<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 30, 2011

I heart you pare - Week 8 Day3-5 (March 30-April 1, 2011)

DAY 3

Matapos makita ni Mandy sila Kenneth at Tony Boy on an intimate moment, magtatapat na ang dalawa nating bida. Aaminin ni Kenneth na si Tony Boy ay bading at karelasyon niya ito! Whaaat?!?!

Another level of role playing ang pinasok nila Kenneth at Tonette para tuluyan na nga silang lubayan ni Mandy. Laking pasalamat ni Kenneth kay Tonette na sinasakyan niya ang mga plano nito. Hindi niya alam gustong-gusto naman ito ni Tonette!

Ngayong balik muher na si Tonette ay paghahandaan niya ang stage comeback niya. Isa nanamang bonggang stage performance ang ihahatid ni Tonette sa Club Love na sisirain ng epal of the century na si Vodka!

Mandy is heartbroken for the nth time. Mas masakit ngayon dahil ipinagpalit daw kasi siya ni Kenneth sa isang bading. Hindi pa rin titigil si Mandy at makikipag-catfight kay Tonette but look who has come to the rescue… Papa Kenneth!


DAY 4

Nakakaamoy si Polly about sa true intentions ni Kenneth kay Tonette at walang takot niya itong pinakilala kay Mandy na kanyang jowa. Deny to death naman si Papa Kenneth na inlababo na siya kay Tonette and never will it happen!

Sa pagtatapos ng araw ni Tonette ay masagot na kaya ang panalangin niya na makabangga niya ang lalaking para sa kanya? May mababangga siyang guwapong lalaki but it’s not Kenneth … he is a policeman named Chito (Mark Anthony Fernandez)!


DAY 5


Chito could be the greatest competition ni Kenneth pagdating sa puso ni Tonette. Killer looks, killer smile at talagang Daboy na Daboy! Si Chino ay isang pulis at siya ring pinsan ni Joel na kukumbinse kay Tonette to finally COME OUT as Tonya!

Pinag-isipang mabuti ni Tonette ang proposal ni Chito na humarap na sa mga pulis. Kumplikado man ang sitwasyon niya ngayon ay mapapapayag din siya ni Chito na tapusin na ang pagpapanggap at ilantad na ang tunay niyang pagkatao bilang si Tonya!

Isang balita naman ang gigising sa mga naiinip nang mga tumbong nila Sonny Boy! Makakarating sa kanila ang balita ng paglantad ni Tonya. Hindi na palalagpasin ni Sonny Boy ang oportunidad na ito na iganti ang jowa nyang na tegi sa car crash! Oh no!

Dinadaga naman si Sarsi para sa gagawing big revelation ng kanyang pumpkin. Wala na ngang atrasan ito pero wala rin silang kaalam alam that Tonya’s life is in danger. May nagleak ng information sa paglantad ni Tonya and Sonny Boy is making sure na success ang revenge niya this time!

POST