<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Mar 16, 2011

Machete Finale Week Program Highlights: March 14 to March 18, 2011

Monday (March 14)

Haharapin nina Dakila at Jessa ang bagsik ng galit ni Bugana! Dahil dito malalagay sa panganib ang buhay ni pero gamit ang mahiwagang machete ay matatalo ni Machete si Bugana.

Patuloy si Rosella sa paghahanap kay Machete at balak niyang humingi ng tulong kay Jessa. Malalaman ni Jessa na hinahanap ni Rosella ang isang lalaking kamukha ni Dakila pero bakit?

Ngunit imbis maging masaya, may babagabag kay sa kanyang isipan: ang gamit na ipinakita sa kaniya ni Bugana--ang gamit na makapagbibigay ng paraan para siya ay makabalik sa kaniyang panahon!

Sa muling pagkikita ni Jessa at Rosella ay ibang problema naman ang haharapin ni Jessa. Magpapatulong ang bagong kaibigan na hanapin ang taong minamahal--na walang iba kundi si Dakila! Ito pala ang dating kasintahan ng asawa niyang si Dakila. Si Rosella ay si Aginaya!

Magagawa ba ni Jessa na sabihin kina Dakila at Rosella ang tungkol sa isa't-isa?

Samantala, natalo man ni Dakila sa labanan, hindi pa rin tuluyan na mamamatay si Bugana. At may isang kontrabidang magbabalik (si Homer, Paolo Contis)para guluhin ang mundo ni Machete!


Tuesday (March 15)


Paano maipagtatapat ni Jessa kay Rosella ang tungkol sa kinaroroonan ni Machete?

Mag-uusap sina Rosella at Jessa; humihingi ng tulong ang una sa huli para mahanap ang iniirog. Magtatalo ang damdamin ni Jessa kung aaminin ba niya sa bagong kaibigan ang katotohanan na ang lalaking minamahal nilang dalawa ay iisa lang.

At ngayong napatunayan na niya na sina Rosella at Aginaya ay iisa, paano pa maitatago ni Jessa kay Dakila ang balitang buhay pa ang babaeng minahal at patuloy niyang minamahal?

Magdedesisyon si Jessa na umamin na kay Dakila--pero bago pa man niya magawa ay madidiskubre niyang nagdadalang-tao siya!

Samantala, makagagawa ng paraan si Homer para matakasan ang kaniyang pagkakakulong! Habang si Bugana naman ay may makahahanap na bagong ilalaban kay Dakila--isang nilalang na siguradong makatatalo sa mandirigma!Kasabay naman ng pagtuklas ni Dakila na buhay pa nga si Aginaya!


Wednesday (March 16)

Magkakabukingan na sina Dakila at Jessa!

Matapos magkita nina Dakila at Rosella, babalikan ni Dakila si Jessa sa kanilang kubo--kung saan aaminin ni Jessa na nalaman nga niyang buhay pa si Aginaya. Papipiliin niya si Dakila kung sino sa kanila ni Aginaya ang mas mahal, nang hindi sinasabi ang tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao!

Maguguluhan si Dakila sa kaniyang damdamin. Kaya ba niyang talikuran si Jessa para kay Aginaya--matapos ng lahat ng kanilang pinagdaanan? Subalit lailangan na raw niyang mamili kaano man ito kasakit sa kanya. Sino ng kaya ang kanyang pipliin?

Samantala, mangangamba naman si Rosella sa kalagayan ni Dakila. Pupuntahan niya ito sa kubo nina Jessa, ngunit hindi niya ito madadatnan doon--pero maghaharap sila ni Jessa! Magkakasagutan ang dalawa!

Na siya namang dating ni Homer!

Alam na ni Homer ang tungkol sa pagpapakasal nina Dakila at Jessa, balak niyang bawiin si Jessa at sasaktan pa ito.Agad din naming darating si Machete.Dahil dito ay maglalabanan ang dalawa. Pero hindi niya alam ang lakas na taglay ni Dakila, at madali siyang magagapi ng mandirigma. Kaya ang pagdidiskatahan ni Homer ay si Jessa!

Sa pag-aalala, masasabi ni Val ang sikreto ni Jessa kay Rosella at Dakila--na buntis ito!

Malalaman rin ni Marla ang tuyngkol sa pagbubuntis ni Jessa dahil nakamasid ito sa nangyayaring kaguluhan.

Magpaparaya na si Rosella, at kusang iiwan sina Dakila at Jessa; ngunit didinggin ni Dakila ang pangitaing ibinigay ng tadhana at pipiliin niya si Rosella. Magagawa ba ni Rosella na itulak pa rin ang iniibig pabalik sa kaniyang karibal?

Habang malalagay naman sa bagong panganib si Jessa matapos malaman ni Bugana ang tungkol sa dinadala niyang anak ni Dakila. Kakasabwatin ni Bugana si Homer para makuha ang kinakailangang dugo at laman ni Machete--na bubuhay at magbibigay lakas sa ipanlalaban kay Dakila!


Thursday (March 17)

Nagtagumpay si Bugana kasabwat na niya nga si Homer upang makuha si Jessa at gayundin ay napasakamay niya si Aginaya. Isang maitim na balak ang nagbabadya sa mga babaeng minamahal ni Machete sa kamay ni Bugana.

Magagawang sundan ni Machete ang mahiwagang uwak na alagad ni Bugana sa paniniwalang ito ang makakapaghatid sa kanya kay Jessa. Kasama naman ito sa plano ni Bugana, ang gawing pain sila Jessa at Aginaya kay Machete upang lumapit ito sa kanyang katapusan. Sa utos ni Baal, isang estatwa sa kanyang katauhan ang nililok ni Bugana upang gapiin ang mandirigmang si Machete.

Hindi nagtagal ay natunton na nga ni Machete ang kinaroroonan ni Bugana. Nakaharap na nga ni Machete ang masamang mandirigmang nabuhay mula sa pagiging estatwa( Daniel Matsunaga). Isa lamang sa kanila ang mabubuhay, ang masama o ang mabuting mandirigma.

Sa tulong ni Val ay makakawala sila Aginaya at Rosella sa kamay ni Homer. Samantala hirap naman si Machete sa pakikipaglaban sa masamang mandirigma dahil sa pinamalas nitong kakayahan na patas ng mabuting mandirigma. Gayundin ay ramdam ni Machete ang bawat sakit na naidudulot niya sa kalaban. Magtagumpay kaya si Machete sa labanang ito?


Friday (March 18)

Patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Machete sa masamang mandirigma. Maiintindihan ni Jessa at Rosella na magkarugtong ang lakas at buhay ni Machete at kalaban nito kaya’t pipigilan nila si Machete na patayin ang kalaban na maaring ikatapos din ng buhay ni Machete. Dahil sa kanilang pakikiaalam ay haharapin sila ni Marla, at gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan upang patayin ni Val ang kanyang kapatid na si Jessa!

Sa tulong ni Rosella ay magagapi ni Machete ang masamang mandirigma sa pamamagitan ng pagsira ng anito ni Baal. Tagumpay man sa pakikipaglaban, ay magkahiwalay na malalagay sa panganib sila Aginaya at Rosella sa kamay ni Marla at Homer.

Sa kapangyarihan ng mahiwagang sandata ni Machete ay maililigtas niya sila Rosella at Aginaya sa tiyak na kapahamakan. Gayundin ay matatapos na ang laban sa pagwawagi niya sa wakas laban kay Homer at kay Marla. Sa huli ay mahahagkan ni Machete si Aginaya at ligtas man si Jessa ay nasasaktan din siya na makita ang mahal sa bisig ng iba.

Hindi na hahayaan nina Aginaya at Jessa na mahirapan si Machete na mamili sa kanila. Batid nila na wagas ang pagmamahal ni Machete sa kanilang dalawa at naging bikitima lamang sila ng pagkakataon. Parehong bukal sa puso ng dalawang babae ang magparaya gayunpaman ay iisa lamang ang itinakda sa puso ni Machete, subalit sino nga bang talaga sa kanilang dalawa ang magiging kabiyak ni Machete sa huli? Abangan sa kapanapanabik na pagtatapos ng Machete!

POST