<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 20, 2014

Alden Richards Laughs Of A Blogger's Insinuation That He Is Gay

ALDEN RICHARDS says he doesn’t need to defend himself from that malicious post of a blogger insinuating he has a gay lover. “Ako nga mismo ang nag-post noong pictures na yun,” he says. “Outing yun with my fans at ang kasama ko, yung president ng fans club ko, si Nate Gonzaga. Actually, ang daming kasamang pictures noon with me bonding with my other fans, pero ang pinili lang niya yung magkasama kami ni Nate para malagyan ng malisya yung identical shorts na suot namin. E, bigay lang yun ng Folded and Hung, which I’m endorsing. Hindi ko na lang pinansin since my fans naman know the truth. Bahala na lang siya kung maligaya siyang manira ng ibang taong wala namang ginagawang masama sa kanya.”

At the presscon of “Carmela”, he’s very happy with the positive feedback after several scenes from his new drama series with Marian Rivera were shown. “Lahat ng nakapanood, nagandahan. Okay raw ang chemistry namin. Noong sabihin sa’king magiging magkapareha kami, hindi pa ako makapaniwala. Nag-sink in lang sa’kin nang pinapanood ko na sa screen ang mga eksenang ginawa namin. Gustong-gusto nila pati yung kissing scene namin sa MRT. Ang totoo, sobrang kinabahan ako roon. Hindi naman ako sanay sa kissing scenes, so sina Marian at Direk Dominic Zapata pa ang nagturo sa akin kung paano gawin ng tama ang screen kiss. Dapat, haplusin ko muna siya sa pisngi bago i-kiss. Before that scene, sinabihan pa ko ni Direk na mag-toothbrush ka na. Kissing scene nyo na. So pinakuha ko sa assistant ko ang toothbrush ko para makapag-brush muna ko ng ngipin. Tapos, I told myself to relax at huwag kabahan para hindi na paulit sa’min. Awa naman ng Diyos, take one lang kami, perfect na. Next time, love scene naman daw.”

He said that he has thanked Marian repeatedly for choosing him to be her leading man. “Talagang paulit-ulit ang pasasalamat ko sa kanya. Sabi ko, hindi mo lang alam kung gaano kalaking tulong ito sa akin, sa career ko, pati sa buong family ko.”

POST