SOMEONE tells us showbiz people should be more careful with titles. “Kasi nagkakatotoo, e. Tingnan mo sina Melai Cantiveros at asawang si Jason Francisco, tinawag na Melason ang love team nila, nagkaroon nga ng lason at hiwalay na sila ngayon,” says our friend. “Hindi naman natin masisisi si Jason na magselos kasi binathala talaga ang mala-diyosang kariktan at alindog ni Melay, e. Sa movies naman, yung ‘Lumayo Ka Nga sa Akin’, lumayo talaga ang mga tao sa takilya. Yung ‘Hele sa
Hiwagang Hapis’, nahapis talaga ang viewers pati producers. Tingnan mo rin yung ‘Dukot’ ni Enrique Gil, dinukot agad sa mga sinehan kaya nawala na. Yun namang ‘I Love You to Death’ ni Kiray Celis, na-dead talaga sa takilya. At yung ‘Poor Senorita’ ni Regine Velasquez, naging poor nga sa ratings at hindi natalo si Coco Martin.”