<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 9, 2011

Machete Highlights – February 7 to 11

Cast of characters

Aginaya/Rosella - Bela Padilla
Candy – Chariz Solomon
Carlos – Nonie Buencamino
Divina - Rio Locsin
Karum – Ryan Eigenmann
Lucco – Rocky Gutierrez
Marla – Ryza Cenon
Serena – Gwen Zamora
Valerie – Stephanie Henares
Zander – Polo Ravales



Monday (February 7)

Sa tulong ni Zander ay maibibili na ni Rosella ng gamot ang kanyang ama. Papakiusapan ni Zander si Rosella na samahan siya sa party at doon muling magtatagpo ang landas ni Rosella at Machete. Kahit nakasuot ng modernong damit ay mamumukaan ni Rosella si Machete. Magtataka si Machete kung bakit siya kilala ni Rosella pero maaalala ni Machete ang bilin ni Marla na walang dapat maka-alam ng sikreto ng pagkatao ni Machete, kung hindi ay muli silang mapaghihiwalay ni Aginaya.

Nang makitang kausap ni Rosella si Machete at matatakot si Marla. Maiisip niyang baka totoong si Rosella si Aginaya dahil ito ang tunay na may ari ng metal clip. Sasabunutan niya si Aginaya at sasabihang layuan ang boyfriend niyang si Dakila.

Pero nang magtalo si Marla at Machete ay lalabas ng mansion si Machete. Papunta noon ng ospital si Rosella nang makita siya ni Machete at sundan nito.


Tuesday (February 8)

Makikita ni Machete ang pagmamahal ni Rosella sa ama nitong si Carlos at maaalala ni Machete ang sarili niyang ama. Malilibang sa pagku-kwentuhan sina Rosella at Machete at hindi nila mamamalayang malapit nang mag-umaga. Nagmamadali nang makabalik sa mansion si Machete pero mata-trap sila ni Rosella sa isang nasirang elevator.

Nanatili pa ring lihim ang pagiging estatwa ni Machete matapos muling makagawa si Marla ng paraan na mapasakamay si Machete bago sumikat ang araw. Magiging palaisipan naman kay Rosella ang pagkawala ni Dakila. Matuklasan na niya kaya ang sikreto ni Machete matapos niyang mahuli si Rosella sa loob ng ospital?

Papakiusapan ni Rosella ang mag-inang Marla at Divina na patuluyin ang ama sa kanilang tahanan. Hindi papayag si Divina dahil hanggang langit pa rin ang galit niya sa pamilya ni Rosella. Ipagtatabuyan at sasaktan nila Divina at Marla sila Carlos at Rosella pero ipagtatanggol sila ni Machete!

Hiniling ni Machete kila Marla at Divina na patuluyin sa kanila si Carlos. Hindi naman makakatanggi si Marla kay Machete kaya inis din si Divina sa desisyon ng anak. Lalong napalapit ang loob ni Rosella kay Dakila sa kabaitan niyang ito. Nahuhulog na nga ba ang loob ni Rosella kay Dakila?


Wednesday (February 9)

Sa pagsikat ng araw ay muling magiging kahoy na estatwa si Machete. Lingid sa kaalaman ni Marla ay mailalabas si Machete mula sa kanyang studio at dadalhin sa isang public exhibit. Muling malalagay si Machete sa alanganin. Sa harap ng maraming tao ay magsasatao ang estatwa. Mapigilan pa kaya ni Marla ang tuluyang pagsabog ng katotohanan?

Mapipigilan ni Marla na sumabog ang sikreto ni Machete sa tulong nila Lucco st Divina.

Matapos sadyaing patain ang ilaw sa venue ng exhibit ay kakaripas ng takbo sila Marla at Machete. Sa pagtatago ay makakapasok si Machete sa restrooms ng mga babae. Mabuko na kaya na ang estatwang Machete at si Dakila ay iisa?

Makikipaghabulan si Machete sa mga security guards matapos mapagkamalang maniac ng mga babae. Makakarating sa dead end si Machete at wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang tumalon sa mataas na gusaling kinalalagyan niya uang hindi siya mahuli ng mga guwardiya!

Samantala humingi ng tulong si Rosella kay Zander upang maibili ng gamot ang kanyang ama. Sa paglalakad ni Rosella pauwi ay mapapadaan siya sa wishing fountain na madalas niyang puntahan. Dito ay muling magkikita si Rosella at si Machete.


 

Thursday (February 10)

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mapapawi ni Machete ang sakit na nadarama ni Carlos. Malaki ang pasasalamat ni Rosella kay Machete sa dinulot nito sa kanyang ama.

Patuloy naman ang obsesyon ni Marla kay Machete. Windang naman si Divina sa nangyayari sa kanyang anak, Isang umaga habang estatwang kahoy ang anyo ni Dakila ay magsisimulang lamunin ng apoy ang kuwartong kinalalagyan nito. Maaaring matupok ng apoy ang estatwa ni Machete!

Si Divina ang may kagagawan nito matapos lubos na mag-alala para sa sobrang obsession ni marla sa estatwa at sa lalaki. Madali namang malalaman ni Rosella ang sunog na nagaganap sa kuwarto kung saan nakatago ang Machete. Susubukan niya itong iligtas subalit mabigat ito at lalo pang malalagay si Rosella sa panganib.

Sa paglubog ng araw ay saktong magsasatao ang estatwa nI Machete sa harap ni Rosella!

Hindi magtatagumpay si Divina sa plano niyang sunugin ang estatwa ni Machete. Imbes na iligtas ni Rosella ang estatwa ni Machete ay si Machete ang nagligtas sa kanya matapos maging tao ang walang buhay na kahoy sa harapan ni Rosella. Hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang nakita at madaling malalaman ni Marla na nabunyag na ang lihim ni Machete kay Rosella.


Friday (February 11)

Patuloy ang obsesyon ni Marla kay Machete. Hindi naman makakapayag si Divina na mabaliw ang anak sa estatwang nagiging tao kayat gagawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang balak na pakikipagniig ni Marla kay Machete!

Higit sa pagkamangha ay tila masaya si Rosella sa hiwaga ng pagkabuhay ng estatwa ni Machete. Ngayon ay naniniwala na si Rosella na totoo ang alamat na kinukuwento ng kanyang ina. Si Machete mismo ang magpapatotoo nito sa kanya at ibubunyag niya kay Rosella na nakita na niya ang babaeng iniibig niya noon pa man sa kanyang panahon na si Aginaya. Gulat si Rosella sa paniniwala ni Machete na iyon ay si Marla!

Naging kampante rin ang kalooban ni Machete kay Rosella matapos nitong malaman ang sikreto niya. Nanaisin ni Machete na makalaya sa loob ng kuwarto ni Marla at sa tulong ni Rosella ay matutupad ang hiling ni Machete. Masaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa subalit hindi magtatagal ay may makakakita sa kanila. Makatakas kaya sila Machete at Rosella o lalong manatiling nakakulong si Machete sa kamay ni Marla kapag nalaman niya ang pagtakas ng dalawa?







POST