik na kaibigan ni Roselo ay isang baklang tindera ng bulaklak sa palengke (Chokoleit). Pinipilit siya nitong makipagtalik sa callboy pero ayaw niya. Si Chokoleit ang sumama sa callboy na nang matapos sila ay inumangan siya ng balisong. Sa susunod na eksena, nasa presinto na si Chokoleit dahil napatay raw nito ang callboy. Nabilanggo ito sa city jail at habang nakapiit ito roon ay dinadalaw ni Roselo.
Sa kanyang mga pagdalaw rito ay namataan niya ang isang lonely young convict na lumalayo sa karamihan at mag-isang naninigarilyo habang nakatingin sa malayo (Rocky Salumbides). Pinagkilala sila ni Chokoleit at sa simula ay mailap ang lalaki. Pero dahil sa pagiging thoughtful ni Roselo na laging may dalang pasalubong ay naging magkaibigan sila. Dahan-dahan angf paged-develop sa kanilang friendship until finally, Rocky opens up to Roselo and tells him about his past. Nasangkot daw siya sa isang krimeng nadamay lang siya at matagal na niyang hindi nakikita ang kanyang asawa’t anak at nagtataka siya kung ano na ang nangyari sa mga ito.
Hinanap ni Roselo kung saan nakatira ang mag-ina. Natagpuan niya ang anak nito na inaalagaan pala ng lola at ang yaya ay si Tiya Pusit. Sinabi ng yaya na ang bata ay matagal nang iniwan ng ina nito (Ana Capri). Kinunan ni Roselo ng litrato ang bata at ipinakita iyon kay Rocky na tuwang-tuwa. Nagsinungaling si Roselo at sinabi kay Rocky na dadalawin din siya ng misis niya pero busy pa ito.
Nakuha ni Roselo ang address ng bagong tirahan ni Ana mula kay Tiya Pusit na nasa isang malayong probinsiya at hinanap niya ito. Nalaman niyang may bago na itong asawa (Alvin Fortuna) at wala ng balak bumalik pa kay Rocky. Muli ay nagsinungaling si Roselo kay Rocky upang hindi ito mawalan ng pag-asa. Ngunit lingid sa kanya ay sinadya na pala ni Ana si Rocky at sinabi ritong may bago na siyang asawa. Na-realized ni Rocky how much Roselo cares for him at kusa na itong nakipagtalik sa kanya kahit dati ay takot ito sa bakla.
Aakalain mong magtatapos sa happy ending ang gay love story na ito ngunit may twist sa kuwento na siempre ay hindi na naming idedetalye sa inyo para masorpresa naman kayo when you watch the film. Sapat ng sabihin naming si Roselo ay naging isang positive agent of change upang magkaroon ng redemp;tion ang dalawang tauhang kanyang minamahal: sina Gloria at Rocky.
Ng papel ng Roselo ay isang matinding acting vehicle for Fanny, lalo na ang madamdamin niyang acting highlight kunsaan finally ay nagrebelde siya sa pagmamalatrato sa kanya ng abusado niyang lola. Magpapagunita ito sa inyo ng similar na eksena ni Lolita Rodriguez in Lino Brocka’s “Bukas Madilim Bukas” in the trilogy “Tatlo Dalawa Isa” na sa wakas ay umalma rin si Lolita laban sa dominanteng inang si Mona Lisa.
Ang sequence naman kunsaan ang isang sewing machine repairman (Raymond Cabral) ay siya pang lumandi at tumukso kay Roselo (na may eksena pang they are cavorting on the staircase with Fanny giggling and squirming like a teenage girl in heat) ay isang wish fulfilment scene for gays na nangangarapna sila man ay matagpuan ang kanilang man of their dreams someday.
Mahusay si Rocky in giving a solid portrayal of the angst-filled prisoner na nakatagpo ng pagmamahal at atensiyon sa mapagkandiling kandungan ng isang nangungulila ring bakla. Hindi rin matatawaran ang kusay niy Gloria Romero sa papel ng mapang-aping lola na akala mo’y napakarelihiyosa at laging nagrorosaryo pero isang usurerang mahigpit sa mga may utang sa kanya. Sabi nga niya sa amin, “Ako na ang bagong Etang Discher”. Si Etang ay kilala sa contravida roles nito noong araw sa Sampaguita Pictures at isa sa famous films niya ay ang “Ang Biyenan Kong Di Tumatawa” where she played the title role and Gloria was her oppressed daughter in law.
Bukod kay Gloria, napakagaling din ni Rustica Carpio as Gloria’s faithful assistant who has worked for her sa loob ng maraming taon. Ang mga eksena niyang walang dialogue nang siya’y magkasakit at inaalagaan siya ni Fanny ay tunay namang makabagbag-damdamin. Pero si Gina Alajar ay naaksaya sa isang walang kuwentang papel bilang isang pirated DVD vendor. Ang mga eksena namang nagpapakita ng gay beauty pageants sa loob ng piitan ay sobrang paulit-ulit at dapat lang na iklian. Sa totoo lang, maraming tao ang hindi nakakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng salitang “Tarima” and it’s not even properly explained in the movie. It turns out it refers to the cubicles in prison used by inmates and their partners for conjugal visits.