<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 26, 2011

Machete Highlights – February 21 to 25

Monday (February 21)

Muli ngang nagharap ang mortal na magkalaban na sila Karum at Machete. Hindi katulad ng huli nilang pagtutuos ay mas matalino na si Karum ngayon. Hindi niya tutuparin ang usapan nila ni Marla. Makukuha niya ang mahiwagang machete at itututrok ito kay Dakila.

Mararamdaman ni Rosella na nasa panganib si Machete. Hahanapin niya ito subalit hindi si Dakila ang aabutan niya kundi si Marla. Si Rosella naman ngayon ang malalagay sa panganib.

Nakatakas man si Machete dahil na din sa kagagawan ni Bugana ay hindi pa rin siya tinantanan ni Karum. Susubukan pang agawin ni Dakila ang mahiwagang machete subalit mauunahan siya ni Karum. Ngayong sugatan na si Dakila ay wala na siyang laban at mahirap na siyang makawala sa galit ni Karum.

Makakaligtas si Rosella matapos siyang iligtas ng kanyang amang si Carlos kay Bugana. Hindi naman hahayaan ni Bugana na magapi ng ganun ganon lamang. Kapalit nito ay kikitilin niya ang buhay ni Carlos!

Iipunin ni Dakila ang buong lakas upang agawin ang Machete kay Karum. Habang lumulubog ang araw ay mapapasakamay ni Dakila ang mahiwagang machete. Sa pamamagitan nito ay makakabawi ng lakas si Machete at hindi na siya magiging kahoy pang muli!



Tuesday (February 22)

Patuloy ang labanang MACHETE at KARUM pero mas malakas na si Machete! Mas makapangyarihan! Bago pa man manalo si Machete sa kanilang pagtutuos ay darating si Marla na bihag si Aginaya. Matitigilan si Machete!

Hihingin ni Marla na bitiwan ni Dakila ang mahiwagang machete kapalit ng buhay ni Aginaya. Dahil sa pagmamahal ni Machete kay Aginaya ay gagawin niya ito subalit maiisahan sila ni Bugana. Hindi niya tutuparin ang kanyang pangako at tuluyang papatayin si Rosella.

Maghihinagpis si Machete sa pagkamatay ni Aginaya. Susubukang angkinin ni Bugana si Machete sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan subalit haharang si Karum at tuluyang ihahagis si Machete sa bangin patungo sa dagat. Mahina man ay buhay pa rin si Dakila subalit patay na ang puso niya sa nasaksihang kamatayan ng mahal niyang si Aginaya.

Mapapadpad ang katawan ni Machete sa isang pampang, animo patay na. Isang babaeng nakabihis pangkasal na tila may tinatakasan ang makakakita sa kanya. Siya si Jessa! -> Kris Bernal


Wednesday (February 23)
Maaabutan si Jessa ng mga lalaking humahabol sa kanya. Magpupumiglas siya subalit dahil mahina ay hindi siya makakalaban. Doon babangon si Machete at ipagtatanggol si Jessa sa kanila. Taob ang dalawang goons kay Dakila at magpapasalamat si Jessa sa kanya.Imbes na tuluyang lumayo at tumakas ay tutulungan ni Jessa si Dakila dahil sa mga sugat na natamo nito.

Aalagaan ni Jessa si Machete habang nagdidiliryo ito. Samantala ay tila babagngungutin si Machete ng alaala ng pagkamatay ni Aginaya. Magigising si Machete at makikita niya si Jessa sa kanyang paanan na napagod sa pag-aalaga sa kanya.

Samantala nagugulumihanan naman si Divina sa kinikilos ng kanyang anak na si Marla. Hindi na siya makilala nito matapos maangkin ni Bugana ang katawan nI Marla. Hindi tatantanan nI Divina si Bugana at papasundan niya ito sa paghahanap kay Dakila.

Malalaman ni Machete ang dahilan ng pagtakas ni Jessa. Tumakas siya bago pa man ikasal sa lalaking hindi niya kayang mahalin. Muling magbabalik ang takot at kalungkutan ni Jessa matapos alalahanin ang lahat. Aaluin naman ni Dakila ang babaeng tumulong sa kanya. Gayundin ay malalaman ni Jessa ang kasawian ni Machete. Ikukuwento ni Machete ang pagkamatay ng pag-ibig na tinadhana para sa kanya, si Aginaya.

Dahil sa pagkamatay ni Rosella ay mawawalan na ng dahil si Machete na mabuhay. Magtatangka siyang magpakamatay subalit pipigilan siya ni Jessa.


Thursday (February 24)

Mapipigilan ni Jessa si Dakila sa tangka nitong magpakamatay. Magagalit si Jessa kay Dakila sa ginawa niya kaya’t magpapasya na lang si Jessa na iwanan na si Dakila. Bago pa man siya makalayo ay isang paniki ang tatambad sa kanyang harapan. Matatakot si Jessa!

Maririnig ni Machete ang saklolo ni Jessa. Lalabanan nI Machete ang mahiwagang nilalanag at ililigtas niya si Jessa mula ditto. Mapagtatanto ni Dakila na ito ay kagagawan ni Marla. Magdedesisyon silang lisanin ang lugar na ito kasama si Jessa.

Mapapadpad sila Machete sa bayan nila Jessa. Nagbalik si Jessa ditto upang kunin ang kapatid niyang si Val. Muli ngang magsisimula ng bagong buhay si Machete kasama ni Jessa at nagiging mas malapit ang loob ng isat isa. Patuloy pa rin ang kalungkutan ni Dakila at ramdam nI Jessa ang kabiguang ito.

Matatagpuan na nga ni Jessa ang kapatid nitong si Val. Muling magkakasama ang magkapatid subalit kasabay naman nito ang pagdating ng kanyang tiyuhin na si Edgar.


Friday (February 25)

Pipiliting isama ni Edgar si Jessa at Val. Ipagtatanggol ni Machete sila Jessa at si Val mula sa kanilang tiyuhin. Magtatagumpay si Machete at mailalayo ang magkapatid mula kay Edgar. Matapos ang lahat ay magpapaalaman din si Jessa at Machete. Ito na nga kaya ang katapusan ng namumuo nilang pagtitinginan?

Hinid na kakayanin ni Divina ang mga kababalaghang nangyayari sa kanyang anak na si Marla. Tuluyan na siyang mababaliw at dadalhin sa mental hospital.

Mapagdedesisyunan ni Machete na sumama kila Val at Jessa. Sa isang liblib na kabukiran ay pareho silang magsisimula ng panibago. Gayunpaman ay hindi pa rin mawala sa alaala ni Machete si Aginaya. Ramdam naman ni Jessa ang pagluluksa ng puso ni Dakila.

Patuloy na nagkakalapit ang loob nila Machete at Jessa. Nagbabadya naman ang panganib mula sa paghihiganti ni Homer, ang lalaking iniwan ni Jessa sa altar. Hindi siya makakapayag na iwanan na lamang ni Jessa ng basta basta.

Mula sa pinaglulunggaan ni Karum ay ang katawan ni Aginaya. Gigising ito at hahanapin si Machete. Buhay pa si Rosella!

POST