“Friends kami lahat ngayon kahit wala na kami,” he says. “Laki ako sa lola ko and she taught me na ang mga babae, minamahal at hindi sinasaktan. Kapag may problema na kami ng sinumang naging girlfriend ko, kahit nina-nag ako, di ko na lang pinapatulan. Umiiwas na lang ako at kapag sinasaktan ako physically, I never respond at lumalayo na lang ako.”
His wife now is named Raissa. “Maganda yung pagsasama namin. Nag-mature na rin kasi ako at hindi na ako tumitingin sa ibang babae. Ang eldest kids ko, parehong 24 years old na, a boy and a girl. Yung boy, may family na rin at binigyan na ako ng dalawang apo.”
He says his role in “Higanti” is very far from what he is in real life. “Salbahe yung character ko roon, malayo sa totoong ako. Kaya maraming gustong maghiganti sa kanya. Ako, never kong pahihirapan ang mga taong mahal ko.”