<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Apr 14, 2011

Captain Barbell Highlights - April 11 to 15

April 11 (Monday)

Tuluyan na ngang nagsalpukan ang puwersa ng kabutihan laban sa puwersa ng kasamaan. Pagtutulungan ng Liga ng Kalayaan sa pamumuno ni Captain Barbell sila Gregor, Kidlat at Gaston subalit hindi pa sila sanay sa pakikipaglaban. Idadamay ni Gregor ang mga taong nanonood sa kanilang laban upang mapakawalan ni Barbel si Gaston.

Hindi masaya si Captain Barbell sa teamwork ng Liga ng Kalayaan sa katatapos lang na laban. Captain Barbell proposed sa mga super heroes na kung hindi nila siya susundin ay umalis na sila sa grupo.

Sa pagbabalik ni Teng sa kanyang normal na buhay ay malalaman niya na sinasaktan ni Tiya Lita si Lelay. Takot si Lelay magsumbong kay Teng pero hindi na ito matago ng mga latay sa kanyang katawan. Teng confronts Tiya Lita sa pagdidisiplina kay Lelay.

Samantala hindi lang si Kidlat ang nagngingitngit na makalaya sa kulungan. Kating kati na rin si Nero na lumabas at maghiganti kay Captain Barbell.

Matapos ang sagutan nila Teng at Tiya Lita ay magdedesisyon na si Lita na lumayo sila ng kanyang apo kay Teng. Wala namang magawa si Lelay sa desisyon ng Lola kahit ayaw niyang mapalayo sa kanyang Kuya Teng. Gulat si Teng dahil hindi na niya naabutan si Lelay sa kanilang bahay.


April 12 (Tuesday)

Hindi makakapayag si Teng na mawala si Lelay kaya hahanapin niya ito. Maaabutan niya ang taxi na sinakyan ng maglola. Mabilis na haharanganan ni Teng ang taxi bago pa man tuluyang makaalis sila Lelay at Lita.

Tagumpay nga na makakatakas si Nero sa kanyang kulungan. Ang masama pa nito ay nakawala din ang iba pang mga masasamang preso na hinuli noon ni Captain Barbell. Muling maghahanda si Nero sa kanyang paghihiganti sa mortal niyang kaaway.

Dahil sa panganib na nakaumang sa pagtakas ng maraming masasamang loob ay muling hihingin ni Captain Barbell ang tulong ng Liga ng Kalayaan. Matapos silang masaktan sa mga sinabi ni Captain Barbell ay hindi sila magbibigay ng interes na bumalik sa grupo at tulungan an gating bida.

Kumikilos na din sila Gregor, Kidlat at Gaston upang tapatan ang lakas ng Liga ng kalayaan. Puwersahan nilang kukunin si Alden sa kanyang ina upang irecruit sa kanilang grupo at gamitin ang kapangyarihan nito sa kasamaan.


April 13 (Wednesday)

Makakatakas si Alden kila Gregor matapos niyang lansihin ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Hindi naman magpapatalo sila Gaston ng ganun ganun na lamang, paplanuhin nila ang pagresbak sa nanay ni Alden.

Nakabalik na din si Lelay sa pangangalaga ni Teng. Tatakutin naman ni Lita si Teng na kung pakikialaman daw niya ito sa pagdidisiplina kay Lelay ay ilalayo niya ang bata sa kanya.

Patuloy din ang pambu-bully ni Rob kay Teng sa trabaho nito. Masasaksihan naman ni Teban ang pang-aapi nito sa kaibigan kaya tutulungan niya si Teng at lalabanan niya si Rob.

Sa eskwelahan naman ni Lelay ay mapapatawag si Teng matapos makipag-away ang anak-anakan niya kay Angelina. Laking gulat ni Teng matapos niyang makaharap ang tatay ni Angelina. Si Bobby ang matalik niyang kaibigan noon.

Kahit na tinalikuran na ni Misha ang liga ay lumalabas pa rin ang kabutihan nito. Gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang tulungan ang isang bata sa panganib. Samantala si Nero naman ay tagumpay na natagpuan ni Eva bago pa ito muling mahuli ng mga pulis.


April 14 (Thursday)

Sa muling pagkikita ni Teng at ni Bobby ay mapag-uusapan nila ang pagkamatay ni Leah. Pagagaanin ni bobby ang loob ng kaibigan sa pinagdadaanan nito. Ipapaalala ni Bobby kay Teng na sa pagkamatay ni Leah ay may natulungan itong ibang tao matapos i-donate ang kanyang puso.

Samantala ay papasukin ni Teban ang pagnanakaw kasama ni Rodel para sa kapatid na si Misha. Bago pa man masukol ng mga pulis si Teban ay makakalusot ito sa dingding at makakatakas sa kanila. May kapangyarihan din pala si Teban.

Aalamin ni Teng kung kanino napunta ang puso ni Leah. Mahalaga para kay Teng na malaman na may nanatiling parte ni Leah sa mundong ito. Hindi naman magtatagumpay ang paghahanap ni Teng matapos mabalitaan na nasa ibang bansa na ang naiwang pamilya ni Leah.

Muling nagbalik si Nero sa Isla Impyerno. Sisimulan niya ang kanyang paghihiganti kay Captain Babell sa paghahanap ng bago niyang mga kakampi.


April 15 (Friday)

Mababalitaan nila Gaston ang magnanakaw na nakalulusot sa mga dingding. Agad nilang hahanapin si Teban at pagpaplanuhang hikayatin upang sumali sa mga masasama nilang balak.

Samantala sa curiosity ni Lelay ay makikita niya ang makapangyarihang plate ni Teng. Lelay becomes familiar sa itsura nito na katulad ng bagay na nasa dibdib ni Captain Barbell. Mabubuko na kaya nI Lela yang sikreto ni Teng?

Hindi naman agad maniniwala si Lelay kay Teng. Muli niyang kukunin ang plate, itataas ni Lelay ang kanyang mga kamay at sisigaw ng Captain Barbell!

Samantala ay sasanib na si Teban sa grupo nila Gregor. Hindi man likas na masama si Teban at gagawin niya ito para sa magandang buhay para sa kanyang kapatid. Kikilalanin siyang si Anino.

Agad na kikilos ang grupo ni Gregor upang magnakaw. Hindi naman ito palalagpasin nila Capatain Barbell at muli ay magkakaharap ang kabutihan sa kasamaan.

POST