“Nabanggit niya noong isasama niya ako sa next show niya at heto, tinotoo niya,” says Boobay who also acted as host at the presscon of “Yan ang Morning”. “Nakakatuwa kasi hindi niya nakalimutan ang promise niya sa akin. Napakabait talaga ni Yan. Una kaming nagkakilala sa ‘Extra Challenge’ noong 2013. Hindi ako lumalapit sa kanya kasi nahihiya ako, pero siya pang nagpatawag sa’kin at pinapasok ako sa tent niya.
Naging close kami agad. Good influence siya sa akin kasi simba siya nang simba. Kahit saang lugar kami magpunta, ang una niyang ginagawa, hanapin ang simbahan at magsimba. Dahil sa kanya, naging malapit na rin ako kay Lord kasi naging bitter ako noon nang mamatay ang mother ko three years ago.”
When Marian became pregnant and was inactive for a while, Boobay thought they’d lose touch. “Pero hindi, kahit noong nagbuntis siya at nanganak na, hindi nawala ang communication namin at nagse-send pa siya sa’kin ng pictures ni Baby Zia. Very generous siya. Binibigyan niya ako ng mga sapatos kasi pareho kami ng size. Brand names pa. Real and sincere ang friendship niya sa akin and I’m thankful kay Lord for giving her to me as a friend.”
“Talagang I consider Boobay as a good friend,” says Marian. “Bilib ako sa kanya kasi very talented siya. And very loyal as a friend. Kaya happy ako na siya ang co-host dito sa ‘Yan ang Morning’.”