<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Feb 15, 2011

Machete Highlights- February 14 to18

Monday (February 14)

Malalaman na ni Machete na hindi si Marla ang iniibig niyang si Aginaya!

Pagkatapos malaman na si Aginaya at Rosella ay iisa, at na unti-unting nagiging malapit sina Machete at Rosella sa isa't-isa, hindi na nagpaawat si Marla at pinalayas na ang mag-amang Carlos at Rosella!

Dahil walang ibang mapupuntahan, pansamantalang makikituloy muna sina Rosella sa tahanan ni Zander. Pero magdedesiyon rin ang dalaga at ang ama nito na umuwi na sa probinsya. Masaya man at nakalaya na mula sa malulupit na kamag-anak, hindi pa rin mapigilan ni Rosella na malungkot dahil lalayo na siya kay Machete.

Pero sa mansion nina Marla at Divina, tumitindi naman ang pagdududa ni Machete sa ugali ng babaeng iniibig. Masyado nang malayo ang pakikipagkapwa-tao ni Marla sa pagkakakilala ng binata kay Aginaya. At lalo lang itong mapapaisip nang malaman na pinalayas ni Marla si Rosella at ang ama nito.

Buhat ng pag-aalala sa ama ni Rosella, susuwayin ni Machete ang hiling ni Marla. Lalabas siya at hahanapin ang mga ito.

Magagalit si Marla. Sa sobrang lakas ng nararamdamang emosyon, ibabaling nito ang inis sa ipit ni Aginaya. Masisira niya ito—sa harap ni Machete!

Gayunpaman, pipilitin ni Machete intindihin ang babae.

Magkakaroon ng pagtatalo sina Divina at Marla dahil sa kahibangan ng dalaga sa kanyang nilikhang estatwa. Nang subukan ni Machete ipagtanggol si Marla mula sa mga paratang ng ina, ang lalaki naman ang susugurin ni Divina, ipamumukha sa kanya na niloloko lang siya ni Marla—na hindi si Marla ang Aginaya na iniibig niya!

Samantala, nang madiskubreng nawawala ang relic na si Karum, sisilipin ni Serena ang mga surveillance tapes para malaman kung sino ang kumuha sa nilalang. Pero ikagigimbal niya ang mapapanood sa tape na ito: ang pagkabuhay ni Karum!



Tuesday (February 15)

Iiwan na ni Machete si Marla, at sasama na ito kay Rosella!

Ngayong alam na ni Machete na hindi si Marla ang kanyang iniibig na si Aginaya, iiwan na ito ng mandirigma para ipagpatuloy ang paghahanap sa babaeng minamahal. Pero hindi basta-basta magpapatalo si Marla!

Para hindi makaalis si Machete, ikukulong niya ito sa anyong estatwa!

Bago naman tuluyang umuwi ng probinsya, gugustuhin ni Rosella na makapagpaalam muna ng maayos kay Machete.

Pero ang gabing pagpunta ni Rosella para magpaalam ay siya ring gabi ng takas ni Machete mula kay Marla! Hihingin ni Machete ang tulong ni Rosella upang tuluyan na itong makalayo—at para may makatulong ang binata sa kanyang paghahanap kay Aginaya!

Maiisip nina Machete at Rosella na puntahan ang manghuhulang nagsabi noon na nabubuhay nang muli si Aginaya sa pangkasalakuyang panahon. Ngunit mauunahan sila dito ni Marla!

Malalaman ni Marla mula sa manghuhula na may isang babae noon na nagtagumpay nang paghiwalayin sina Machete at Aginaya: si Bugana. At ngayon gagawin ni Marla ang lahat upang gisingin ang espirito ni Bugana—para tulungan siyang makuha si Machete mula kay Rosella!

Samantala, magkakaroon naman ng moment sina Machete at Rosella habang pinagtataguan nila ang humahabol na si Lucco. Isang moment na magdadala sa kanilang mga damdamin para humalik sa isa't-isa.

At madidiskubre naman ni Serena na ang sandatang nakabaon kay Karum—ay nakita na niya sa isa sa mga larawan ni Rosella!



Wednesday (February 16)

Bago pa man makapaghalikan sina Machete at Rosella, darating na si Lucco para manggulo sa pasayaw! Hawak ang kanyang baril, magagawa ni Lucco agawin si Rosella mula kay Machete. Pero hindi magpapatalo ang mandirigma. Gagamitan niya ng liksi at gilas si Lucco at makukuha ring iligtas agad si Rosella.

Babalik si Lucco kay Marla, biguan—at magugulat dahil hindi siya kagagalitan ng amo! Ito ay dahil mangha si Marla sa kapangyarihang tinataglay ni Bugana, at sa pagkakataon na magamit rin niya ito. Sa tulong ni Bugana, nagawa ni Marla magpadala ng mga halimaw para tugisin sina Machete at Rosella!

Magkakaroon ng realization si Machete na hindi magiging ligtas si Rosella mula kay Marla habang magkasama sila. Sasabihan nito ang dalaga na dapat na silang maghiwalay, para hindi na muling magambala pa ang buhay ni Rosella. Pero hindi agad ito papaya—nag-aalala na mapahamak si Machete once na bumalik ito sa pagiging estatwa, at dahil mahal na rin nito ang lalaki. Subalit masusunod pa rin ang kagustuhan ni Machete.

Maghihiwala sina Machete at Rosella.

Pero bago pa man makalayo ng tuluyan si Rosella ay makakaharap na nito ang isa sa mga halimaw na pinadala nina Marla at Bugana! Tatakbo ang dalaga! Mahuhulog sa ilog, at aanurin papuntang talon!

Maririnig ni Machete ang sigaw ni Rosella at tatakbo ito para saklolohan ang kaibigan. Bago pa man tuluyang malunod si Rosella ay maililigtas ito ng mandirigma.

Dala ng kanilang mga emosyon, matutuloy na ang halik nina Machete at Rosella—at makikilala na ng una si Rosella bilang ang babaeng matagal na niyang hinahanap: si Aginaya! Magliliwanag ang alibatang inukit noon ni Aginaya sa dibdib ng mandirigma. Mapapahawak doon si Rosella, at babahain siya ng mga alaala ng dati niyang buhay!

Si Aginaya at si Rosella ay iisa na!

Samantala, masisilayan naman ni Karum ang sandata ni Machete na hawak ni Serena! Para malaman kung nasaan na ang kanyang matinding kalaban, makikipagkasundo si Karum kay Serena: ang buhay nito, kapalit ang impormasyon kung saan matatagpuan si Machete!



Thursday (February 17)

Iisa na sina Aginaya at Rosella!

Ngayong alam na nina Machete at Rosella na ang huli pala ang bagong katauhan ni Aginaya, ang pagtutuunan naman nila ng pansin ay ang panunumbalik ni Machete sa pagiging estatwa! Pero bago pa man nila ito tuluyang mahanapan ng solusyon, makakaharap muna nila ang mga halimaw na alagad ni Marla!

Kakausapin ni Marla si Bugana, naiinip dahil sa kabagalan ng mga alagad na pinadala nila. Magkakaroon ng pagtatalo ang dalawa—at malalaman ni Marla ang intensyon ni Bugana na sa kanya mapupunta si Machete!

Sa kabundukan, kakalabanin ni Machete ang mga halimaw na pinadala ni Marla. Mabilis niyang magagapi ang dalawa sa mga ito, pero ang natitira ay ang pinakamabangis sa mga alagad—at pasikat na ang araw!

Magagawa ni Rosella iligtas si Machete, pero hindi niya mapapatay ang halimaw. Makakabalik ito kay Marla at maipapaalam dito ang lahat ng nangyari: kasama na ang pagkawala ng skin affliction ni Rosella.

Samantala, dadalhin ni Serena si Karum sa bahay nina Marla—pero ang madadatnan lang nila ay si Divina. Magagawa ni Serena na iligtas ang ina ng kaibigan mula kay Karum, pero mag-aalala naman ito para kay Marla. Uutusan ni Divina si Candy na maghanda, dahil susunod sila kina Serena at Karum patungong probinsya!

Susubukan ni Rosella na daanin muli sa dasal ang problema ni Machete; kung dasal ang nagbigay sa kanila ng panibagong pagkakataong magkasama muli, magbabakasakali ang dalaga na dasal rin ang makapagpapanumbalik kay Machete ng buo—para hindi na ito maging estatwang kahoy.

Pero mabibigo ang dalaga—at mahuhuli pa siya nina Marla at Lucco!

Sa muling paggising ni Machete mula sa pagiging kahoy, magugulat siya na si Marla na ang kaharap niya. At lalo siyang magigimbal, kasama nina Rosella at Lucco, nang magpalit ng anyo si Marla at ito'y naging si Bugana!



Friday (February 18)

Magsisimula na ang matitinding laban sa buhay ni Machete!

Isang malaking laban ang magaganap sa pagitan ni Machete at ng mga alagad ni Bugana; habang si Rosella naman ay unti-unti nitong kinikitilan ng buhay! Matatalo ni Machete ang halimaw ni Bugana, at magagawang saktan si Bugana—na siyang manunumbalik sa anyo ni Marla.

Ligtas na si Rosella mula sa tiyak na kapahamakan—pero ang hindi alam ni Machete ay napasukan na ito ng lason ni Bugana!

Darating na sina Serena at Karum sa probinsya, at makakaharap na rin nila si Marla at Bugana! Makukuha nila mula kay Serena ang mahiwagang sandata ni Machete!

Samantala, dahil parating na ang araw, dadalhin ni Machete ang nanginginig na Rosella pabalik sa kanilang tahanan. Pero bago pa man tuluyang masabi ni Machete kay Carlos ang mga nangyari ay nanumbalik na ito sa pagiging estatwa.

Gimbal man sa nasaksihan, pipiliin ni Carlos na isugod na muna ang anak sa ospital. Pero maging dito ay hindi matatakasan ni Carlos ang mga katanungan niya—at kahit ng doctor ni Rosella: ano ang misteryo ni Machete? At paano nawala ang skin condition ni Rosella?

Magpa-plano naman sina Marla at Karum ng patibong para kay Machete, at imumungkahi ng babae na gamitin ang ama ni Rosella para pasunurin si Machete. Ngunit sa kanilang pagdating sa bahay ni Carlos—si Machete mism ang tatambad sa kanila!

Maghaharap nang muli sina Machete at Karum!

POST