<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 28, 2014

Robin Padilla On Rumor That His Sibling Bb. Gandanghari Has Died Recently

THE ORIGINAL title of Robin Padilla’s new movie that opens today is “Kuratong Baleleng”. Why did they change it to “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak”? “Kasi baka isipin ng tao na tungkol ito doon sa gang of kidnappers called Kuratong Baleleng, kaya iniba namin,” says Robin. “Our movie is about Ongkoy Parojinog, ang lider ng Kuratong Baleleng Group na tumulong sa pakikipaglaban ng militar sa mga NPA sa Ozamis at Zamboanga. Ang nangyari, nagpunta ako sa Ozamis para maghanap ng location para sa pelikulang Tikbalang. Pagdating ko roon, ‘yung host namin, ang bisita, si General Santiago ng Special Action Force. Sabi sa akin, ‘Ikaw naman, Robin, kung ano-anong kababalaghan ang gusto mong istorya. Dito, may totoong tao, may anting-an­ting at hindi tinatablan ng bala’. ‘Yun ang gawin mong pelikula.’ Sabi ko, nasaan ho? Patay na raw pero kahit 21-years na siyang patay hindi pa naaagnas. Pinuntahan ko at talagang hindi nabubulok. Kaya sabi ko, malaking kababalaghan nga ito. Pinapunta ko si Direk Jon Villarin doon. Sabi ko, Direk imbestigahan mo nga kung bakit itong tao na ito, hindi nabulok. Alamin mo nga. Limang araw siya doon. Pagbalik niya sa akin, ‘Tol Robinhood ‘to. Mahal na mahal ng taumbayan. Naging puno siya. Kapag tiningnan mo, kulay itim na siya tapos may mga sanga sa tuhod. So naisip naming gawing pelikula ang buhay at exploits niya. Lahat ng mapapanood dito, totoong nangyari.”

Meanwhile, Robin dismisses the rumor that his brother, Rustom who became BB Gandanghari, has died but they’re keeping it a secret because he perished from a deadly disease. “Hindi totoo yon kasi may communication kami. Kung wala, baka mag-worry ako. Nakakausap siya ng Mama namin. Dapat, kasama siya rito sa movie, pero tumanggi siya kasi ang role niya lalaki.”

His daughter Kylie’s BF, Aljur Abrenica, is also in the movie. How is Aljur? “There was a time na nagalit ako kasi may shooting sila ni Kylie sa Ozamis pero naiwan siya ng eruplano. Naawa ako sa anak ko kasi nandun na siya sa Ozamis. Pero after that, wala naman na kaming naging problema. May tiwala naman ako sa anak ko. Alam na niya ang dapat niyang gawin. Welcome naman si Aljur sa aming pamilya.”

POST