<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jun 24, 2020

SHARON CUNETA NOT ON A FORGIVING MOOD AND IT'S UNDERSTANDABLE










SHARON CUNETA is fuming mad. She’s in a fighting mood. First, she answered a man who claimed to be a Dutertard and maligned her husband Sen. Kiko then threatened to rape her daughter Frankie Pangilinan who dared answer those who blame rape victims for what happens to them. Here’s what she told her detractor:

“What an a**h**e of a father. Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino. Pinagmamalaki mo pang DUTERTE SUPPORTER KA, ganon ba?

Alam mo bang kahihiyan ka sa Pangulo? At para sa kaalaman ng isang bobong katulad mo, ang Juvenile Justice Law ay hindi para hindi parusahan ang mga kabataang may krimen kundi kung seryoso ang offense ay pananagutan pa rin ngunit ihiwalay sila sa mga hardened criminals na maaaring abusuhin naman sila - at managot sa isang prosesong angkop sa kanilang pagiging menor de edad! Ayon sa batas kung serious offense, minimum isang taon pa rin silang kulong at maaaring mas matagal.

"BAGO KASI MAMINTAS NG BATAS NA GAWA NG SENADOR, ARALIN MUNA. (Sorry po mga Sharonians but this monkey crossed the line.) BOBO. TANGA. HIGIT SA LAHAT, WALA KANG TAKOT SA DIYOS! Ang kapal ng pagmumukha mong patulan ang issue at pagsalitaan ng ganito ang anak ko! Tayong dalawa ang magharap - di ko man lang iistorbohin ang asawa kong humarap sayo - tutal baka magmukha kang aso pag ako nakaharap mo! Di kita uurungan.

"HINDI MO AKO KILALA, PAG ANAK KO NA ANG BINASTOS MO. O, BAKIT TINANGGAL MO NA ANG LAHAT NG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS MO AT PINALITAN MO PATI PICTURES? We are now verifying our leads to your employers. Wow kung puede lang liparin!!!✈️ I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.

"I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU.

"HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA. @bernsrp @indaysaraduterte (SHARONIANS, remember this monkey’s face and name please.)”

AND THIS IS FOR writer Ronald Carballo who used to be her PRO but has been maligning her a lot lately:

“At ikaw, Ronald C. Carballo, na ilang taon na akong pilit na sinisiraan, this is for you!

Ikaw na walanghiya ka, na tinuring ko pa manding kaibigan noong teenage years ko, ilang taon ko nang hindi pinapansin at sa lahat ng nakilala at naging kaibigan ko sa Press ay NATATANGI at KAISA-ISA KONG HINDI NA KAIBIGAN NGAYON, ang laki ng problema mo.

Bakit hindi na tayo magkaibigan? Hindi ba noon sasanto santo ka? Napakabait mo? Hanggang sa mahumaling ka sa lalaki at pera at kung anu-ano na ang pinagsusulat mo kahit di mo na ako nakakausap dahil ang akala ng mga tao “close” pa rin tayo?

Nag-Born-Again Christian ka pa kuno at naging close pati kay TF Fanny Serrano. Ano nga ba ang ginawa mo sa pera ng first time movie producer na nagtiwala sa ‘yo at nagpatulong na i-produce ang movie ni TF?

Kamusta naman ang mga kwento mong gawa-gawa pati sa interview mo para sa 25th Anniversary Concert Special ko?

"Parang dami mo pa ring alam sa buhay ko samantalang after Rowell at nagbalikan kami ni Gabby at nabastos mo si Rowell sa write-up ganong nasaktan na nga namin yung tao sa pagbabalikan namin ni Gabby noon, lumayo na akong sadya sa yo dahil NAPAKALAKI NG PINAGBAGO NG UGALI MO—mali-mali ang mga kwento mo sa special ko, kasi nga wala ka nang alam sa buhay ko ilang taon na nakaraan! Nakakatawang nakakainis. Eh hindi naman sinabi sa akin na may “surprises” silang ininterview for the TV airing at sinali ka nila doon! Kung alam ko lang sana nasabi kong dekada na kaming di magkaibigan!

Nung minsang nag-birthday ka sa Friday’s sa Manila at nakiusap ka sa aking sana makapunta ako kasi sabi ng Manager sayo, pag napapunta mo ako, libre na lahat ang inorder mo. Pagod na pagod ako dahil buong linggo akong nag-shooting, puyat ako ng Sabado ng gabi hanggang Sunday morning, tapos nag-THE SHARON CUNETA SHOW AKO ng gabi.

"Doon ako galing. Kahit di na tayo close, but because of TF and because he said Christian ka na daw, at para malibre ka, nagpunta pa ako kahit may shooting pa ako uli the next day.

Sabi mo plastic ako di ba? So bakit di ako nagsisipsip sayo over the many years na tinitira at sinisiraan mo ako? Ang daling gawin nun kung plastic ako at gusto ko. FYI, malayo na ang narating ko sa loob ng 42 years. Bilyonarya na ako sa sariling pera ko, matagal ko nang nalagpasan ang yaman ng mga magulang ko.

"Long before TV5 jusko meron na ako niyan! Ikaw pa?! Eh padalhan kitang isang bundle ng cash eh di bati na sana tayo! Ginawa ko ba? Hindi. Kasi MASAMA ANG PAGKATAO MO, RONALD. Nalulungkot ako sa nangyari sa yo.

Hindi ako nabawasan ng matitinong kaibigan. Sila yung mga makakaasa sa akin hanggang magkatandaan na kami. Kasi sa gulo ng showbiz, mga totoong tao sila sa Press. At may mutual respect at love kami sa isa’t-isa. Sayang at hindi mo napakinabangan kahit dulo ng daliri ko ng oo - pinagmamalaki ko kahit humarap ako sa Panginoon ngayon din - TAPAT AT MAPAGMAHAL KONG PUSO NA DI GAWA SA PLASTIC! Di tulad ng sayo. Yun ay kung may puso ka pa.

At anong GIMIK ang pinagsasabi mong que nagpapaawa ako, pinapahamak ang anak, walanghiya ako, flop lahat ng pelikula ko at pati ang announcement kong retirement ay GIMIK LAHAT?!!! Kailan ako GUMAMIT NG GIMIK SA LOOB NG 42 YEARS KO SA SHOWBIZ? Maaaring di na singlaki ng kinikita ng movies ko noong naka siyam

- count them - NINE - still UNMATCHED na BOX-OFFICE QUEEN TROPHIES ang kinikita ng movies ko ngayon. Pero huwag masyadong mabilis sa pagbitaw ng salitang “FLOP.” Ang comeback ko hindi parating. Palpak ka na naman. 2017 pa ako nag-comeback sa pelikula! Naaalala mo ba ang isang pelikulang tinatawag na UNEXPECTEDLY YOURS na tumabo ng mahigit 300++milyon sa takilya?

"Pati naman ang THREE WORDS TO FOREVER NA LIMITADO ANG PWEDENG GAWING ISTORYA DAHIL COMMITMENT NG STAR CINEMA SA REBISCO YUNG PROJECT ay DISENTE ANG KINITA. Yung KUWARESMA nakabawi kami dahil sa Netflix - nakakatakot siguro masyado at di naman ako nanghinayang dahil napaka high-quality naman ng pelikula namin yon ni Direk Erik Matti at Kuya Dondon Monteverde.

"FYI, kundi nagka COVID19, tapos na sana ang 2 pelikula ko for the year, isang multi-city concert tour sa AUSTRALIA, isang multi-city concert tour with REGINE ng ICONIC at 5 corporate shows (alam mo ba kung magkano ang talent fee ko para sa tatlong kanta for a corporate show?) and two TVCs. Grabe laos na laos na talaga ako at kailangan ko talagang gumimik!

"Ayoko pa magretire kaya kailangan kong gumimik dahil WALA NA AKONG TRABAHO!!! Nakakaawa na ako! Wala akong career! Wala akong pera! Wala akong PAMILYA! Wala akong KAIBIGAN! Ay teka - ikaw pala yon! Bakit sa FACEBOOK KA NA LANG NAGSUSULAT AT ABSENT KA SA MGA PRESSCON? Dahil ba trinaydor mo rin lahat ng Movie Production Companies at TV Stations?

"Ang daming galit sayo!!! Grabe ka!!! Dapat hinarap mo ako noon pa. Di ka naman natatakot kahit kanino kaya puro BLIND ITEMS lang ang kaya mo di ba? Ako HINDI AKO DUWAG, RONALD. HINDI MO YATA ALAM YON KASI NGA ILANG DEKADA NA KITANG NILAYUAN.

PLEASE LANG - ang pinaka hindi ko matanggap ay ang paggamit mo sa pangalan ng PANGINOON. Para pagtiwalaan ka? Paniwalaan? Pero pag binasa ang mga pinagsusulat mo, kitang-kita naman ang totoong asal mo!

Meron ka pang sinasabing “naku kung puede lang magsalita...” or something - OMG ng ANOOOOOOOO??!!!!! Ni anino mo nga dekada ko nang di nasisilayan! WALA KANG ALAM SA BUHAY KO. PATI FRIENDS KO SA PRESS, HINDI MO FRIENDS. NAKAKAHIYA AT NAKAKAAWA KA.

THAT’s IT. That’s all I’ve got to say about someone who implied that I WOULD GO GREAT LENGTHS FOR A GIMIK THAT I WOULD RUIN MY OWN DAUGHTER’S REPUTATION FOR SOME ATTENTION. Excuse me - nagbabawas nga ako ng attention at 54 na ako. In fairness may career pa ako ha! At iba ang kinalakihan ko. Hindi kami ganong klaseng pamilya. Kung may tunay na may ugaling masama sa mga anak ko, lalabas at lalabas yon kahit hindi na ako magsalita.

"INA AKO. Hindi ako ang sisira sa sarili kong anak. Maliban na lang kung may masira ang ulo sa kanila at ako ang walanghiyain o baligtarin. Aba apat ang anak ko at dala ko pa rin ang mga pangalan ng Mommy at Daddy ko! Dedepensahan ko ang reputasyon namin kahit sa kadugo ko pa! AT DI AKO SIRAULONG KATULAD MO. SINUNGALING KA. KAYA HINDI KITA KAIBIGAN.

YUN LANG. Sana bumalik ka sa pagdarasal mula sa puso mo, nang magkaroon ka ng kapayapaan at kaligayahan na totoo. Walang klaseng fame o fortune o lalaki ang makakapagdulot sayo non. Bumalik ka sa Ronald na una kong nakilala. Nakakamiss yun.

ETO AT NAGLALABASAN NA ANG IBA PANG WINALANGHIYA MO! Pati ba naman Via Mare?!

Malas mo lang - ang may-ari ng Via Mare Franchise na pinuntahan mo ay ang super close friend ko, Ninang ni Miel, Music Researcher and then Executive Producer ng The Sharon Cuneta Show ng ilang taon after Direk Olive Lamasan, Producer ng ilang albums ko including Sharon Sings Alcasid,

the 10 times Platinum Award-Winning “Isn’t It Romantic” and “Isn’t It Romantic Vol. 2” and Co-Producer of “The Mega Event” and “My 40 Years” at the Araneta Coliseum, at marami pang iba! Eto ang kakasulat lang niya sa akin. Hahaha eh matagal mo nang ginagawa ito! Noon pa nakakarating na sa akin itong gawain mo pag nalilibre ang grupo ninyo! Basahin natin.

From ELOISA MATIAS: eto kwento ko na nga lang sa yo. Though this happened many years ago when our Via Mare franchsie was still located in Tomas Morato, not yet the new location now in TImog. Anyway, one morning he messaged me and said magpopost daw sya kasi (this was a tuesday) and kumain daw sya sa Via Mare and bulok daw ang kare kare.

"Sabi ko I didn't know kako let me cal the staff and my sister who manages it and ask what happened. Kasi kesyo di daw nag offer na palitan ang order at pinagbayad pa sya. So bad food, bad service daw from Via Mare. Some common friends jumped in agad and said tama daw yun na iboycott na. Agd agad, mga patolera din namna. So anyway, ito ang kwento mga 5 days before that.

I called the staff and found out he went on a Thursday, 5 days before he posted an ordered kare kare with 2 other friends. wala syang comment , say lang daw nya 'mali ang kare kare ng Via Mare kasi dapat ang buntot is buo, sa Via daw chopped, wrong way daw yun at expert daw sya na cook', that is all he said accdg to the waiter tinake out pa nya yung natira. THURSDAY yan. Nagpost sya TUESDAY, 5 days after saying bulok yung kare kare. Eto ang mas juicy na kwento related dyan.

My sister who manages said, several days ago, Ronald ate in via (before that day pa that he ordered Kare Kare) with group of Princess Revilla at bday daw ni Princess. Nagkataon andun din Mr Tuviera and Eat Bulaga group and binayaran ang bill nila that was a little less than 8k. pumunta si Ronald sa cashier and said, Mr T should not have paid for the bill, so he was asking that the cashier returned to him in cash the amount of the bill which was a little less than 8k. Syempre my sister did not agree. Nagalit si Ronad nagmumura at bina-bang pa yung glass ng cashier 

tapos ayun na after mga 2 days bumalik sya sa Via kumain ng kare kare then siniraan kami after 5 days saying bulok daw ang kare kare. ang nakakatawa when I replied to his post, I nentioned about the 8k and Mr T, he erased my post and blocked me, along with the other friends who said, that kare kare nabubulok after several days kasi may gulay. blinock nya din lahat yun.

Ronald Carballo wrote an open letter admitting he made a mistake and asked for Sharon's forgiveness, deleting all his previous posts that maligned her. But this is Sharon's latest message for him. She's obviously not in a forgiving mood as of now:

“MALINAW NA PANINIRANG PURI ANG PINAGGAGAWA MO SA AKIN. YOU DELETED YOUR VICIOUS, TOTALLY UNTRUE POSTS ABOUT ME. WHY?! Don’t worry. You see, my Sharonians are smart. NOW I HAVE SCREENSHOTS OF YOUR POSTS. At naku. May malaki kang pagkakamali…

“SA AKIN MORTAL SIN YUN…DINAMAY MO ANG MGA ANAK KONG WALA NAMANG GINAGAWANG MASAMA SAYO DAHIL SA GALIT MO SAKIN? TSK…TSK…TSK…NOW YOU’VE ASKED FOR WAR.

“OH NO, RONALD C. CARBALLO…I WILL EXHAUST EVERYTHING IN MY POWER TO GIVE YOU EXACTLY WHAT YOU DESERVE… PANGALAN AT REPUTASYON KO ANG MATAGAL MO NANG SINISIRA… Mukhang mabi-busy ako… You asked for it! And maybe you still remember… I NEVER FORGET.”

In their own entries, the fans of Ate Shawie urge her not to forgive the erring writer. We’re quoting here some of their posts: “NATAKOT LANG SIYA dahil lumabas ang pagka-DRAGON ni Sharon.”

“So sinetch ngayon ang PLASTIC? Hindi ito ang natural at norm nya. Acting lang itetch. Babalik at babalik yan sa dati nyang “old self”.”

“No sincerity. This is fake!!! Uma-acting. Ginamit na naman si Lord.”

“Ngayon patawad. sobrang grabeng paratang mga sinabi nya. saka di lang yun isang post. andami nun. pati ABS at iba pang celebrities ginanun niya, may Catriona Gray pa nga eh. ngayon bait-baitan.”

“The damage has been done! Ngayong pinansin sya tsaka sya maggaganyan. Such a loser! Well, sana lang totoong galing sa puso nya yang pagsisisi nya dahil kung hindi uulitin lang nya yung mga kadimonyohan nya.”


POST