<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 5, 2014

Malalaos si Kris Aquino pag lumipat siya sa GMA 7 by Ronald Carballo

by Ronald Carballo

SANA TSISMIS LANG ITO.

KASE KUNG TUTUO, PARA SIYANG ISANG PRINSESANG INALAGAAN NANG MATAGAL NA PANAHON SA ISANG MATAYOG NA PALASYO, AT SA ISANG IGLAP AY BIGLA SIYANG LILIPAT SA PUSALIAN KASAMA ANG MGA DAGA NA PATULOY NA HIHILA SA KANYA PAILALIM. HANGGANG SA MALIBING NA LANG SIYA NANG BUHAY SA BURAK NANG PAGKALAOS...

may bulung-bulungang tatapusin na lang daw ng queen of all media na si kris aquino ang kontrata niya sa ABS-CBN 2 at lilipat na siya sa GMA7. sana tsismis lang ito at hindi tutuo. o kung sakaling may shades of truth ang chismis, maghunus-dili si kris at wag niyang ituloy ang pinaka-grabeng maling desisyong ito na gagawin niya sa buhay at buong career niya.

malalaos si kris pag lumipat siya sa GMA 7! hindi ito hula. this is a fact. nagdudumilat na katotohanan ito. hindi siya mabibigyan ng GMA 7 ng mga proyektong kasing ganda ng mga ginawa niya sa ABS-CBN 2. hindi rin magagawa ng GMA 7 ang pangangalagang ginawa sa kanya ng ABS-CBN 2. hindi naman talaga marunong mag-alaga ng talent ang GMA 7. lahat nang lumipat sa kanilang talents na galing ng channel 2, nalaos nang walang kalaban-laban. hindi ko na iisa-isahin kung sinu-sino sila. kayo nang mag-isip kung sinu-sino sila at mapatutunayan ninyo yan. pero lahat nang lumipat sa dos mula sa siete, lalong sumikat at gumanda ang mga career.

sinabi ko rin ito sa dating megastar na si sharon cuneta nung nagdesisyon siyang lumipat na sa channel 5 from channel 2. malalaos siya. nagkamali ba ko? ngayon, ano na ang career ni sharon? wala na. "the mega and the songwriter", hindi pa niya solo, with ogie alcasid pa. okey naman sana yung show, pero zero rating dahil nakakatapat ng "gandang gabi, vice" every sunday;

may "madam chairman" din siya. sitcom gabi-gabi at 730pm. joey reyes pa ang script at joel lamangan ang direktor, pero hindi maisalba ng dalawang henyong writer-director ang show dahil nasa channel 5. walang viewership. walang rating kahit sharon pa ang bida na mahusay pa naman sana siya sa kakaibang sitcom na ito. kase katapat naman ang mga top rating newscasts ng ABS-CBN 2 at GMA 7.

ganyan din ang mangyayari kay kris aquino pag lumipat siya sa GMA 7. para siyang isang prinsesang inalagaan ng matagal na panahon sa isang matayog na palasyo, bigla siyang lilipat sa isang pusaliang kasama ang mga daga na hihila sa kanya pailalim para tuluyan na siyang ilibing ng buhay sa burak ng pagkalaos.

i still wish na tsismis lang ito at matalino naman si kris. hindi para sirain niya ang career niya for almost 30 years nang ganun-ganun lang.

POST